Chapter 5

15.4K 311 12
                                    

Chapter 5

Distracting me

"Okay." Napatingin ako kay Renz na nagkibit balikat lang sa akin. Tumingin muli ako kay Karl at ang ngisi na niya ang bumungad sa akin.

"Good for you Renz because those hands are filthy." And I want to reach him and punch him, so, so bad. Karl shrugs his shoulder and gives me a goofy smile. "Back to work!" Pinalakpak pa niya ang kamay at tumalikod sa akin. Naglakad na siya papunta sa opisina niya.

Masasapak ko na talaga ang lalaki na 'to. Kaunti na lang.

Bago niya masara ang pinto ng opisina niya ay humabol ako sa kanya. May sinabi si Belle o si Jas o si Renz man 'yon ay hindi ko na naintindihan dahil sa paghabol ko kay Karl.

"Ikaw!" sigaw ko nang makapasok ako sa opisina niya. Malakas na nasara ang pintuan ng opisina niya. At napayuko ako at napahawak sa tuhod ko sa hingal ko nang paghabol sa kanya. Putek siya!

Napalunok ako at inayos ang sarili ko. Tumayo ako at tinignan siya. Kalma, Nica. Kalma. Nandito ka para humingi ng sorry dahil sa ginawa mo. Kapag nadadadagan pa ang problema mo, wala ka ng makakatulong sa paghahanap kay Aly.

Set aside mo muna ang kahanginan ng unggoy na 'yan.

"Ikaw," mahinahong ko namang sabi.

Tinaasan niya ako ng isang kilay. At ngumisi siya. Dimples. "Yes?" Gusto ko siyang sapakin. Una palang. Napayukom ako ng kamay at binigyan siya ng pilit na ngiti. "Ano—" Pero inunahan na naman niya akong magsalita.

"Wait—" Tinaas niya ang isang kamay at winagayway. Umupo siya sa swiveling chair niya at sinandal ang likod niya. "Hindi pa kita pinapatawad." Mayabang niyang sabi. Napairap na ako at umiwas sa pagmumukha niya.

Huminga ako ng malalim at napapikit. Pinipilit ko talagang hindi ang inis ang pumaibabaw sa akin. I opened my eyes. Ginala ko muna ang tingin ko sa loob ng opisina niya. In fairness malinis naman ang opisina niya. May table at swiveling chair. Sa ibabaw ng mesa niya may ilang folders at nandoon ang phone niya.

"O bakit hindi ka nagsasalita?" Umirap ako dahil alam niyang hindi ako lalaban sa kanya. Alam niya kasing may kasalanan ako sa kanya kaya ganito na lang ang yabang niya. Wala na akong magagawa kung hindi mag-sorry agad para matapos na 'to.

"I'm sorry." Napayuko ako. Wala na siguro akong dignidad sa ginagawa ko. I hate Karl. Galit ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit.

"What? Hindi ko narinig." I rolled my eyes. Okay lang! Bingi ka namang unggoy ka! Ganyan siguro kapag papatanda na.

"Bingi. Gurang," bulong ko bago tumingin sa kanya. Ngumiti ako ng peke sa kanya.

"Well, at least, I'm 26 and looking young, Nica. And you, 20 and looking old." Napaawang ako ng bibig. Bigla akong napatingin sa sarili ko na naka-pedal short and simpleng t-shirt. Sikreto ko pang hinawi ang buhok ko. Nasaan na ba 'yung pamusod ko!

E di siya na ang malinis ang mukha at walang bakas ng pimples! E di ako na ang may bakas ng pimple sa noo, baba, at sa pisngi. Hindi siguro siya dumaan sa ganitong stage ng pagkatao niya. Hindi ako katulad ni bes na makinis ang mukha na parang ang pimples pa ang mako-conscious. Ilang gabi rin naman kasi akong hindi natutulog kapag nag-aaral. Ilang gabi rin ako stress nung thesis. Limang taon ang ginugugol ko sa pag-aaral. At hindi biro ang kurso na Engineering. Kaya ganito na lang siguro kung sabihan ako ni Karl na matanda.

Sinimangutan ko na lang siya dahil wala naman akong magagawa. Hindi ko siya pwedeng patulan. "Ready to admit it?" aniya pa niya na mayabang habang tumititig sa akin. Nilagay niya ang kamay sa mesa. Iyong isang kamay niya kinuha niya ang phone niya at pinaglaruan.

A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon