Chapter 31

11.9K 243 12
                                    

Chapter 31

May sasabihin

Kahit ayoko, kailangan kong samahan o igala 'tong si Karl sa Kaingin. Inutusan ako ni tatay dito at wala akong karapatang tumanggi dahil ang ama ko na ang nag-utos sa akin. Saka ang akward din nung sinabi ni Karl kahapon. Ni hindi ko siya matignan sa mata. Hindi ko alam kung biro ba 'yong sinabi niya o totoo. Hanggang ngayon kapag nakikita ko siya kumakabog ang dibdib ko sa kaba o sa kung ano man.

Nag-tricycle na kami papuntang Kaingin. Di bale ang Luwasan sa San Mateo at dito talaga nangingisda ang mga tao sa San Mateo. Iyong Grecia naman ay sentro ng commercial. Nandoon 'yong mga hotels at kung ano pa.  Habang ang Kaingin naman kapatagan. Doon 'yong may rancho at taniman.

"Hindi mo man lang ba ako kakausapin?"

"Hindi," sagot ko.

Huminto ang tricyle at nauna akong bumaba. Hinayaan kong si Karl ang magbayad. Tutal siya naman ang may pakana nito.

"Saan mo ba 'ko dadalhin?" narinig kong tanong niya.

Pero binilisan ko ang paglakad at nakakasabay naman siya sa akin. Tamang desisyon na naka-jogging pants akong maroon—na p.e. uniform ko dati dahil maayos akong makakalakad.

"Baka nililigaw mo na ako," dagdag pa niya.

"Pupunta tayong impyerno. Sasama ka ba?" giit ko.  Napahinto ako sa paglalakad. Hinarap ko siya at nakakairita ang ngiting binibigay niya sa akin. Lalo na ng lumabas ang dimples niya.

"Oo naman. Kahit saan ka pa pumunta. Kahit saan pang lugar 'yan, Nica. So what's next after inferno? Tell me, I would love to follow you just to be with you." Ngumuso ito.

Napalunok ako. My face, I think, went pink. Nanuyot ang aking lalamunan. Ni isang salita walang masabi ang aking bibig. Nakatitig lamang ako kay Karl at hirap na hirap ibaling sa ibang direksyon.

"Hindi ko alam kung baka dahil sa pride, sa hiya, o natatakot ka lang sa nararamdaman mo. Hindi ko alam kung anong dahilan mo kung bakit ka ganyan. But God knows, I'm just telling the truth. God knows I want you. I really, really, need you. And I hope, I'm all you ever need, too, Nica. I'll be desperate to get your heart—to get you—the whole you. Kasi alam ko, totoo ako sa nararamdaman ko. And I know, I know, we're going to have the same feelings. Kahit saan anong paraan, kahit ano pa 'yan gagawin ko, maging magkatulad lang tayo."

And I am speechless. Bigla akong binato ng kung ano sa loob ko. Maybe, Karl's right. Alam ko kasi kaya ako ganito dahil naguguluhan ako. Dahil na rin sa unang pangyayari sa akin about sa relationship, isang factor 'yon. Pero 'yong ibang factor, tungkol sa nangyayari sa akin. Iyong wala pang trabaho, wala pang naa-achieve na malaking batok para sa akin. Pumapasok dito 'yon kahit wala naman kinalaman. Natatakot ako na kapag pumasok ba ako sa ganito ulit na estado may mangyayari ba sa akin? May mapapala ba ako? Iniisip ko, wala naman, pampagulo na naman 'to.

But Karl is making a move to break the chain I made inside me because he is really sincere. Karl is any girls dream guy. Alam ko! Kung tutuusin mas gwapo pa siya sa mga crush ko sa university dati. Dinaig pa niya si R at si Victor na ultimate crush ko. Pero notorious playboy, malapit sa babae, patay na! Saka hello, mahirap paniwalaan na nililigawan niya ko! Utang na loob, kung may kaharap akong ibang tao, sasabihin nila, nagbibiro lang 'tong si Karl sa akin! Sino ba 'ko!

Kaya mahirap paniwalaan itong pinagagawa niya. Pero ngayon, those words coming from him, mahirap ng magduda, mahirap ng maging biro kung nagsusumamo 'yon para sa akin. Putek! Nica! Alam mo pa ba 'yang sinasabi mo?

"Totoo ba 'yan?" I didn't know why I ask this question. 'Mema' lang. May masabi lang sa nakakatamemeng sitwasyong ito.

Lumawak naman ang ngiti nung isa. Napaayos siya ng t-shirt niya at napalunok. "Yes, ma'am!" Sumaludo pa ito sa akin. At napakagat ako ng labi sa pagpipigil. "Ilang taon na 'ko, magsisinungaling pa ba 'ko? I am really, surely, sincerely, and truly in love with you, babe. No need to doubt. No need to worry. Just say you like me, too."

**

Mabuti na lang pumayag iyong namamahala ng rancho na makapasok kami ni Karl. May taniman ng mais kaming nadaanan. Pagkatapos may kung ano-ano pa. Ang swerte pa namin dahil pinayagan kaming na sumakay sa kabayo. Kulay itim na kabayo 'yong kay Karl habang akin brown. Nilibot lang namin 'yong rancho gamit ang mga kabayong pinahiram sa amin. Malaki ang ranchong ito dahil dito sa Kaingin ang pinagkukuhanan ng ilang gulay na ine-export sa ibang bansa. Ngayon lang ulit ako nakabisita dito.

"Malaki-laki rin pala ang rancho na 'to?" Umupo sa tabi ko si Karl. Nasa lilim kami ng isang malaking puno. "Alam ko, Azel made an offer about this area. Kinukuha niya iyong ibang parte ng lupa dito dahil malaki. But the owner declined Azel's offer."

"H'wag mo ngang babanggitin 'yang best friend mo!" irita kong sabi. Naalala ko lang si Aly—iyong best friend kong miss na miss ko na.

"I'm sorry," he answered immediately. "I'm sorry about Aly."

Tinignan ko si Karl ngunit hindi naman siya nakatingin sa akin. Malayo ang kanyang tingin at malalim siguro ang iniisip niya. Bumukas ang bibig niya ngunit hindi siya nagsalita at napailing na lang. Sinandal niya ang kanyang likod sa puno at napapikit. "I'm still looking on her. I'm still contacting Andy—anyone. Kung sino man—I even hired a person to find her. Pero wala pa rin. I'm sorry." Bigla siyang lumingon sa akin. My heart...my heart is beating so freakin' fast. Napaawang na ako ng bibig. "Di ba sinabi ko, hahanapin ko siya para sa'yo. Ginagawa ko 'to para sa'yo. And I am disappointing you, getting no result. I'm sorry. Ako dapat ang maghanap sa kanya pero gusto kitang makasama."

I don't know.

Hindi ko 'to alam!

Biglang nawala ang inis ko kay Gideon at napalitan ng kung ano. Buong puso akong tinititigan ni Karl na parang mong may gusto siyang gawin na hindi niya magawa. Pababa-taas ang kanyang tingin mukha ko na minsan sa mata o kaya sa labi.

"Siguro nga mas maganda ako na lang ang maghanap sa kanya. At least doon kapag nahanap ko siya, magiging masaya ka. At least ako 'yong gumawa non. At least mabibigay mo ang atensyong gustong-gusto kong matanggap. Kaysa naman nandito ako sa'yo, wala naman—"

"No!" Napatakip ako  ng bibig.

Biglang kumurba ang labi ni Karl. Ngumuso ito para maitago niya ang kanyang ngiti sa narinig. Stupid! Stupid! Nakakainis!

"I mean—Go! Go! Go!" Nilakihan ko ang aking mata. "Mas maganda 'yang naiisip mo! Go!" habol ko.

Pero hindi na mapigilan ni Karl ang kanyang ngiti. Ngiting-ngiti siyang humarap sa akin at hindi maitanggi kung ano ang nararamdaman.

My stupid, stupid mouth.

**

Hindi na sa amin kumain ng hapunan si Karl dahil may tawag siyang natanggap kay Andy. Napauwi tuloy siyang Quezon City. Aba mabuti naman! Kapal din ng face na sa amin na lang siya lagi at nakikikain. Tama lang.

10 na ng gabi pero hindi ako makatulog panay sulyap ko sa bintana at sa phone. Hindi ko alam kung kaninong tawag ang hinihintay ko. At hindi ako makatulog. Tumagilid na ako at hindi hinarap ang phone. Papapikit na sana nang tumunog ito at agad akong napatayo. Dinampo ang phone at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

"He—"

"Good evening, Nica." Bumaba ang balikat ko sa narinig na boses. "This is John." I know. "Bukas kasi nasa Grecia, San Mateo ako. And Mr. Padilla will be there. We have project to talk about. At may sasabihin sana ako sa'yo. I hope to see you tomorrow. Kung gusto mo? A small gathering lang naman 'yon about the project. So, see you?"

Wala naman akong gagawin bukas. Wala naman si—ano. So, okay.

"Okay." I said over the phone.

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now