Chapter 10

12.8K 281 14
                                    

Chapter 10

Friend

“O!” May tatlong paper bags na inabot si Karl sa akin pagkapasok ko sa kwarto ng ate niya. “Damit ‘yan.” Aniya at tumalikod na sa akin.

“Karl—wait!” Bigla siyang napaharap. Tinaasan niya ako ng isang kilay.

“Yeah?” Parang tamad na tamad siya ngayong araw.

“Babayaran ko na lang ‘to pag-uwi natin sa Quezon Ci—“ Tinalikuran niya ako.

“’Wag na.” Tinaasan niya ako ng isang kamay.

“Karl—teka! Babayaran ko talaga!” Hinabol ko siya hanggang sa hawakan ko ang balikat niya. Napatingin siya sa akin over his shoulder. Napalunok ako. “Babayaran ko. Ayoko magka—“

Karl swears. “Nica, ang pride, pwedeng ibaba ‘yan.” His words are sharp and not a joke anymore. “Bakit ba lahat ng gagawin ko parang labag sa’yo?” Bigla akong napabitaw ng hawak sa kanya. “Am I forbidden to do something good to you?”

Hindi ako sumagot kaya napailing na lang siya sa akin. Naglakad na siya palabas ng kwarto.

Kahapon pa parang dumidistansya si Karl sa akin pagkatapos noong nangyari sa mall. Pagkarating namin dito sa bahay nila, pagkalapag niya ng pinamili ay pumunta agad siya sa kwarto niya. Ewan ko, may mood swing siguro ang unggoy.

Kaya noong mga oras na ‘yon nakakwentuhan ko ang mama niya…

“Akala ko nga hindi magiging ganyan si Karl. Inuuna niya ‘yung barkada noong highschool. Hindi namin alam kung anong kukunin niya na kurso at nasa college na rin kasi ‘yung ate niya. Akala namin hindi naming kayang pag-aralin si Karl.” Ani ng mama niya habang inaayos ang pinamili sa refrigerator. Napatitig ako sa kanya at nahinto ang pagbibigay sa kanya nung ibang pinamili. “Alam ko lang nung highschool may girlfriend siya, hindi ko alam kung sino, masikreto nga ‘yan.” Napatawa ang mama niya.

Well, hindi ko alam ‘yun.

Dalawang taon lang ang tanda ng ate ni Karl sa kanya. Namangha ako kung paano tinaguyod ng mga magulang ni Karl sila. Dahil nalaman kong hindi naman pala sila mayaman dati. Naging ganito lang sila dahil sa pagsisikap ng mga anak niya. Pero kahit ganito, parang hindi mo sila makikitaan na mayaman dahil itong mama ni Karl parang nanay ko lang. Namiss ko bigla ang magulang ko.

“Kumuha rin siya ng entrance exam doon sa pinapasukan ng ate niya. Noong una nga ayaw niya dahil hindi naman daw siya makakapasa, sayang lang daw ‘yung fee na babayaran namin. Sayang lang daw sa kanya.” Karl’s mom was close to tears now. Lalapitan ko na ba siya at yayakapin?

“Ano pong nangyari?” tanong ko.

“Bigla na lang siyang pumayag. Mag-isa siyang pumunta Quezon City para ibigay ‘yung requirements. Hindi ko alam kung anong rason niya kung bakit na lang siya pumayag ng ganon-ganon.” Napatawa ulit ang mama niya at may tumulong luha sa isang mata niya. Napakagat ako ng labi. “Nakapasa si Karl at isa sa mga scholar ng university na ‘yun. Kaya bigla kami nawalan ng tinik sa lalamunan. Hindi rin kasi namin makakayanan ‘yung tution fee doon. Pero mabuti na lang scholar siya doon.” Napalunok ako. Wow. “Mag-isa siya sa Quezon City at umupa na lang doon ng matitirhan. Iyong ate niya umuuwi araw-araw pero siya ayaw niya. Wala naman din kaming magagawa dahil iyon ang gusto niya.” Napalunok ang mama niya at nagsalita ulit, “Baka may iniiwasan.” Her mom laughed.

“Wow,” the only word I can utter.

Napangiti ang mama niya sa akin. “Hanggang nalaman na namin na running for Summa Cum Laude si Karl. Naiyak pa ako nun.” Her mom laughed again. “Tapos pagka-graduate nagtrabaho siya sa mga Jimenez hanggang sa narating na niya ‘yung kinalalagyan niya.”

Biglang napapunas ng mukha ang mama ni Karl. “Pasensya ka na Nica, masyado lang talaga akong emosyonal sa mga narating ng anak ko. Pero alam mo, kung ano man ‘yung nagpabago kay Karl, nagpapasalamat ako dahil natuto si Karl na magsumikap.” Napangiti na lang ako sa mama niya.

Naalala ko bigla ‘yung sinabi ni Karl sa akin dati na parang parehas kami. Nakuha ko na ‘yung punto niya. Na naging mag-isa rin siya noong nag-aaral ng kolehiyo at parehas kaming dumating sa punto na iyon. Alam ko ngayon, guilty na guilty ako sa sinabi ko sa kanya. Nahusgahan ko siya. Argh! Mali!

Na-curious din ako doon sa sinabi ng mama niya na nagpabago sa kanya. Ano kaya ‘yun?

Napailing na lang ako. Gusto ko ng matapos iyong gusto kong gawin dito. Kailangan na namin ni Karl na hanapin ‘yung lugar. Parang lalo kong namimiss ang nanay at tatay ko at ang kapatid ko rito sa bahay na ‘to. Close na close kasi silang lahat, silang lahat dito.

Lumabas na ako ng kwarto at diretso akong pumasok sa kwarto ni Karl. Hindi ko na nakuhang kumatok at pumasok na lang ako hanggang sinara ko ang pinto. Pero wala si Karl.

“Karl?” I whispered. Sige, Nica maririnig ka niya!

Napalibot ang tingin ko sa kwarto niya. Kulang gray ang kobre kama niya. May dalawa siyang cabinet. May study table siya. At may salamin siyang kitang-kita mo ang buong katawan mo. Okay, I get it. Gwapong-gwapo talaga siya sa sarili niya.

Malinis ang kwarto niya. Sa kama naman niya nandoon ‘yung phone niya at may laptop.

Baka umalis? Umalis kaya siya? Saan naman pupunta ‘yon?

“Karl?” Nakailang tawag pa ako hanggang sa may narinig akong bumukas. Napatingin ako roon. Hindi ko napansing may isang pinto pa pala ang kwarto niya.

“O, bakit?” Karl ran a hand on his hair.

O, damn.

Kitang kita ko ang pagtulo ng butil ng tubig na galing sa buhok niya sa kanyang dibdib. Nasa balikat niya ang twalya at wala siyang shirt…naka-jeans lang siya. Napaiwas ako dahil pakiramdam ko mamumula ang aking mukha.

“Nica kung nandito ka para kulitan ako doon sa damit, wa—“

“I’m sorry.” Sabi ko kahit hindi naman ito ang pinunta ko—well ito rin naman. I’m so rude about him. Nakakainis naman kasi! Napatawa ako bago magsalita. Ang baliw! “Well, siguro nga ma-pride ako. Ma-pride lang naman ako dahil may iniiwasan ako.” Napatingin ako sa kanya. Biglang kumalma ang mukha niya. “Basta ‘yun! Pero ang unfair ko nga sa’yo!” I laughed. Pero si Karl hindi tumawa. Nakatitig lang siya sa akin. “Ito aaminin ko na sa’yo.” Napapikit ako. Oh my God. “Nakakainis ka kasi parang pinaglalaruan mo lang ‘yung mga babae. Iyon ‘yung una kong napansin sa’yo noong makilala kita. Una palang ayoko na talaga sa’yo Karl kasi feeling ko wala kang pakelam sa mga babae…na feeling ko kapag ayaw mo na sa kanila…iiwan mo na.” I gasped bigla kong naalala ‘yung dati. Napailing ako at nagpatuloy, “Nakakainis. Nakakainis iyon.” Napakagat ako ng labi. “Sayang ka! Gwapo ka pa naman! Nakakairita ‘yang dimples mo! Iyong kilos mo! Lahat ng sa’yo! Parang lahat ng gagawin mo mapanganib!” Hingal na hingal ako pagkatapos. Tumaas lang naman ang boses ko a!

Napaawang ng bibig si Karl sa sinabi ko. Napatakip ako ng bibig pagkatapos. Mali, Nica! Mali ka ng sinabi! Urgh! Kakainis ka!

“Ayun!” Napaiwas ako ng tingin. “Sana hindi ka ma-offend sa sinabi ko.” Napatingin ako sa palad ko. Well, ito naman talaga ‘yung himumutok ko sa unggoy na ‘to. At least ngayon, nasabi ko na at nalaman niya kung bakit ganito na lang ako sa kanya.

Ilang minuto ang lumipas pero hindi siya nagsasalita. Bigla tuloy akong napatingin sa kanya. Nakatitig na pala siya sa akin at parang may iniisip.

“Hi, I’m Karl.” Lumapit siya sa akin. Nanlaki ang mata ko sa inakto niya sa akin. Lalo na ngayong, wala siyang shirt. Masyadong nakakadistract!

“Ha?” Napakunot ako ng noo. Ngumiti naman siya sa akin. At dimples.

Karl offers his hand to me. “So, let’s start from the beginning, Nica.” Tinignan ko ang kamay niya. “Simula ngayon, baliin mo na ang paniniwala mo sa akin. Magsimula tayo, I’m Karl and you’re Nica.” Napatingin ako sa kanya. “Can I be your friend, Nica? Can I be your boy friend?” Napalunok ako. Ngumisi siya sa akin at unti-unting lumapit sa aking tenga. “Coz I like to be your friend.” And my body went rigid.

 

A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon