Chapter 49

10.5K 214 19
                                    

Chapter 49

Soon to be


Tinignan ko si Godfried bago hatakin si Karl palayo. Bahala na siya kung saan pa ang gusto niyang puntahan! Nagpahatak naman si Karl sa akin. Nainis ako sa pag-iwas na ginawa niya sa aking tingin.

"Ano, galit ka na? Magagalit din ako!" ani ko kaagad.

Binitawan ko siya. Hindi ko alam kung saan kami nakarating. Hindi ko alam kung anong avenue ba 'to. Nakarating kami sa mataas na pader na may murals.

"What? Ba't 'di ka nagsasalita? Tell me something..." Kumurap ako at nanggagalaiti sa katahimikang binibigay niya. Nang humarap siya sa akin, kitang kita ang itim sa ilalim ng kanyang mata. Ang kapaguran sa kanyang mukha. His face screamed exhaustion. I want to touch him. My hands ached to touch him. I miss him... Napabuntong hininga ako. "I miss you, ba't di ka nagreply sa text ko na aalis ako..." I slapped his shoulder. Tinulak ko pa siya. "Oy ano!" I got nothing from him.

Pakiramdam ko kapag hindi pa siya magsalita magdadabog na ako kahit maraming tao ang makakakita sa amin. Kahit na mukhang mage-eskandalo ako rito. Wala na siguro akong pakealam.

Papasalita na siya nang tumunog ang telepono niya. Parehas kaming napatingin sa kanyang pantalon. Hindi ko na siya binigyan ng pag-alinlangan. "Sagutin mo. Kailangan ka," ani ko. Nagbuntong hininga ako. "Uuwi na lang ako." Tumalikod ako sa kanya. "Bye," panghuli kong sabi bago tuluyang maglakad.

"Anong ikaw lang? Tayo!" Naramdaman ko ang may humawak sa aking kamay. Tumingin ako sa aking kanan. Nakita ko si Karl. He intertwined his fingers with mine. He gave me a goofy smile. "Hindi ako galit ah. Alam mo naman gustong-gusto ko atensyon mo." Lumapad ang ngiti nito. Ngumuso ako para pigilan ang aking pagngiti. Umiwas kaagad. "Naririndi na 'kong puro boses ng board, ni Andy, o ni Azel ang naririnig ko! Mas gusto ko boses mo wala ng iba!" Napatigil siya. Tumitig ako sa iba. "O ngayon, ayaw mo naman akong tignan! Nica, parang awa mo na tumingin ka naman sa akin oh! Hindi naman ako galit! Hindi ko kayang magalit kapag sa'yo! Doon sa lalaking kasama mo, doon ako inis! Doon ako galit! Nica, isang tingin naman dyan o!" Humaplos ang kamay ni Karl sa aking batok. Kinalibutan ako sa hawak na 'yon. Ngunit nangiti pa rin ako.

I looked away and asked, "Saan tayo?"

"Kung saan ka pupunta. Pero tumingin ka muna sa 'kin!"

I looked at him, nakataas ang isang kilay ko.

"Bakit nagtataray ka pa rin sa akin?" His brows creased. "Nica, gusto mo bang mahalikan kita ngayon dahil sa pagtataray mo sa akin?" Ngumisi siya. Nalaglag ang aking panga. "Ano gusto mo?"

Hinawi ko ang mukha niya. "Baliw!"

Ngumisi pa siya lalo. "O 'di ba kapag halikan nasa akin kaagad atensyon mo." He laughed croakily. "You like kissing this much, huh?" Ang nakakaloko niyang ngiti ay mapanganib. Sa araw-araw lalong nagiging attractive si Karl sa aking paningin. Lalo na kapag binibwisit niya 'ko ng ganito.

I winced. "Kapal ng mukha!" bira ko.

Sinundot niya ang aking tagiliran. "Someday, it is going to be more than just a kiss...and you'll like it..." He winked at me. Parang pumunta ang lahat ng dugo ko sa aking ulo. Nanuyot ang aking lalamunan sa sinabi niya. "'Yan! Iyan ang mga usapang gusto mo kasi nakukuha ko atensyon mo!" Humalakhak siya. Loko 'to!

My hands balled into fist. It is a matter of seconds when my fist connected with his jaw. That's more than the kiss you ever thought! "Kiss my fist!"

**

Ilang text messages ang natanggap ko kay Godfried nang makauwi kami ni Karl sa unit. Hindi ako nagtipa ng kahit anong mensahe sa kanya. Pupunta-punta siya rito at sasabihin niyang girlfriend niya 'ko? Hindi ko siya maintindihan! Kahit ilang paalala ang aking sabihin, wala naman sa kanya! Bahala siya! Ni hindi niya napansin ang singsing ko, I'm engaged!

A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon