Chapter 7

14.8K 282 20
                                    

Chapter 7

Matagal-tagal

Mabilis na nakalabas si Karl sa Blue Ford Ranger niya na naging dahilan para hindi ko siya masapak. Nangigigil ako at hindi ko alam kung paano pa mapapakalma ang sarili ko inis sa kanya. Gusto kong may ibalibag sa kanya ngayon din!

May kumatok sa bintana ng kotse. Nginitian niya ako at lalo akong nanggigil. Dimples. Damn. "Tara na." aniya at kinatok pa ako. Binuksan niya ang pinto at bigla akong nanlamig.

Tinignan ko siya ng masama. "Ikaw!" I scowled. "Nakakainis ka!" Mabilis akong lumabas ng kotse at kinuwelyahan siya. Pero ngumiti lang siya ng todo na napagkita sa akin ng dimples niya. Putek. "Bakit dito?" irita kong sabi at lalong napahigpit ng hawak sa kanya. Mabuti na lang walang tao dito sa compound.

"Chill, babe." Hinawakan niya ang kamay kong nasa kwelyo niya. He looks away and smiles. And dimples. "Remember the moment we first met?" namamaos niyang sabi. Para akong nanlamig at nawalan ng lakas na kwelyohan siya dahil sa hawak ni Karl sa kamay ko.

"Nasaan si Gideon?"

"Chill, babe."

"Babe babe ka diyan! Gusto mo bang ibalibag ko 'yang kotse mo sa'yo. Nasaan si Gideon? Sagot agad!"

Napaawang ako ng bibig at nabitawan si Karl. Nanlamig ang buong katawan ko sa naalala kong unang pagkikita namin ni Karl. Unang pagkakataon na tinulungan ko si bes para kay Gideon at hinahanap namin siya. Pero ngayon si bes naman ang hinahanap ko. My chest aches.

"Sana kaya ko ring sapakin 'yang best friend mo sa nangyari! Pero hindi e nawalan siya ng alaala at wala siyang alam! Sana kaya ko siyang sapakin katulad nito—" Sinapak ko na siya sa panga. I wince at pain.

Napangiwi si Karl sa ginawa ko. Pero hindi siya nagalit at tumawa lang. "Ang hina mo," bulong niya habang hinihimas ang panga. He laughed, hoarsely. Inihanda ko naman ang isa kong kamay para sapakin siya ulit pero nasalo naman niya. "I got you, babe." Hinatak niya ako sa kanya hanggang huminga siya sa may leeg ko. I heard his sharp intake. Nanindig balahibo ang aking batok. I feel like a statue.

 "Karl?"

Mabilis akong kumalas sa kanya at umatras. Biglang bumukas ang asul na gate at bumungad ang isang babae. "Karl Simon!" maligayang sabi ng isang babaeng. Medyo mataba ito at hanggang balikat lang ni Karl. Maputi ito at hindi katulad ni Karl na nasa pagitan ng moreno at maputi. Pero ang pinagkatulad nila ay ang itim na buhok at itim na na kulay ng mata.

"Ma!"

Mama niya pala 'to. "Sinabi lang ni Kez na uuwi ka sa 'tin! Nagtext ka lang a!" natatawang sabi ng mama niya at hinampas ito sa braso.

"Pasensya na ma. Hindi rin ako naka-attend sa graduation ni KJ." Ngumiti si Karl. Iyong ngiti walang pang-aasar at natural na natural lang. Kumalas ng yakap ang mama niya sa kanya. "Nasaan na ba si KJ?" tanong ni Karl.

"Kasama ng papa mo. Nanonood sa sala ng basketball. Ginebra at Purefoods—" Biglang napatingin ang mama niya sa akin at ngumiti. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya ngumiti na lang din ako.

"Ma, si Nica pala." Napakamot bigla si Karl ng ulo. Umiwas ako at tumingin sa mama niya.

"Hello po," medyo pabulong kong sabi. Ito...ito 'yung pinakaayaw ko. At hindi ko alam kung bakit nagiging hiyang-hiya ako ngayon. "Good afternoon po." Napayuko ako kasi ito lang ang alam kong gawin ngayon.

"Pasok ka Nica." Ani ng mama niya at binuksan ang gate.

Napatingin ako kay Karl dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Naunang naglakad ang mama niya. Naglakad na si Karl pero nakatayo pa rin ako. "Anong hinihintay mo?" tanong ni Karl at ngumisi.

A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon