Chapter 6

14.9K 322 14
                                    

Chapter 6

Bahay namin

“Nay mga dalawang linggo siguro makakauwi na ako dyan sa ‘tin. May inaayos pa ako rito para sa pag-a-apply ko ng trabaho e,” sabi ko kay nanay sa phone. Napakagat ako ng labi dahil sa pagsisinungaling ko. Naging sikreto pa rin kay nanay at tatay itong paghahanap ko kay Aly. Ayoko rin kasi silang mag-alala.

“A sige-sige! Excited na ‘yong ilang kapitbahay natin na makita ka!” natatawang sabi ni nanay.

Ako hindi excited. “A sige po! Matatapos na ‘tong unli ko nay! Mag-ingat po kayo dyan.”

“Ikaw din. Sige nak!” Binaba ko na ang tawag pagkasalita ni nanay. Napalagay ako ng aking phone sa bulsa ng pantalon ko.

Kahapon nag-usap kami ni Karl na ngayon kami aalis papunta sa Bulacan. Ito iyong lugar na nakita ko sa album ni bes sa facebook. Maaring nandito siya dahil sa lahat ng alam ko na lugar dito sa Quezon City na napuntahan niya ay wala siya. Nagbabakasakali lang naman akong nandito siya. Pero syempre, nanalangin ako. Wala namang masamang magbaka sakali, ang masama mag-expect ng todo.

Isang araw lang naman siguro ang gugogulin namin ng unggoy na ‘yon sa Bulacan kaya hindi ko na kailangan mag-empake pa. Sabi niya rin sa Autohub na lang daw ako maghintay at sinabi niya naman sa akin na makakapasok naman ako doon dahil sinabihan niya na yung mga guard.

Kinuha ko na ang shoulder bag sa kama. Lumabas na ako ng bahay at kinandado ito. Naglakad na ako hanggang sa pumara ako ng jeep.

Hindi pa ako nakakapunta sa Bulacan. Buong buhay kong nasa San Mateo at Quezon City. At sa ibang lugar lang dito sa Metro Manila. Ang alam ko lang sa Bulacan nasa region 3 siya at isa sa mga pangunahin produksyon ng palay sa Pilipinas. Iyon lang at ang alam ko ang lolo at lola ni Aly doon. Pero hindi ko alam kung saang lugar doon.

May mga pictures lang si Aly pero walang exact location sa Bulacan.

“A. Center na!” sigaw ng driver.

Huminto ang jeep at una akong bumaba. Napahawak ako nang mahigpit sa aking bag habang naglalakad papunta sa Autohub. Bawal magbaba ng tao sa tapat ng building kasi yung mga nagtatrabaho lang don ang pwede kaya sa tapat lang ng center nito pwede.

May dumaang dalawang babaeng naka business suit sa harap ko. Tumingin sila sa akin mula ulo hanggang paa kaya napatingin ako sa sarili ko. I used to wear clothes like this: jeans and a t-shirt. Isama mo pa ‘tong favorite kong itim na converse shoes. Si bes lang minsan ang nagpipilit sa akin na magdress at sa ibang occasion.

Umangat ang tingin ko sa kanilang dalawa at nginitian sila. Nagpatuloy akong naglakad habang sinusuklay ang buhok ko. Tinanguan lang ako ng mga guard noong papasok ako.

“Hintayin niyo na lang daw si sir de Vera dyan.” Sabi nung isa guard at pinaupo ako doon malapit sa parang information desk.

Napatango. “A salamat po!” Kinomportable ko ang sarili ko sa upuan. Pansin kong may parang tumitingin sa akin pero hindi ko na lang tinignan.

Ang tagal naman nung lalaking ‘yun!

Kapag ganitong mag-isa ka lang, ang karamay mo lang ay ang phone mo. Nagkukunwari ka minsang may katext o kaya naglalaro ka na lang para hindi ka mabagot. Pero ang tagal na ni Karl.

“But I’d need to leave, Andy.” Napaangat ako sa pamilyar na boses na iyon. Kakalabas lang nung dalawang taong sa elevator. Iyong isa nakabusiness suit at iyong isa naman naka-polo at pants.

“But sir, I’m sorry. There are meetings you need to attend on the following days.” Napakunot ng noo si Karl at bigla natagpuan ng mata niya ako. “Some branches need your presence because of the absence of Sir Jimenez. I’m sorry—“

“Fuck meetings. Fuck Azel.” Karl swore. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin at binalik kay Andy. Napahinto sila nang makalapit sila sa akin. Napansin ako ni Andy kaya tumango siya sa akin. “Hindi ko siya makausap. At ngayon nalaman kong nasa London siya at wala si Aly sa kanya. Hell with Azel!” Tumodo ang kunot noo ni Karl. “And of course, you wouldn’t tell me where the asshole is!” Andy stood still. Ako ang napalunok para kay Andy. “How about Aly, Andy? Azel fucking lost his mind without remembering Aly. Bullshit, isn’t?” Karl’s chest is rising and falling with rage. Ilang beses siyang napailing.

Pakiramdam ko hindi ako makalunok sa narinig ko. Hindi naalala ni Gideon si Aly. Kaya…kaya umalis si bes? At sinisi niya iyong sarili niya sa nangyari.

Napatakip ako ng bibig. Ewan ko naghahalo iyong emosyon ko at hindi ko matukoy kung ano ang nangingibabaw. Kung inis o galit na ba. O lungkot o panggigilan ko na ba! Hindi ko alam!

Napatayo ako at hindi ko na alam ang susunod na ginawa ko. Nahatak ko na lang si Andy. My face turned red with anger. “Bakit hindi mo sinabi sa akin wala siyang naalala! Sana pinuntahan ko na lang si bes! Sana sinamahan ko na lang siya! E di sana hindi niya maiisip ‘to! SANA KASI—“ Napatigil ako nang mapasubsob ako. Naramdaman ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya at mabilis na tibok ng puso niya hanggang sa nanginig na ang labi ko dahil sa pag-iyak ko. Napahigpit ako ng hawak sa polo ni Karl.

Kung alam ko lang…e di sana nasa tabi niya lang ako. Hindi niya ‘to maiisipan. Hindi niya ‘to gagawin kasi nandoon ako.

“Aalis ako dahil gusto ko.” ani Karl.  Mabagal siya kung huminga. Gusto kong iangat ang ulo ko pero hindi ko nagawa. “Aalis ako. And I’ll find Aly.” Dahan-dahan akong inalis ni Karl at kinuha ang kamay ko. Pinasadahan niya ako ng isang tingin at napunta kay Andy. “I’ll find Aly for this girl.”

**

Kanina pa ako nakatunganga sa byahe. Pakiramdam ko pagod ako at gusto ko lang matulog. Nakatingin lang ako sa bintana ng kotse. Ni hindi ko nga maramdama ng sakit sa higpit ng hawak ko sa tuhod ko. Napapatingala na lang ako kapag nararamdaman ko ang luha ko. Ewan ko nasasaktan ako kay Aly. Sobra akong nag-alala sa kanya. Hindi ko alam kung maayos ba siya? Nakakain? May matutulugan? Hindi ko alam! Kaya naiinis ako!

“Mas pumapanget ka babe kapag umiiyak.”

Napatingin ako ng masama kay Karl. “Kapal mo!” Sasapakin ko na sana nang mapansin kong nasa NLEX na kami. At baka ito pa ang maging dahilan kung maaksidente pa kami. Pero makapal talaga mukha ng unggoy na ‘to.

“Nagsasabi lang naman ako ng totoo.” Humalakhak siya at inirapan ko lang. Baka maudlot pa ang pagpunta namin sa Bulacan kapag nasapak ko ‘tong si Karl.

“Ewan ko sa’yo!” ani ko at hinawi ang aking buhok at inilagay ito sa kanang balikat. Napapikit ako at napabuntong hininga. “Malayo pa ba tayo?” Humarap muli ako sa kanya. Napaakyat ang kotse at huminto ito sa tollgate.

“Oo—“ Napalunok si Karl at nakita ko ang pagtingin niya sa leeg ko. At nagsalita, “Bocaue exit na ‘to.” He pressed his lips. Agad niyang inangat ang tingin sa akin. “Teka—“ Bigla siyang naalarma nang katukin siya ng bintana nung babae na nag-aakikaso sa tollgate fee. Aligaga pa niyang kinuha ang pera sa bulsa at binigay doon sa babae.

Pinaandar niya ang kotse at hindi na ako binigyan ng tingin. “Bocaue na tayo.” Aniya. Patuloy lang si Karl sa pagmaneho.

“Karl…” Napakagat ako ng labi.

“O?” Pero hindi siya tumitingin sa akin.

“Alam mo ba kung saan ‘yong kila bes dito?”

I saw his forehead creased. “Hindi.” Nanlaki ang mata ko.

“Saan mo ako dadalhin kung hindi mo alam?!” Halos hindi ako makahinga sa sinabi ko. Medyo mabilis ang takbo ng kotse. Nakita ko ang isang karatula na nakalagay ang Welcome to Taal. “Uy! Karl saan mo ko dadalhin!” Hindi ko siya makuhang mahawakan dahil nagmamaneho siya. Niliko niya ang kotse sa isang compound at tumigil sa tapat ng asul na gate.

Humarap si Karl sa akin at ngumiti. “Sa bahay namin.” At bumagsak ang panga ko sa narinig sa kanya.

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now