Chapter 26

12.9K 279 34
                                    

Chapter 26

Forbidden

"Veronica."

I didn't know I was holding my breath while looking at John. Napatayo siya at napasinghap ako sa posturang binibigay niya sa akin. John is wearing a sky blue polo and pants. Naka-tuck in ang polo niya sa kanyang pants. Iyong tindig niya hindi pa rin nagbabago. This is still John, my ex-boyfriend who'd left me.

The last time I saw him, he was with Aly. Noong birthday ni bes. Pero ang ginawa ko ay umalis palayo noong oras na iyon. Because I was too scared and damn it—hindi ko alam kung anong gagawin ko. Dapat ako 'yong tipong may lakas ng loob pero wala, nalusaw lahat. I didn't know.

"You know her Mr. Jimenez?" The manager asked.

Hindi mawala ang tingin ko kay John. Right, this is Gideon's brother. He's a Jimenez. Nasa tatak na ba ng mga Jimenez ang mang-iwan? I tasted bitterness. Pinilit kong ialis ang tingin ko kay John at binaling sa manager.

"Yes, of course," John said.

I gulp.

Is he going to say I was once his girlfriend?

Heck, probably no.

"A friend?" natatawang sabi ng manager. Ngiting-ngiti siyang tumitingin sa akin habang ako ilang beses na napapalunok. Malaki ang katawan ng manager at nakayakap ang polo niya sa kanyang upper body. Mga trenta na siguro ito pero napapanot na. Pumeke ako ng ngiti sa kanya habang siya hindi na mapakali sa susunod na sasabihin. Iyong lalim ng boses niya'y nagiging husky dahil sa kanyang pagtawa. "Or ex-girlfriend?"

Putek!

Para akong nabilaukan sa sinabi ng manager. Mabilis kong inalis ang aking tingin at dumestino sa gamit niya sa table. Pinagmasdan ko na lang 'yong pangalan niya roon Engr. Danilo Padilla Jr. habang pinapakalma ang aking sistema.

Hindi man lang ako makapagsalita. Dapat kanina pa ako nagsasalita at sumasakay sa bawat sasabihin nito pero hindi ko magawa.

"That's not your business anymore, Mr. Padilla. If I were you, I'm just going to deal with my client and talks about the project." Hindi ko na napigilang hindi tignan si John. Sa kanyang pananalita pa lang, propesyonal na propesyonal na. Tumayo na ito at naalarma ang aking sistema dahil alam ko napapunta siya sa pwesto ko. "Is that okay with you, Mr. Padilla?"

"Of—of course, Mr. Jimenez." Mr. Danilo stammered. Sa tingin ko, naistatwa ito dahil sa salita ni John sa kanya. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang mabilis niyang pagtayo. May kinuha siya sa kanyang mesa na folder. Binuksan niya ito para pag-aralan.

"When you're done checking our proposal, i'd suggest you to call me immediately." John said.

Ramdam ko ang tingin ni John sa akin pero hindi ko pinansin. Tinuon ko ang aking atensyon kay Mr. Danilo na hindi malaman ang gagawin dahil papaalis na si John. Narinig ko na lang ang yabag ni John at ang pagsara ng pinto.

"Mr. Jimenez—" He interrupted.

Napalingon ako sa pinto at wala na agad si John sa loob ng opisina.

I heard the manager cursed under his breath. He recklessly sits on his swiveling chair. At ito na ang oras para magsalita ako. Kailangan ko magkaroon magandang impresyon sa kanya. Pagkakamali kong hindi sagutin ang kanilang e-mail. Kaya kailangang baliin iyon.

Magsasalita na sana ako pero bigla akong napatigil sa matalim na tingin ni Mr. Danilo sa akin.

"I'm not accepting you, Ms. Villareal. You're not qualified to our company."

**

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nakapagtimpi ako sa panot na 'yon! Aba parang pinapakita pa niya na ako ang may kasalanan kung bakit ganoon na lamang ang resulta ng pakikipag-usap niya kay John. Tsismoso kasi! Ayan! Ako pa talaga hindi qualified? Pinapunta pa niya talaga ako sa kompanya nila para sabihin na hindi na ako tanggap. Sinampal pa niya sa akin na hindi niya ako tatanggapin.

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now