Chapter 44

9.6K 196 21
                                    


Chapter 44

Magselos


"Morning."

My half-opened eyes wanted to close when I heard his voice. Pumikit kaagad ako ng mariin nang manguya ng sistema ko kung kaninong boses galing iyon.

Ngunit nang maamoy ko ang aroma ng kape. Hindi ko mapigilan ang aking sarili. Ito ay isa sa mga mapanuksong amoy sa aking buhay. Ang kape. Dahil napapabangon lang naman ako nito.

Putek.

I opened my eyes immediately. It landed on Karl's smug face. Ngising-ngisi itong pinalalandakan na umiinom siya ng kape ngayon. Karl knows how desperate I am for coffee. Lalo ngayong kumikirot ang aking ulo sa sakit.

I pushed away these thoughts. Iniba ko ang usapan. "Ba't nandito ka pa? Ba't 'di ka pa umaalis?"

Iniba niya rin ang usapan. "Gusto mo ba?" alok niya, sabay lakad papunta sa kama. Umupo ito. He offered the cup of coffee. Sabay higop dito. "Sarap." He winked at me, dahilan upang lumabas ang dimples niya sa magkabilang pisngi.

Kung wala lang 'tong hawak na kape, binato ko na siya ng unan. Mga limang bato. Matauhan lang siya. Umirap ako, at inalis ang kumot sa akin. Kinuha ko ang pamusod sa cabinet, at tinali ang buhok ko.

Humarap ako kay Karl, habang tinatali ang aking buhok. "Wala ka bang ibang gagawin? Ba't nandito ka pa?" Bumaba ang tingin ni Karl kung saan. Una sa aking labi, hanggang sa madestino sa aking collarbone. Nanatili ang kanyang tingin doon hanggang bumaba sa aking dibdib. Agad na namula ang pisngi nito.

Tumaas ang tingin niya sa aking mukha at nagtanong, "You don't have a bra?"

Nanlaki ang aking mata. Agad akong napatalikod sa kanya. Halos gusto kong ng sambitin ang lahat ng santo sa nangyari. Halos gusto ko ng magwala, at batuhin si Karl. Halos gusto kong sumigaw, ngunit wala akong nagawa. But the only thing I did was to cover my chest with my arms.

"Jesus, it takes more than that to seduce me," he said, and chuckled. Tinignan ko siya ng masama over my shoulder. Kinindatan pa ako ng unggoy. He spread his arms like an idiot. He was about to say something, ngunit inunahan ko siya.

"Labas! Napaghahalataan ka e! Manyak!" sigaw ko, at binato ang maliit na unan sa kanya. Nasalo naman ito ni Karl. Humalakhak ito, at sobrang nakakainis ang tawang iyon na gusto ko siyang sapakin ng walang habas.

Bago lumabas ng kwarto'y, Karl bowed to me. Nang-aasar pa siyang kumindat. Pumito pa ito nang nakalagay ang kamay sa kanyang batok papalabas ng kwarto. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay binaba ko ang aking kamay.

Binagsak ko ang sarili ko sa kama. Saktong bumagsak ang mukha ko sa unan. Sumigaw ako sa sobrang kahihiyan. Bakit 'di ko kaagad napansin iyon? Bakit ba nawala sa isipan ko 'to? Bakit ba? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa nangyari ang kahihiyan?

Putek! Nakakahiya! Sobrang nakakahiya!

Kagabi pa ba 'to? Kagabi pa? Bakit 'di ko napansin noong nagising na 'ko? Bakit? Bakit?

Sigaw ako ng sigaw kasabay ng pag-iisip kung paano nangyari 'to?

Siguro'y wala ako sa malay nang alisin ko ito kagabi. Hindi kasi ako makatulog ng hindi tinatanggal ito.

Ayoko na! Ayoko na ng kahihiyang 'to! Ayoko na!

Bwisit na Karl 'to! Alam na nga...sinabi pa! Hayop!

**

Nang lumabas ako sa kwarto, naabutan ko si Karl na nanood ng palabas sa telebisyon. He is still holding the cup of coffee. May isa pa nga nito sa lamesita. Mabilis akong kumilos upang makapunta sa banyo upang makaligo.

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now