Chapter 34

11.4K 251 8
                                    

Chapter 34

Ang dry

To Unggoy:

Huwag na nga kasi! Ang kulit!

 

From Unggoy:

Papuntahin mo na kasi ako. I'll be there in a minute.

 

Mabilis akong nagtype nang ma-receive ko ang text ni Karl.

To Unggoy:

WAG NA NGA! ISA! WAG KANG PUPUNTA RITO SA 'MIN!!!!!

 

Umagang-umaga tumawatag siya sa akin pero hindi ko sinasagot. Nakailan din siya hanggang sa tumigil. Pero hindi pala tumigil dahil tinadtad naman niya ang inbox ko ng messages. Umabot yata ng 50 messages bago ako magreply dahil nakakairita na. Hindi ko alam kung nakakairita o nakakainis o ano ba 'yong una niyang text sa akin na nagpabangon sa akin ng di oras.

From Unggoy:

Good morning, babe.

Muntik ko ng mabalibag ang phone ko sa unang text na natanggap ko sa kanya. Asus! Nica, kinikilig naman tumbong mo hanggang ngayon! Denial Queen ka talaga kahit kailan!

Humiga muli ako nang hindi na nagvibrate ang phone sa text messages ni Karl. Mabuti naman tumigil na 'yong isang 'yon. Ang kulit-kulit naman kasi! Gusto pa niyang pumunta rito sa amin. E ayoko nga! Ano na lang sasabihin nun sa pamilya ko? E di kantyaw na lang ang matatanggap ko! Lalo na kay Penpen! Bully pa naman 'yong negro kong kapatid!

"Ate tawag ka ng boyfriend mo!"

Dali-dali akong napatayo at hindi na nakuhang magtsinelas sa sigaw ng kapatid ko. Nanlalaki ang mata kong pinagmamasdan si Karl na preskong nakaupo sa kahoy naming upuan katabi ang kapatid ko na may hawak ng kung ano na maaring binigay ni Karl.

"'Di ba sabi ko h'wag kang pumunta?" Mataas ang aking boses at sobrang kunot ang aking kilay. Mahigpit ang hawak ko sa gilid ng pinto ng aking kwarto. Tumitig naman si Karl sa akin at unti-unting sumilip ang ngiti sa kanyang labi.

"Ang arte mo naman ate! H'wag ka ng mahiya! Sinabi na ni kuya Karl kay nanay at tatay. Nagmamaganda ka pa kasi!" ani Penpen nang hindi tumitingin sa akin at abala sa pagbubukas ng binigay ni Karl.

"Ano? Putek, ano?" gulat ko.

"Oo nga! Umalis nga si nanay kasama si tatay kasi bibili ng pangtanghalian natin kasama si kuya Karl," walang kalatoy latoy na sabi ni Penpen.

Tinignan ko naman si Karl na hindi mawala ang ngiti. Gusto ko tuloy siyang sapakin sa inaasta niya. My hands ball into fist. At sabik na sabik na ang aking kamay na dumapo sa pagmumukha ni Karl. Bakit niya sinabi? At talagang siya pa ha! Talaga lang Karl!

Papunta na sana ako sa pwesto nilang dalawa nang biglang bumulong si Karl kay Penpen. Tumango naman ang kapatid ko at ngiting ngiti na humarap sa akin na para mong may sinabing nakakatuwa o nakakaasar tungkol sa akin si Karl sa kanya. Nagmamadaling tumayo ang aking kapatid at binunggo pa ako. Pumasok siya sa kwarto nila nina nanay at tatay. Bumaling naman ang tingin ko kay Karl na naka-spread pa ang braso sa upuan namin at preskong nakasandal ang likod. He wiggles his brows.

"Wala ng space 'yong girlfriend. Hindi lang friend 'to," aniya.

"So?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. I crossed my arms above my chest. Humakbang ako ng mga tatlo papunta sa pwesto niya ngunit malayo pa rin. Taray na taray ang aking postura na tinititigan siya.

A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon