Chapter 20

12.1K 252 8
                                    

Chapter 20

Kailan

Ang lakas-lakas magpatutog ng radyo ni Karl dito sa loob ng Ranger. Minsan kinakanta pa niya at sobrang nakakairita dahil para wala siyang pakelam sa sinasabi kong pakihinaan ng kaunti. Mas gusto kong matulog na lang sa byahe pero 'wapake' naman 'yong unggoy.

Kainis!

Malayo-layo na rin naman ang binabyahe namin. Pero kahit ano atang pakiusap ang gawin ko, wala lang sa kanya.

"Karl naman pakihinaan naman o." I stare at him, furiously.

Makuha ka sa tingin!

"Mahina naman," aniya ngunit hindi tumingin sa akin at nililipat ang channel ng radyo. Diretso ang tingin niya sa daan ngunit sumisilip ang ngiti sa kanyang labi. Peste!

"Wow, ganyan pala definition mo ng mahina—"

"Shsh." Bigla akong napatigil sa pagsasalita nang umeksena si Karl. "Quiet, babe." Nilagay niya pa ang isang daliri sa labi at biglang napapikit nang marinig niya iyong tugtog. And he sings.

Bawat araw sinusundan

'Di ka naman tumitingin

Ano'ng aking dapat gawin

Napaawang ang bibig ko nang damhin niya talaga ang kanta. Napabukas siya ng mata at diretsong tumingin sa akin. Aba! Nagmamaneho siya! Hindi pa ako ready mamatay!

Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin

Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

Ngumuso pa ito at napatawa. "Uy! Nagda-drive!" sigaw ko ngunit hindi niya pansin at patuloy na kumanta.

Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin

Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

Ngumisi siya pagkatapos ng kanta. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin na para mong may hinahanap na sagot. Tinaasan ko siya ng kilay at napangiwi ako nang walang makuhang tugon sa kanya.

"Ano?" pagtataray ko.

"Wala," umiiling niyang sagot at hindi mawala ang ngiti sa labi. Nakakairita pa 'yong dimples niya. And he is humming the 'Kailan' song. Napa-HA ako sa loob ko na parang may pinaparating talaga siya. Nakakainis pa dahil ngiting-ngiti siya habang nagha-hum. Wala na 'yong kanta pero patuloy pa.

"Uy! Tigil-tigilan mo 'yan!" Kunot noo kong sabi.

"Hindi ako titigil hanggang hindi ako napapansin." Patuloy pa rin siya sa pagha-hum.

Argh! Napapayukom na ako ng aking kamay sa inis. Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa bintana at tignan ang view ng dinadaanan namin ngunit sobra akong nadi-distract sa tunog na ginagawa niya. Paulit-ulit na 'Kailan' kainis! Nakakairita na!

"Karl, isa! Utang na loob, ano bang gusto mo para tumigil ka? Nakakairita na kasi. Gusto kong matulog pero hindi ko magawa. Ang ingay mo!"

"Pansinin mo 'ko," malambing niyang sabi.

Nanlaki ang aking mata. I scoffed. "Pansin na pansin na kita kaya tumigil ka na! Utang na loob!" Napailing ako sa inis. Iyon lang ba ang gusto niya kaya ganito siya kakulit at para mong may pinagdadaanan sa buhay na gusto laging mapansin.

"Hindi naman e." Karl looks away. Tumingin siya diretso sa daan. Napairap ako sa arte ng lalaking ito. At dinaig pa ang mga bata sa sobrang kulit. Kaya ba 'to parang hindi tumatanda at hindi halatang 26 dahil ganito siya umasta? Kairita. "Kung napapansin mo 'ko hindi ka dapat ganito sa akin. You'll feel the same. Pero hindi e. You're so unfair, babe...so unfair." Napailing muli siya at napaawang ako ng bibig. Kumabog ang aking dibdib. At natatakot ako sa naiisip ko na maaaring iniisip niya. Seryoso ang kanyang pagkakasabi at ni biro wala akong naramdaman.

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now