Chapter 17

11.1K 260 23
                                    

Chapter 17

Hindi mapansin

“Keziah!”

Mabilis  na bumaba ang tingin ko kay Kez nang may tumawag sa kanya. Napaatras pa ata ako dahil narinig ko ‘yung yabag na nung tumawag sa kanya.

“Tinaasan mo na ‘ko!” ani ng isang babae pagkatapos niyang makarating sa pwesto namin.

“Ate Mira!” masiglang bati ni Kez.

Agad akong napatingin sa tinawag ni Kez. Ito ba ‘yung Mira na kikitain ni Karl? Iyong likod lang nung babae ang nakikita ko. Balingkinitan siya at maikling lamang ang buhok na above her shoulders. Nakasimpleng dress lang siya na asul at heels. Mukhang may pinuntahan.

“Congrats pala! Graduate ka na with honor pa!” natatawang sabi nung Mira at hinagkan si Kez. Hindi naman nakayakap pabalik si Kez dahil biglang tumuon ang atensyon niya sa akin. Pero umiwas lang ako at hindi ko inaasahan iyong nakita kong unggoy.

Well, oo nga pala, kasama niya pala ‘tong Mira na ‘to.

“Salamat ate.” Kumalas ng yakap si Mira kay Kez.

“Balita ko ipapasok ka ng kuya mo sa Autohub abroad?”

Napakamot ng ulo si Kez. “Oo ate. Pero may nag-offer din kasi sa akin na iba.”

“Yung Autohub na ‘yung tanggapin mo,” agad na sagot ni Mira.

“Gusto ni Kez ‘yung offer ng ibang company sa kanya.” Biglang sumingit si Karl sa usapan. Tumingin siya sa akin at tinaasan ko lang siya ng kilay.

Umalis naman si Mira sa harap ni Kez at agad niyang sinabit ang kamay niya sa braso ni Karl. O, that’s sweet. Gusto kong umirap pero hindi ko magawa dahil ayoko naman makisingit sa usapang ito.

“O, ganon,” pa-cute na sabi ni Mira habang tinitignan si Karl.

“Gusto ko sa maliit muna ako magsimula,” ani Kez. Ewan ko, mayroon sa akin na gusto siyang tignan. So I did look at him. There is a hint of smile in the corner of his mouth while looking at me. Pero hindi ako umiwas.

Wow, mas pipiliin kong sa malaking kompanya na akong magtrabaho dahil gusto kong matupad na ‘yong pangarap ko. Pero iba ‘tong si Kez. He wants start on small things until he gains something bigger.

“By the way, bakit ka pala nandito?” tanong ni Mira kay Kez.

Ewan, parang nakakairita, nakakainis kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya. Hindi ko alam bakit ganito kahit wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Nakakairita na agad ‘yong boses niya. Ewan ko ba!

“Sinamahan ko lang si Nica.” Ani Kez.

Agad akong napatingin kay Mira pagkasalita ni Kez. Napangiti agad ako ng peke sa kanya. Well, ako lang ba ang nakapansin na parang mas matanda ‘tong si Mira kaysa kay Karl? Mga dalawa o tatlong taon? I’m not sure. Nang dahil lang siguro sa koloreta niya sa mukha kaya siya nagmumukhang bata? Hindi ko alam kung bakit napansin ko ‘to. Itim ang kulay ng mata at buhok niya. At saka maputi siya.

“Girlfriend mo? Yiee!”  Halatang peke ‘yong pagtawa ni Mira. Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa. Napaayos ako ng tayo. Ewan ko lang kung bakit parang napaplastikan lang talaga ako sa kilos na ginagawa niya sa akin ngayon. Feeling ko minamaldita na niya ako sa isipan niya.

Nakakainis! Wala pang ginagawa ‘yong tao sa akin! Kung ano-ano na sinasabi ko!

“Hindi niya girlfriend ‘yan!” natatawang sabi ni Karl. Napatingin agad ako sa kanya ng masama. “Mukha bang magkakaboyfriend ‘yan?” Humalakhak pa ng malakas si Karl.

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now