Chapter 33

10.6K 293 32
                                    

Chapter 33

Kinagat

Bago pa ako makapagsalita ay umalis na si Karl sa harap ko. Hindi ko man lang nakita kung saan direksyon siya pumunta. Napatingin ako saglit kung nasaan si John pero abalang-abala siya sa mga kausap niya

Napailing na lang ako nang maisip muli kung ano ang sinabi ni Karl sa akin. Akala niya siguro gusto ko pa rin John. Akala niya siguro may pagtingin pa rin ako rito. Aba! Aba! At akala niya siguro susundan ko siya sa pag-walk-out niya. Hindi siya nagkakamali dahil susundan ko talaga siya. Napakapabebe! Kalalaking tao!

Nagmamadali akong umalis mula sa bilog na espasyo hanggang sa nadaanan ko na ang security. Ni hindi ko nilingon o nagpaalam kay John na aalis na ‘ko. Hindi ko lang alam kung anong sasabihin ko kapag nagkita kami ni Karl! Basta! Bahala na! Bakit nga ba sinusundan ko siya? Aba! Teka! Ano ba ‘tong ginagawa ko?

Patuloy pa rin akong naglakad hanggang ilang hotel na ang nadadaanan ko sa Grecia. Malapit na rin akong makapunta sa barangay namin pero hindi ko pa rin siya nakikita. Saan naman ba nag-emote ang unggoy na ‘yon?

Mabuti na lang maliwanag dito sa Grecia. Sa amin kasi, sa Luwasan may iilan lang poste ng ilaw at ilaw na nanggagaling sa ibang bahay ang source ng liwanag. Pero hindi ko pa rin nakikita si Karl. Kung ayaw naman niyang magpakita—“Nica!”

Napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko. Napakunot ako nang makita si John na tumatakbo papunta sa pwesto ko. Umihip ng malakas ang hangin at mabuti na lang naagapan ko ang sundress na hindi tumaas.

“Bakit?” tanong ko agad.

Hingal na hingal siyang humarap sa akin pero hindi pa rin nawawala ang ngiti. Gusto ko ng mapalupasay sa ngiting binibigay niya sa akin. Jusko naman, mga ganyanang ngiti e. Nakaka-anak ng pating na lang ako!

“Ba’t ka umalis?” saad niya.

“Ano…kasi…” Napahinto ako at napakagat ng labi. Hindi ko rin alam kung bakit umalis ako. Napangiwi na lang ako sa kanya at bigla siyang napangisi ng nang-aasar.

“So, dumating siya?”

Napabukas ako ng bibig. Pagkatapos ay napalunok. How did he know? Pero napatango na lang ako sa kanya.

“Look!” Bigla siyang napaturo kung saan. Sinundan ko ang direksyon ng kanyang kamay at may nakita akong kotse na open ang likuran nito. “Nandoon lang ‘yon.” Iginalaw pa ni John ang kanyang kilay. Tumingin muli ako sa kanya at hindi ko alam kung anong reaksyon ang gagawin ko.

“Go,” aniya. He looks at me. Ngumiti siya at tumalikod na sa akin. Tinaas pa niya ang kanang kamay at winagayway ito. Pinagmasdan ko na lang si John na maglakad hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Napapikit ako nang umihip na naman ang hangin. Nakakarinig na ako ng tunog galing sa insekto kasabay pa nito ang alon na nagmumula sa dagat. Napatingin ako sa paa ko kung kusa pa ba ‘tong maglalakad sa sasakyang tinuro ni John. Kainis! Pati paa ko dinadamay ko sa kaartehan ko!

Nang yumuko ako ay may nakita akong gomang kulay pula. Napapulot ako at agad ‘kong pinusod ang aking buhok. Bahala na kung paanong pusod ang ginawa ko. Bahala na! Pupuntahan ko na lang siya! Ang arte-arte naman kasi ng lalaking ‘to!

Wow, Nica. Nagsalita ang hindi maarte?

Nag-umpisa na akong maglakad sa pwesto ng sasakyan niya na malapit sa tabing dagat. Nakikita ko na rin ‘yong karatula ng barangay namin malapit doon sa sasakyan. Nakailang buntong hininga ako bago huminto. Nakailang hinto rin ako at talikod pero tinutuloy pa rin. Baka naman kasi wala naman dyan si Karl? Baka nagsasayang lang ako ng oras? Gabi na kaya! Baka mapagalitan ako ng tatay ko?

A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon