Chapter 2

18.8K 359 4
                                    

Chapter 2

Sorry

"In one condition," Karl repeated. Napalunok ako. Tumingin ako sa kanya. Sobra akong nadi-distract kung saan. Napanganga ako nang dumestino na naman ang tingin ko sa hubad niyang upper body...sa malapad niyang balikat.

"Magdamit ka nga. Uso kayang magdamit!" Umiwas ako at tumingin sa may bintana niya. "Kung ibalandra mo naman 'yang katawan mo, para namang may ibubuga 'yang fats mo. Tse!" Umirap ako. Kung sana bibigay ako, e hindi, walang-wala naman 'yan.

"What?" natatawa niyang sabi.

"What?" inulit ko at pinares ko ang boses ko sa kanya. "What-what ka pa dyan?!" Tumingin ako sa kanya. I crossed my arms above my chest. Masama ang tingin ko at para masasapak ko siya sa mukhang binibigay niya sa akin.

Hindi na napigilan ni Karl na humalakhak ng malakas. Lalong nag-iigting ang inis ko sa kanya. At hindi pa siya nakuntento, naglakad pa siya papalapit sa akin. Kinuha niya ng mabilis ang kamay ko at nilagay sa stomach niya. "Fats? I don't have fats. I have abs. See and feel it, babe." Napalaki ako ng mata ng igalaw pa ni Karl ang kamay kong nasa tyan niya. Tumaas ng buhok ko sa batok ng maramdaman ko ang tyan niya na...na matigas. Putek!

Mabilis pa sa alas kwatro ko inalis ang kamay ko sa tyan niyang panget! "Baliw ka na ba talaga?!" Umiwas ako ng tingin. I go pink. Putek! Nakakainis ang unggoy na 'to at talagang nilagay pa niya ang kamay ko sa tyan niya!

Napapikit na lamang ako nang humalakhak si Karl ng malakas. Ge.

"Okay lang naman kung ayaw mo aminin na maganda talaga ang katawan ko. Drool, babe." Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay niya. Teka, humahangin na ata at kailangan magising na siya sa katotohanan ng mundo.

"Uy, Karl! Tumigil ka na!" Dinuro ko siya at umatras pa ako sa kanya. "Hindi ako nandito para pagpantasyahan ka! Nandito ako—"

"Sino ba nag-umpisa? Sino ba unang nakapansin sa akin?" Ngumisi siya.  Sinuklay niya muli ang buhok niya. Umiwas siya at saka tumingin. "Di ba ikaw?" Argh! Napatingin agad ako sa pwesto ko kung may maihahagis ako sa kanya. Pero wala! Wala akong maihahagis!

"Putek! Tumigil ka na nga!" Kung wala akong mahanap na pangbabato sa kanya. Sasapakin ko na lang siya. Humakbang ako at iniamba ko ang kamao ko ngunit nakuha ni Karl. Iyong isa naman ang ginamit ko pero nakuha naman niya. Hawak niya ang dalawang kamay ko at bigla siyang tumawa.

"You missed, babe. You missed." Ngumuso pa siya. Lalo akong nainis at hindi ko na alam ang ginawa ko. Iyong ulo ko ang ginamit ko at tumama sa baba ni Karl. Karl swears. My eyes go wide. I gulp.

What did I do?

"Sorry. Hindi ko—"

"GO!" Karl glared at me. Napalunok ako ulit. Tumitig ako sa kanya. Magsasalita na sana pero sumigaw siya sa akin. "OUT!" Hinihimas ni Karl ang baba niya. Tinignan niya ako at umiwas din. Kusa namang naglakad ang paa ko palabas ng kwarto.

Hindi ko naman sinasadya! Naiinis lang ako! At hindi naman ako magiging brutal na ganon kung hindi lang siya nang-aasar! Hindi naman ako nag-umpisa—Argh! Napasabunot tuloy ako. Siya naman kasi!

Binagsak ko ang sarili ko sa couch. Dapat maging mabait ako sa kanya kasi siya lang ang makakatulong sa akin! Pero anong ginawa ko?! Ininis ko pa siya at worse, nasaktan pa siya sa pagiging violent ko!

Ano ng gagawin ko nito!

Kailangan kong humingin ng sorry kay Karl. Kailangan kong sabihin na hindi ko naman sinasadya iyon! Wala akong makakatulong kapag ganito!

Tumayo ko at inayos ko ang aking sarili. Hinawi ko pa ang aking buhok. At bumuntong hininga. Go, Nica. Kumatok na ako sa pinto niya. "Sorry na Karl." I whispered. "Madaming sorry, Karl. Hindi ko naman sinasadya." Kumatok ako. Tinapat ko pa ang aking tenga sa pinto pero wala akong yabag na naririnig. Nagsalita ulit ako. "Ito na nga humihingi na ng pasensya. Kung may damage man 'yang baba mo! Papagamot ko na lang 'yan!" Napalunok ako. Nagiging desperada na ako at hindi ko matanggap na kay Karl ko pa talaga 'to ginagawa. Heck. Baliw na siguro ako. "Sorry na talaga." Sinandal ko ang ulo ko sa pinto. "Sige na magalit ka na sa akin! Okay lang! Pero sana 'wag mong kakalimutan na tutulungan mo ako hanapin si bes. Sorry na kasi..." Wala na sigurong pag-asa. Hindi na siguro niya ako tutulungan—"Ay putek naman 'ya—Jokeeeee!" Muntik na akong matumba nang biglang bumukas ang pinto. Mabuti na lang nai-balance ko ang sarili ko at nakatayo pa rin. Muntik na rin na may masabi ako na hindi kanais-nais mabuti na lang nakapagpigil ako. "Joke lang!" Tumawa pa ako at napakamot ng ulo.

Nakatingin naman si Karl sa akin ng seryoso. Tinaasan pa niya ako ng kilay. Pero hinihimas niya ang baba niya.

"Sorry na!" Umiwas ako ng tingin. Bakit ngayon nasa harap ko siya ang hirap ng humingi ng tawad? Well, pride. Ang pride kasi nilulunok ng mga close-minded na tao. At isa siguro ako doon kapag si Karl ang kaharap ko. Nakakainis siya. Nakakainis siya to the point hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa kanya...dahil baka ang hangin-hangin ng tingin niya sa sarili! Hindi ko alam kung ano pa!

Pero hindi nagsasalita si Karl. Kaya tumingin na ako sa kanya at napa-awkward na ngiti. Yumuko ako. "Sorry na Karl." Pero wala akong naririnig sa kanya. Sumilip ako sa kanya at ngumiti ulit. "Sorry..." At umiwas.

"Well, you're not really sorry," aniya.

Umangat ang tingin. Aba! Pinagdududahan mo pa ako a! "Anong—" Patience, Nica. Patience. "Sorry na kasi. Hindi ko naman sinasadya talaga." Napakagat ako ng labi at pilit na ngumiti. Ang arte ng unggoy na 'to. Isa pa! Baka dugo na talaga!

Tinaasan niya ako ng isang kilay. Pasensya Nica. Pasenya lang ang kailangan mo para naman sa bestfriend mo 'to.  "Oo tinatanggap ko na 'yong kondisyon na sinasabi mo na hindi ko naman alam kung ano." Sumimangot ako sa kanya. "Ano ba 'yon para mapaghandaan ko na?" tanong ko.

Inalis naman ni Karl ang hawak niya sa baba at napalunok ako nang tumingin siya diretso sa aking mata. "Hindi ko pa tinatanggap ang sorry mo."

"Ang art—" Napayukom ako ng kamay. Kalma, Nica. Kalma. I breathe. And breathe hanggang sa mawala kahit kaunti ang inis ko.

Karl looked away. At nakita ko ang pagngiti niya. Nang-aasar na lang 'tong bwisit na 'to!

"Pasensya na. Hindi ko talaga sinasadya." I pressed my lips. Isang minuto siguro ang lumipas nang wala pa ring nagsasalita. Tinignan ko si Karl at saktong tumingin siya sa akin.

Karl gave me a goofy smile. And I want to punch him, so, so bad. "Sige na nga pinapatawad na kita." My lips parted. "Pero gusto ko, ayusin mo muna ang mga kailangan mong tapusin sa university. You're graduating Veronica. Hindi pwedeng aalis ka na lang." Karl shakes his head. Wow, hindi ko 'to naisip. "Pero kung gusto mo namang hindi matanggap ang diploma mo okay—"

"Oo! Aayusin ko!" Bigla akong sumigla sa narinig ko sa kanya. "Oo!" Ngumiti ako at hindi na ata mawawala ang ngiti ko sa labi. Pero hindi ko pa rin kung ano ang kondisyong gusto niya! Pero bahala na basta tutulungan na niya ko!

"So it is going to be one hell fucking trip to find Aly."

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now