Chapter 41

13K 302 67
                                    


Chapter 41

Nagsisi


"Kumpleto na ba lahat ng bagahe mo, anak?" ani Tatay nang usisain ang tatlong bag na nakalapag.

May taxi na naparating sa aming pwesto.

"Opo," ani ko, sabay iwas ng tingin sa kanila.

Pinunasan ko ang kanang mata ko. Putek, muntik na naman akong maiyak. Noong ngang kumakaway sila sa akin, kinagat ko na nga lang ang labi ko para lang 'di tuluyang maging emosyonal. Pero noong, umiyak na si Nanay, hindi ko na napigilan. Nagmadali na akong makapunta sa pwesto nila para mayakap sila.

I missed them.

When I composed myself, I looked at them again. Sakto namang huminto ang taxi sa aming pwesto. Bumaba ang driver upang kunin ang aking mga bag at ilagay sa compartment. Binuksan ko naman ang pinto sa back seat upang makapasok na ang mga magulang ko, at ang magaling kong kapatid na kanina pa tinatanong ang sapatos na pinabili. Biglang laki nga 'tong panget na 'to.

"Saang hotel ba 'yon, Nica? Malapit lang ba dito 'yon?" ani Nanay nang dahan-dahang pumapasok sa taxi, habang inaalalayan ni Pen-pen.

Yumuko ako upang sagutin si Nanay dahil nasa loob na siya ng sasakyan.

"Opo, malapit lang, Nay."

Tumango si Nanay sa sagot ko.

"Papasukin mo na nga, Tatay mo rito sa tabi ko," patuloy ni Nanay.

Hinarap ko si Tatay, ngunit may tinitignan siya kung saan. Tinignan ko si Pen-pen na ngising-ngisi na tumingin sa akin. Umiling ito at nagsalita, "Tsk. Tsk. Sama talaga minsan ng tadhana, pinapakita ang dapat hindi na binabalik. Ang masama pa, may kasama ng iba." Pen shook his head again. Binaling niya ang atensyon kung saan.

"Baliw ka na ba? Kailangan na ba kitang dalhin sa mental?" ani ko habang nakakunot ang noo.

Humarap naman si Tatay sa akin. Ngumiti ito.

"Tay, pasok na kayo sa sasakyan," aya ko. "Para makapasok na 'yong baliw sa loob, at makapagpahinga na tayo..." Ngumiti ako

Ngunit iba naman ang sagot ni Tatay sa akin. "Si Karl nandito..."

Halos mapatuwid ako ng tayo. Iyong pakiramdam na gusto kong tignan ang aking sarili sa salamin, ngunit ayaw ko rin dahil wala namang pakelam. Iyong pakiramdam na kinakalibutan ako ngunit pinigilan ko dahil wala naman ito. It is like you stuck in between. Na hindi mo malaman kung anong ikikilos mo. I am stuck on running away or looking him if he's all right. That I am afraid to look at him, because I will be wounded if he's doing better. Ito 'yong pakiramdam na ayokong maramdaman ng aking sistema.

But the awful truth will hit you hard.

I breathe a sigh. Tinignan ko si Tatay, at ngumiti. "Saan po?" I asked.

Mabilis na tinuro ni Tatay ang pwesto ni Karl kasama ang isang babae. Halos marinig ko ang animal kong kapatid sa pagpigil ng kanyang tawa. May pahagod-hagod pa nga 'tong sa likod. Konti na lang mabubulagta na talaga 'to sa sahig. Sobrang mapang-asar.

"Ayon oh. Mukhang sa ibang lahi ang bagsak niya ngayon..." ani Tatay.

Tinignan ko sina Karl at iyong babaeng maamo ang mukha sa sobrang ganda. Palabas na sila, at mukhang may pinag-uusapan na seryoso. Ngunit biglang nabago dahil napatawa na lamang si Karl dahilan upang lumabas ang dimples niya. Oo, kitang-kita iyong mula rito sa pwesto namin. He looks pretty amazing, wearing the black suit. He always does.

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now