Chapter 30

11.7K 267 17
                                    

Chapter 30

Akit na akit

Mga 7:00 na ng gabi nang makarating kaming Grecia. Malaki ang distansya namin ni Karl habang naglalakad dahil inutos ko. Ayoko siyang makatabi habang naglalakad kami. Nakakaasiwa at baka pagkamalan pa ako—basta! Ang awkward kung ganon—na may kasama kang lalaki. Iba pa naman ang pananaw ng tao ngayon kapag nakakakita ng isang babae at isang lalaking magkasama.

"Nica naman..." tawag niya ngunit hindi ko pinansin.

Kapag lumalakas ang ihip ng hangin napapayakap na lang ako sa sarili ko.

"Tatabi na kasi ako sa'yo..." tawag niya muli.

Diretso akong tumingin sa daan. Naririnig ko na ang hiyawan ng tao sa malaking espasyo na nilaan ng isang hotel. Ngayon ko lang nalaman na may nightlife na rito sa Grecia, noong dati Grecia Tribe lang ang may pakulo. Pero dumami-rami na rin ngayon. In fairness, ang aga ng nightlife na 'to.

Naningkit ang aking mata sa karatula na nakatayo sa harap bago makapasok sa malaking espasyo.

 Grecia Nightlife 7:00 p.m. to 3:00 a.m.

Ang aga at ang tagal nito. Ilang oras din. Mabuti na lang hindi kami rito sa Grecia nakatira kung hindi wala ng tulog ang mangyayari sa amin sa ingay. Mula rito sa pwesto ko, rinig na rinig ko na 'yong tugtog ng banda, 'yong amoy ng mga inihihaw na pagkain, 'yong kwentuhan ng tao kasabay sa musika. Ilang stall din ang nakatayo sa paligid. Sa gitna nito ay isang banda na tumutugtog at may DJ din sa tabi nito. May lumilibot din na waiter for drinks lik cocktail. Marami-rami ring tao sa gitna na nagsasayawan. Pumapalibot ang kulay asul, pula, at berde na ilaw sa paligid.

"Nica?"

Napatingin ako sa tumawag muli sa akin. "O?" irita ko. Pinasadahan ko siya ng isang tingin. At naka-ripped jeans at naka-statement shirt si Karl. May sombrero pa ito sa kanyang ulo.

"Alam ko na, mabuti na lang hindi mo ako pinapatabi sa'yo." Ngiting-ngiti niyang sabi. Inalis niya ang sombrero sa kanyang ulo at sinuklay ang kanyang buhok. Narinig ko ang alon ng dagat at umihip ng malakas ang hangin na muntik na magpataas ng aking t-shirt. Anak ng pating!

Kumunot ang aking noo. Humarap ako sa kanya. At 1 metro ang layo namin sa isa't isa.

"Mabuti na lang," aniya.

"HA! Mabuti tala—"

"Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. I just don't like your hair right now..." Napailing siyang at hindi na ako tinignan. "Nakapusod ka. Hindi ko maiwasang tignan ka. Sobrang...nakakaakit."

Napalunok ako nang ilagay niya ang kanyang atensyon sa akin.

"Huwag mo 'kong titigan ng ganyan. Baka hindi mo na alam kung ano ang kahahantungan niyan," dagdag pa niya.

I gulp, again.

Ni hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ni hindi ko napansin na malapit na pala si Karl sa akin. Napatulala na lang ako. Nag-igting ang aking inis ng hindi ko alam ang dahilan. Well, dahil naman kay Karl.

"Kita mo 'yong kubong 'yon. Baka gusto mon—" Sinapak ko na.

"Manyak!"

Biglang namula ang aking pisngi sa sinabi niya. Sinapak ko muli at tumakbo na papasok sa malaking espasyo. Pero bago pa akong tuluyang makapasok ay may narinig ako kay Karl.

"Huwag ka ng tititig ng ganon. Hindi ko na pipigilan!" Halakhak niya.

**

Letse 'yon a. Napakamanyak talaga. Bwisit!

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now