Chapter 45

10.1K 211 16
                                    

Chapter 45

Bumalik


Maaga akong nagising. Wala pa sigurong ala sais ng umaga'y bumangon na 'ko sa aking kama. Napagpasyahan kong maglakad-lakad muna kasabay ng kapayapaang binibigay ng alon sa Luwasan, San Mateo.

Mga hapon kahapon nang umuwi ako sa probinsya namin.

Iyong nangyari noong isang gabi'y, sa aking pag-amin, 'di ko pa rin mapagtanto sa aking sarili kung bakit ganoon na lamang ang nangyari. I confessed to him. I confessed to Karl that I was jealous. But I don't have the rights to...and it sucks.

Tumigil ako sa paglalakad upang pagmasdan ang pagsikat ng araw. Sumabay pa ang kalmang alon ng dagat dahilan upang ako'y mapaupo at pagmasdan na lamang ito. I like the sun rise here in Luwasan, San Mateo. Kitang-kita mo na parang unting-unting binibigay ng dagat ang araw. Parang malaya ang araw na humiwalay, ngunit malaya rin itong nakakabalik. Katulad sa pag-ibig, katulad sa pag-ibig mo sa isang tao. Sana kung napagpasiyahan ng isa na umalis, may babalikan pa rin siya dahil sa tiwalang binigay niya sa kanya.

"ATE!"

Nawala ako sa pagmumuni nang may mapansing bangkang papalapit. Nakita ko si Pen at si tatay doon. Winagawayway pa ng kapatid ko ang kanyang kamay. Tumalikod pa siya at kinembot ang pwet sa pang-aasar.

"PANGET MO!" sigaw ko.

Tumayo ako, at lumapit sa dagat upang tulungan sina tatay at Penpen sa Bangka. Napatalon ako sa lamig ng tubig. Nakita ni Pen iyon at tawang-tawa sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit kinuha ko na ang timbang naglalaman ng mga isda. Hindi ko na pinatulan ang magaling kong kapatid, diniretso ko na sa amin itong timba. Sumunod na lang si Pen at tatay sa akin.

Binaba ko ang timba sa tapat ng bahay. Nag-uunat ako nang lumabas si nanay na hawak ang bilao sa kanyang mga kamay. Dumiretso siya sa aking pwesto. Tinignan ko mula sa likod sina Pen at tatay na papunta na sa likod bahay upang itago ang gamit sa pangingisda. Naiwan iyong ibang mga timba kung saan.

"Nica, dadaan ka ba sa Grecia mamaya?" tanong ni nanay.

Tinapos ko ang aking pag-uunat.

"Opo, may papabili po kayo?" tanong ko.

Nakarinig ako ng sasakyan na paparating. May dumating na jeep upang kuhanin ang mga isdang nabingwit nina tatay at Pen. Sakto namang naayos na nila iyong mga gamit sa pangingisda. Agad na nilapitan ni tatay iyong nagmamaneho ng jeep. Sumunod si Pen na bitbit ang timba.

"Oo kung makakadaan ka sana sa bilihan ng mga kaldero. Dumaan ako dito sa palengke natin, pero wala sila," aniya nang hindi nakatingin sa akin, bagkus nakatingin kina tatay at Pen.

Papadukot na sina sa kanyang bulsa ng kanyang duster, ngunit naagapan ko ang kamay niya.

"Ako na, nay! Alis na po 'ko!"

Mabilis ang aking kilos upang makapunta kaagad sa mga nakaparadang tricycle. Kumaway ako kay nanay na makarating sa paradahan. Sumakay ako kahit ang babayaran ko'y pang-tatlong tao dahil baka magbigay pa si nanay sa akin ng pera.

"Grecia, manong!" ani ko sa tricycle driver.

Umandar ang tricycle. Nakita ko ang pagsilip ni kuya sa akin noong kinakapa ko ang bulsa ng shorts ko kung dala ko ang pera ko na inipit ko lang kanina.

"Nica, nakabalik ka na pala," ani manong.

Kumunot ang aking noo upang alalahanin kung may nakalimutan ba ako. Nanlaki ang aking mata kasabay ng paglaki ng ngiti ni manong.

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now