Chapter 21

11.2K 241 14
                                    

Chapter 21

Liligawan

Nakasandal lamang ako sa kotse habang hinihintay si Karl. Hinatid niya kasi si Mira sa bahay ng lola nito. Tatlong pong minuto na ata ang nakakalipas simula nang umalis sila. Malapit lang kasi ang bahay ng lola ni Mira rito kaya nagpresenta na itong si Karl. Well, hindi ko rin naman sure kung totoo 'yong sakit o talagang natapilok si Mira. Siguro nga totoo iyon.

Napakagat ako ng labi nang maisip lahat ng pinagsasabi ko sa kanya. Naging harsh siguro ako masyado. Ayoko lang kasing may nagsasalita sa likod ko ng masama na hindi ko alam. Hindi ko rin naman alam dito kay Mira kung bakit ganon na lamang ang asta niya sa akin.

"Tara na."

Napatalon ako sa pamilyar na boses na iyon.

"Karl." Naalis sa pagkakagat ang aking labi at napabuntong hininga. "Okay lang ba siya?"

Napasuklay naman si Karl ng buhok gamit ang kamay niya. Sumandal din siya katulad ko sa kotse at ni hindi ako nilingon. "Hindi naman grabe 'yon. Akala ko kasi sa gagawin ko may magre-react. Wala pala," aniya.

Kumabog ang aking dibdib.

Magpigil ka. Magpigil ka, Veronica Desirel! This is useless. Useless.

"Alam mo naman pala," ani ko. Umiwas agad ako nang aakma siyang titingin sa akin.

"Mira admitted she wants us back." Tuluyang napako ang aking titig sa kanya. Napapikit si Karl sa sinabi niya at nakita ko pilikmata niya na hinipo ang mataas niyang cheekbone. I gulp. Sumilip ang kanyang dimples nang lumingon siya sa 'kin at bumukas ang mata niya. I saw his Adam's bobbing up and down. "After all these years, ngayon nagsabi siya? Hell, is it?" I don't know if he's talking to me anymore or to himself. "Thanks to her, I lived on my dreams." He chuckled and looked away. "Sometimes, we're too blind in love. We forget that there's more life than love. "

Ngayon, walang birong halo sa lahat ng pinagsasabi niya. Seryoso siya at hindi man lang ako makabanat ng kahit anong salita. Well, it is better to keep my mouth shut than throwing nonsense words to him.

Nagpatuloy si Karl sa pagsasalita hanggang sa malaman ko ang kwento ng buhay nila ni Mira na dapat naman wala akong pakelam. First year highschool si Karl nang makilala niya si Mira na 3rd year highschool at anak ng teacher niya sa isa sa mga subject na mayroon siya. Uso naman noong highschool 'yong mga biruan at ang tuksuhan. Napagbiruan nila si Mira na ligawan ito ni Karl.

Dahilan: Trip-trip lang din nilang magkakaibigan hanggang sa nagseryosohan sila? Gusto kong tumawa habang nagkekwento si Karl.

Gusto ko na talagang humagalpak sa tawa!

"Why? Anong meron sa kanya?" Natatawa kong sabi habang nakatakip ang bibig ko ng aking kamay. Laughtrip! Bwisit!

"I didn't know!" sagot niya agad. "Because she's older than me and I liked it?" He questioned himself. Ilang beses din napailing si Karl. "Niligawan ko siya at ang gago ko rin dahil ang seryoso ko noong panahong iyon. Natulak na rin ako ng tukso ng mga kaklase ko at tinuloy ko hanggang sa sinagot ako ni Mira. Well, I'm good looking. Who will ever refuse a yes to a good-looking guy like me?"

Napairap ako sa kalakihan at kahanginan ng lalaking ito.

"Pwe!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magreact ng masama.

"Ganon talaga," he chuckles and speaks, "Dahil isip bata pa 'ko non, kung ano-ano ang ginagawa ko para kay Mira. Nakakagago nang marealize ko 'yong kahihiyang ginawa ko noong highschool." Nawala na sa mukha ni Karl ang bakas ng biro at sumeryoso ang kanyang mukha, "Hanggang noong 4th year na ako samantalang 2nd year college siya, nakipag-break siya sa akin dahil unang rason niya ay wala naman siyang mapapala sa akin. At ang pangalawa, sabi niya, ayaw ng mama niya sa akin dahil wala akong pangarap at wala raw akong balak na magkolehiyo." Karl sighs and I stare at him. "Thanks to them, I realized the dreams I need to live on." Napasuklay siya ng buhok at muling binaling ang tingin sa 'kin.

There are words want to slip from my mouth. Sinubukan kong itikom ang aking bibig ngunit namayani pa rin kung anong gusto nito. "So you never fell in love with her?" Napalunok ako. "Kasi kung nahulog, hahabulin mo siya. Hindi mo siya papakawalan."

"I asked myself about it, Nica. And I didn't. I never fell in love with her. She just made me realize on the things I need to fulfill."

"So you never fell in love with anyone?" Putek, Nica! This is none of your freaking business!

"Hindi pa, simula noong hindi ko alam na may babae makakaapekto sa akin ngayon. Though I'd dated girls but never fell in love. And yes, right now, because I've fallen in love. This girl made me smitten." Unti-unting napaawang ang aking bibig. Alam ko iyong mga titig na ganyan.  Useless lang ito at kailangang iwasan.

Napaiwas ako at naramdaman ko na lang na may pumatong na kamay sa aking kamay. Hindi ko magawang alisin iyong dahil pakiramdam ko naistatwa na lang ako. Putek, pakiramdam ko bumagal ang aking paghinga.

Oh my gosh, somebody save me from this!

"Nica—" Bingo!

Karl's phone rings. Agad-agad kong kinilos ang aking kamay. I heard Karl curse under his breath. Hindi ko na siya nilingon pa at pumasok na lang sa loob ng kotse.

**

"Opo, nay. Malapit na rin po akong umuwi sa 'tin." Napasandal ako sa malamig na pader dito sa likod bahay nila Karl. "Opo, opo. Mag-iingat po 'ko," ani ko habang sinasagot ang paalala ni nanay sa phone. "Sige po." Binaba ko na ang tawag at napatingin na lamang sa half-court dito. Napapikit ako dahil pakiramdam ko wala pa ring resulta itong byaheng ginagawa namin. Nagdududa na tuloy ako kung sa Bulacan ba talaga o hindi naman. Ilang bayan na rin naman ang napuntahan namin pero wala pa rin.

"Nica." I felt a hand on my shoulder. Bumukas ang aking mata at napasandal ng mabuti sa pader dahil sa kaharap ko ngayon. Hindi ko man lang narinig na may yabag na papunta rito sa pwesto ko.

"Kez!" Hindi ko magawang kumilos dahil sa pwesto namin. "Ha-ha. Bakit?"

"A-ano." Napakamot siya ng batok. Umatras naman siya.

Ito pa. Isa pa 'to sa problema ko.

I look at my shoulder. Inalis naman niya ang kamay niya roon at umatras muli.

"Kez, may sasabihin ka ba? Papasok na kasi ako sa lo—"

"I like you." Tumitig siya ng diretso sa akin na para mong kinukulong niya ako sa tinging iyon. Napalunok ako at nanuyot ang aking lalamunan. "Hindi ka naman nililigawan ni kuya 'di ba?"

"Kez, ano?" Napakunot ako ng noo. "Hindi! Syempre hindi!" Grabe 'to. Bakit naman niya 'to maitatanong? Hindi ko 'to inaasahan pagkatapos niyang sabihin 'yong 'I like you'.

"Liligawan sana kita," aniya.


A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now