Chapter 1

21.7K 343 10
                                    

Chapter 1

In one condition

"SHIT!" Biglang hinatak noong babaeng hubad na hipon ang kumot sa kama. I blinked many times at them. Sobrang sama ng tingin ni babaeng hubad sa akin. Napalunok ako at tumingin kay Karl. Naninigkit ang tingin niya sa akin. His jaw is clenched kaya lalo akong napalunok.

Umiwas ako at nagsalita, "Tinext kita! Huwag ka mag-inaso!"

"Bullshit, what are you doing here?!" Pinikit ko ang isa kong mata at tumingin kay babaeng hubad. "Can't you see may ginagawa kami? Bulag ka girl?!" I straighten. Aba, medyo sinusubukan ako.

I clear my throat. "Hoy!" Tinitigan ko ng masama si babaeng hubad. "Hindi naman kinauunlad ng Pilipinas 'yang ginagawa niyo! Kaya 'wag kang mag-inarte babaeng hu—ate!"

"ATE?" Babaeng hubad roared. "Ate talaga lang?! You bitch!" Woo, that was out of the limit Nica. Bigla akong nag-unat sa salitang narinig ko sa kanya. Teka lang talaga't sinusubukan ako ng babaeng ito.

Hindi ako nagpatalo sa sama ng tingin niya sa akin. Akala mo kagandahan e may kulay lang naman iyong buhok niya. Akala mo totoo iyong ilong pero hindi naman. At saka 'yung dibdib niya, totoo kaya 'yon? I bet pinagawa niya lang 'yun! Tama lang kaya na babaeng hubad na hipon ang ipangalan ko sa kanya? Medyo rude na kaya 'yon? Hays, well, wala na akong magagawa kung ganyan siya.

"Sama ng bibig natin a!" Dinuro ko siya.

"What the heck?! GET OUT!" aniya nung babaeng hubad.

"Hala?! Bahay mo?!"

"Just out!"

"Hindi—"

"SHUT UP!" Napatalon ako sa boses na nagpatigil sa akin. Napatingin ako kay Karl na napatayo na sa pagkakahiga. "Damn, Nica. Ano ba?" Kumunot ang noo ni Karl sa akin. Ay, teka galit na ba siya sa akin dahil naudlot?!

Ako pa ba? Sa akin pa ba siya magagalit? Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Napakagat ako ng labi nang low waist ang kanyang pantalon na nagpapakita ng 'V shape' na ano. Oh my God, Nica stop staring! Makasalanan 'to! Tumaas ang aking tingin sa kanyang tyan at hindi ko alam kung nakailang lunok ako nang makita iyong magandang—panget na katawan ni unggoy. Tumaas pa ang tingin ko hanggang sa nadestino sa malapad niyang balikat. Bakit ganon kumikinang ba talaga ang katawan niya at parang naniningkit ang tingin ko sa kanya? No, Nica. Siguro pagod ka na.

"What?!" Sigaw ni Karl noong hindi ako sumasagot sa kanya. Narinig ko ang malanding tawa ni babaeng hubad sa akin. Aba! Tumingin agad ako sandali doon sa babae at tinanguan siya ng pang-siga. She gasped. Kaya ako naman ang nagbunyi.

"Nica! Ano ba?! Kung hindi mo sasabihin kung ano pinunta mo rito! Umalis ka na lang!" Bumaba taas ang dibdib ni Karl na nagpaawang ng bibig ko. Iyong hubad na dibdib ni Karl na para mong mainit. Oh my God, Nica! Naririnig mo ba 'yang sarili mo?!

Ginulo pa ni Karl ang kanyang buhok kaya lalong nanuyot ang lalamunan ko. "Tinext kita!" ani ko at umiwas ng tingin.

"Can it wait?" ani Karl.

Tumingin ako ng masama sa kanya. "CAN IT WAIT?!" Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko sa kanya. Ano raw? Pwede raw ba 'yung hintayin? Anong ibig niyang sabihin hintayin ko na lang kung lalabas na si Aly? GANON? "Anong pwedeng maghintay?!"

Karl's forehead furrowed. I saw his Adam's apple bobbing up and down. "What are you talking about?!"

"Aba! Aba Karl!" Napapikit ako sa inis na nangingibabaw sa akin. Unggoy! Unggoy talaga 'to!

'Nica—" Karl interrupted.

"HEY! PWEDE—" Babaeng hubad cut off.

"HINDI!" Karl and I said in unison. Parehas kaming napatingin doon sa babae na ngayon ay nakasimangot sa amin. She scowled and surrendered her hands, defeated in our conversation.

"Pwede—" She cut off again.

"Shut up!" Parehas ulit kaming nagsalita ni Karl. Napatingin kami sa isa't isa. At tinaasan ko siya ng kilay ganun din siya sa akin. Sakit sa bangs nitong dalawang 'to!

"FINE! Ako ang aalis!" Pinulupot nung babae iyong kumot sa kanya. Tinignan niya si Karl na parang aso at binigyan ng nagmamakaawang-wag-siyang paalisin-look. Napairap ako at nagulat na lamang ako nang tignan naman niya ako ng masama. Naglakad na siya at dinunggo pa niya ako. Napalunok ako na parang mapapatay na niya ako sa tingin niya.

Nang mawala iyong babaeng hubad ay napatingin ako sa sapatos ko. Ano ng next step, Nica? Ano na? Dalawa na lang kayo ni Karl dito sa kwarto niya. Kusa ng tumingin ang mga mata ko sa kanya. Naabutan kong naniningkit niyang tinitignan iyong phone niya.

"Maghanda ka! Aalis tayo!" aniya.

Napalunok ako. Binasa niya iyong text ko sa kanya. My lips are partly open then shut it quickly.

"What is this?" Kunot noo niya akong tinignan. His jaw is clenched. Pinakita niya sa akin ang phone niya. Oh my God, anong ginawa ko?

"Phone?" Napakagat ako ng labi sa sagot ko. I heard him scowled. Woo.

"I know! Alam kong phone 'to! Anong 'tong tinext mo?! Bakit?" I gulped. Ano ba 'tong ginawa ko?! Lahat ng plinano ko parang ayoko ng ituloy dahil sa seryosong pagmumukha nitong si Karl sa akin. "Ano 'to, Veronica?!" Napatalon ako.

Sinisigawan ako ni Karl. At nagpantig ang aking tenga sa sinabi niyang pangalan ko.

"Aba! Galit ka na niyan?!" Chest in. Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Alam mo kung hindi dahil dyan sa best friend mo sana nakikita ko pa si Aly! Oo, hindi ako sigurado kung si Gideon talaga ang may kasalanan kung bakit umalis si Aly pero siya lang ang naiisip ko. Kung hindi dahil sa kanya sana—" Napatigil ako. I clear my throat. "Help me, Karl. Help me to find Aly." Napaawang ng bibig si Karl sa biglang pagkalma. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Hindi ko alam. Akala ko maayos lang." I looked at him. Nakatingin si Karl sa bintana. He didn't know, too. Wala rin siyang komunikasyon kay Gideon. Pinagmasdan ko siya hanggang sa napapikit. I bit my lower lip. Naramdaman ko ang butil ng pawis sa aking noo sa pagdestino ng tingin ko sa katawan niya.

Hindi ko alam kung paano dudugtungan iyon dahil seryoso na si Karl. "I'll help you in one condition." Kumalabog ang dibdib ko sa biglang pagtingin niya sa akin. Hindi ko alam kung sa tingin niya o sa kondisyon.

O, Karl.

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now