Chapter 39

10.7K 279 22
                                    


Chapter 39

Without her King


Umuwi ako sa apartment na tinutuluyan ko. Nakiusap ako kay ate Rose na kung pwede na upahin ko ulit 'to. Pumayag naman si ate pero may kasama na 'ko. Isang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari 'yong pakikipaghiwalay ko. Syempre, mayroon sa akin na iniisip na baka sundan niya 'ko pero wala. Wala naman siya. Ni anino niya hindi ko nakikita. Siguro nga narealize na ni Karl kaya hindi na niya ako sinundan. He has life to care of.

Sino ba naman ako?

Naiintindihan ko siya.

Okay na rin siguro 'yong nangyari. We all have life to live for. May kanya-kanya kaming gusto sa buhay namin. Hindi lang siguro nagtugma iyong sa amin sa ngayon. Lilipas din siguro 'to. Siguro...siguro.

But love doesn't disappear easily. Iba na 'yong naipundar ni Karl sa akin. Iba na 'yong binigay niyang pagmamahal na kahit ako 'di ko naisip na mawawala. Ngunit pinakawalan ko dahil sa pangarap ko. Kung siguro sa iba 'to, mas pipiliin nila si Karl dahil wala na silang aalalahanin. Nandyan na si Karl para sa kanila at hindi na nila kailangan mamoblema. But this is not about money or what, this is about my dreams. Na simula't simula pa lang nagpag-aaral ko mayroon na 'ko. At pinangako ko sa sarili ko na matutupad ito sa kahit anong paraan. Kahit anong mangyari, wala sanang makasagabal.

Sa July, mag-uumpisa na 'kong magreview at sobrang thankful ako kay John dahil pinasok niya 'ko sa isang review center na malapit lang sa akin na talagang recommended for civil engineer graduate. Noong una, umayaw ako dahil wala naman akong pambayad sa review center na 'to pero mapilit si John at sinabihan ko siya nababayaran ko 'to sa unang sweldo ko.

Kalahating buwan na lang mag-uumpisa na 'ko. At sa bawat araw na dumadaan, kumakabog ang aking dibdib sa sobrang kaba. Maraming posibilidad ang pumapasok sa akin ngayon. This is worth every decision I've ever made.

Pero papatalo ba ako sa kaba na 'to? Mas matindi pa rin ang pamamaraan ng pagtitiwala sa sarili na magtatagumpay ako sa bagay na 'to. Itataas ko na lang sa Kanya 'to at pagbubutihan ko na lang 'to. Kung ano man ang maging resulta nito, magpapasalamat na lang ako sa Kanya.

God has a plan for me.

This will be worth it in the end.

**

"Pasa ka na tinitignan mo pa," rinig kong sabi ni John sa tabi 'ko. Presko siyang umupo sa upuan at uminom ng tubig. Habang ako namamawis ang likod sa kaba. Tumulo na nga ang pawis sa aking pisngi. Nakakaba dahil nasa baba pa ang pangalan ko. At napapabuntong hininga ako sa bawat pangalan na nilalapagsan ko.

Napapangawi rin ako minsan at hindi ko alam kung kumukurap ang aking mata.

Dumating si John na may dalang laptop at ngiting ngiting binalita sa akin na lumabas na 'yong resulta. Ilang beses niya 'kong sinabihan na 'wag na lang tignan dahil pasa naman ako. Pero ginugusto ng mata ko na makita ang pangalan ko.

Villareal, Veronica Desirel

Nanlaki ang aking mata. Napatayo at napatalon nang makita ang pangalan ko sa screen ng laptop. Ni walang salita ang lumalabas sa aking bibig. Nanginginig ang aking kamay sa sobrang saya. Nanginig ang aking labi at tumulo na lang ang luha 'ko.

"Told you." Lumingon ako kay John na ang sexy-sexy ng binibigay na ngiti sa akin. Ngumuso ito at hindi na ako nakapagpigil na lapitan siya. Niyakap ko siya kahit nakaupo lang. Ang laki ng naitulong niya sa akin. "I told you. So, next step?" He said, smiling.

Kumalas ako ng yakap sa kanya. Hinawakan ni John ang pisngi ko. "Kahit dito man lang makabawi ako."

Tumango ako ng ilang beses. Lumunok ako at pinakinggan na lang siya. "Are you ready tomorrow? Goodbye Philippines, Hello Germany?" aniya.

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now