Chapter 28

11.4K 268 21
                                    

Chapter 28

Mon Chéri

Kakauwi ko lang galing sa Makati pero wala pa ring nangyari sa akin. Palakad ako papunta sa apartment nang may mapansing bagay sa tapat ng pinto. Naniningkit akong tumitig doon hanggang sa makarating ako sa tapat ng apartment.

May nagpa-deliver ng food.

Napalunok ako. Tamang-tama dahil tanghalian ngayon. Tamang-tama dahil hindi pa ako kumakain mula kanina. Pero ang tanong, sino ang nagpadala--“I’d do anything, babe. I can bring your favorite food; sing your favorite song, whatever Nica—whatever you want. Just tell me what you want me to do. Tell me.”

Napahawak ako sa aking pisngi. Oh my gosh, I’m blushing. Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi. Ano ‘to? Napailing ako at kinuha na lang ang blessing na dumating sa akin. Grabe naman kung papairalin ko ang pride ko at iwan ang blessing dito sa tapat ng pinto? Wala akong karapatang tumanggi sa pagkain kung kailangang kailangan ko!

Binuksan ko na ang pinto at dahan-dahang naglakad hanggang sa nalagay ko sa mesa ‘yong pinadala niya. Yes, I know. Si Karl ang nagpadala nito. Hindi nga siya nagbibiro sa sinabi niya. He is damn serious. Hindi na naman ako makasagot sa sinabi niya. Nagpalusot na naman ako…Dahil—dahil hindi ko maintindihan.

Ano nga bang hindi ko maintindihan?

Napailing ako. Gutom lang siguro ‘to. Umupo na ako sa papag at bigla na namang naningkit ang mata ko sa nakaipit na papel doon sa plastic?

My promise for my Nica. 

Je t'aime,  Mon Chéri <3

Nalaglag ang panga  ko sa nakasulat sa papel. ‘Yong my promise na pautot lang ni Karl ang naintindihan ko! Ano na naman bang pakulo ng unggoy na ‘yon! Pero hindi ko malaman sa bibig kong bakit bigla-bigla na lang—kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para hindi matuloy kung ano man binabalak ng traydor kong labi.

Umiling muli ako at nag-umpisa ng kumain. Ngunit papasubo pa lamang ako nang biglang tumunog ang phone ko. Pinindot ko kaagad ng hindi tinitignan kung sino ang tumawag.

“Hello, babe—“

I ended the call immediately.

Kapag ang taong gutom inistorbo sa pagkain, galit-galitan muna sa mundo.

Alam kong si Karl ang tumawag pero binabaan ko kaagad. Ayoko munang marinig ang boses niya ngayon. Ayoko munang guluhin niya ako at mawalan ng gana sa pagkain. Well, Nica, kahit kailanman hindi ka naman nawalan ng gana.

Tumunog ulit ang phone ko ngunit hindi ko pinansin. Tumunog ulit hanggang sa nairita na ako at sinagot ang tawag. “HOY, TUMIGIL KA NA NGA—“

“HOY DIN ATE! KANINA PA KAMI TUMATAWAG. NAG-ALALA NA SI NANAY.”

Napalayo ako ng phone ko sa tenga. Makasigaw naman ‘tong isang kuto na ‘to. Nilapit ko muli ang phone sa tenga. “Sorry. May nangungulit kasi sa akin.”

“Ganda mo a!”

“Putek! Tumigil ka!” Kahit kailangan talaga ‘tong kapatid ko, sarap kutusan. Kung pwede lang na ma-transport ‘yong kamay ko para lang makutusan si Penpen ginawa ko na. Sobra mang-asar akala mo na wala akong ilulugar sa mundo.

“O ‘to na si nanay.”

Nakarinig ako ng kaluskos sa phone. Binigay na siguro niya kay nanay ‘yong phone. Saan kaya sila nakihiram ng phone? Sa bahay ng mga Ortega? E sa kabilang barangay pa ‘yon. Luwasan, ‘yong barangay namin, tapos Grecia, at kasunod non ay Kaingin.

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now