Chapter 14

12.5K 256 17
                                    

Chapter 14

Elem days

Nakatitig ako sa mga batang naghahabulan sa damuhan. Napasandal ako sa harap ng kotse habang inuunat ang kamay ko at napahikab. Ilang oras na rin kaming bumayahe ni Karl. Nakapunta na kaming Batia tapos Tambobong. Mga kalapit na barangay dito sa Taal. Pero wala doon sa mga barangay na iyon ang kaparis nung lugar na nasa picture. Kaya ngayon napahinto kami rito sa Taal Elementary School, isang public school. Baka daw may mapagtanungan kami rito na may alam doon sa lugar. Pero hanggang ngayon hindi pa nakakabalik si Karl. Napatingin ako sa orasan ko sa kamay at alas-kwartro na ng hapon. Mabuti na lang pinayagan kami ng guard ng paaralan na ipasok ang kotse.

Naka-park ang kotse sa court na mayroon ang Taal Elem. Pagkatapos naka-U shape ang porma ng mga room na mayroon ang school. Sa gitna naman ay mayroon ground—play ground kung tatawagin. At sa dulong gitna na U-shape na porma ay ang stage.

“O!” May malamig na tumama sa braso ko. I scowl. Napatingin ako roon. “Baka nauuhaw ka na.” ani Karl at binigyan ako ng softdrink. Hindi na ako nag-atubiling tanggapin ang inumin dahil sa totoo lang uhaw na uhaw na ako.

“Salamat,” ika ko at uminom.

“Wow, hindi ata tumanggi si Nica sa akin.” Napairap ako at tuluyang inubos ang binigay niyang inumin. Sumandal din si Karl sa kotse. Napatingin ako sa kanya at malayo ang tingin niya. Hindi ko alam kung sa playground o sa stage. “Wow.” Karl said in awe. “I think we should celebrate.” Humahalakhak niyang sabi.

Sasapakin ko na ‘to. Isa na lang!

“Hindi ka makapaniwala?” Hinarap ko siya. Ganun din ang ginawa niya.

“Oo.” Karl shook his head. “Hindi ka tumanggi sa akin. Tapos nagpasalamat ka pa. Baka hindi ikaw si Nica ko?” Napalunok ako. Karl looks at me with his smile and dimples appearing to his face. Napanguso siya at umiling ulit. “O, damn it. Forget it.” Umiwas siya ng tingin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya ginawa ko na lang kung anong unang pumasok sa akin. “O! Hindi ka makapaniwala. O ayan na! Ayoko na!” Binigay ko sa kanya iyong plastic na pinaglagyan ng softdrink. “Sa’yo na! Ayoko na! Hindi masarap kapag sa’yo galing.” I pressed my lips to keep it from smiling. Well, nasasanay na rin naman ako sa kalandian nitong si Karl. Na ang lahat ng mga pa-sweet niya ay pawang hindi makatotohanan. Ilang babae na kaya nasabihan niya ng ganito?

Nag-umpisa na rin akong maglakad para libutin ang school na ‘to. Uuwi na rin naman kami pagkatapos.

Ilang araw na rin ako rito sa Bulacan pero wala pa rin kaming nakikita na katulad nung nasa picture. Ilang lugar na rin ang napuntahan ko pero wala pa rin. Wala pa rin si bes.

May monumento ni Dr. Jose Rizal iyong school na ‘to. Maliit lang iyong monumento at katabi nito ‘yong room para sa kinder or nursery? I’m not sure pero mahahalata naman dahil sa mga nakasabit na letters and numbers sa labas ng room.

Patuloy akong naglakad hanggang sa lumagpas ang monumento ni Rizal at napunta sa gilid. Narinig ko ang boses ni Karl pero hindi ko pinansin. Ngayon, nakalapit na ako sa room ng mga kinder. Sumilip ako at nakita ko ang mga maliit na table at chair sa mga bata. May ilang poster na educational ang nakasabit sa pader. May mesa at upuan din para sa teacher.

“Ayaw mo pang umuwi?” Bigla akong napatalon nang may nagsalita.

“Grabe ka!” Napahawak ako sa dibdib sa gulat. Napailing ako. “Mamaya na.” ani ko at nag-umpisa ulit na maglakad.

“Okay!” sagot niya at sinundan din ako sa paglalakad.

Iyong kasunod na room ay para sa grade 1 naman.

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now