Chapter 27

11.8K 267 31
                                    

Chapter 27

More than anything else

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ‘yong nangyari kahapon. Late na akong natulog tapos ang aga ko pang nagising. Ni hindi ko na nakuhang magpaalam kay John noong nakakita agad ako ng bus na pa-Cubao. At hindi ko nilingon si Karl sa sinabi niya. I think he’s damn serious. And I don’t really know what to do anymore. Ni hindi ko na makuhang magbiro o bigyang rason lahat ng sinasabi niya. Oh my gosh! Ang seryoso masyado! Nakakatakot!

Mahigpit kong niyakap ang stuff toy na binigay ni Dei sa akin.

Bwisit na Karl ‘to! Pinag-iisip at hindi ako binibigyan ng maaayos ng tulog!

Napaayos ako ng higa sa aking papag at tinitigan ang kisame. Naririnig ko na ang pagtilaok ng manok at dilat na dilat ang aking mata. Umayos ulit ako ng higa at tumagilid. Putek! Anong klase bang higa ang gagawin ko! Ang likot-likot ko!

“Ms. Veronica Desirel Villareal?”

May narinig akong tumawag sa aking pangalan. Kasunod nito ay ang pagkatok sa pinto ng apartment. Agad-agad akong napaupo at nabitawan si Simon sa papag. Well, unfortunately Simon ang pangalan ng stuff toy na binigay ni Dei sa akin. Nakalagay doon sa damit ng unggoy ‘yong name niya.

Napasilip ako sa maliit na salamin sa tapat ng pinto bago ito buksan. Bumungad sa akin iyong isang kartero na may hawak na envelope. Ngumiti si kuya sa akin at nagtanong, “Ikaw ba ‘yon neng?” May katandaan na si kuya na maaaring kaedad ng tatay ko.

“Opo.”

Inabot niya sa akin ang envelope at may pinirmahan ako. Pagkatapos ay umalis na si kuya at sinara ko na ang pinto. Napahilamos ako ng mukha nang titigan ‘yong sulat, o kung sulat man ‘to. Napasandal ako sa pinto at binuksan na ang envelope. Napalunok agad ako nang makita kung ano ang nilalaman ng sulat.

Veronica Desirel T. Villareal

Bernardo Construction Inc.

Quezon City

 

Dear Ms. Veronica Villareal:

We appreciate the time you took to come for an interview at BCI. You were not selected to return for additional interviews. We received applications from many qualified candidates, several of whom have more experience working.  

Thank you for interviewing with our team. Everyone enjoyed meeting you and we hope that you consider applying for our open positions for which you qualify in the future.

We wish you success with your current job search. We appreciate your interest in our company.

Sincerely,

Lizbeth Soberano

HR Director for the Employee Selection Team

 

Pangalawa na ‘to. Pangalawang rejection na ang nangyayari sa akin. Naalala ko pa ‘to. Mahigit 10 kami sa campus ang pumunta sa BCI para sa interview. Alam ko bago pa ‘to nung graduation. Akala ko pa naman ito na ‘yon dahil noong araw rin na ‘yon nalaman ko na candidate ako for Magna.  Pero wala rin pala.

Iyong Padilla at Bernardo ang  ilan sa pangunahing kompanya na nirekomenda ng university sa amin pero ni isa doon walang tumanggap sa akin dahil hindi ako qualified. Wow, wow. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Wow.

Hindi ko inaasahan ‘to.

**

Dalawang oras na ang ginugulgol ko sa pagse-search pa ng ilang kompanyang maaring pasukan ko. I also checked my gmail if may nag-email sa akin na kompanya. Meron nga. Nakita ko rin ‘yong dalawang email ng Padilla sa akin. Iyong isang email na nakita ko from Gil Construction at sinasabing tatawagan na lang nila ako kung qualify. Hindi na lang ako mag-expect ng sobra. Hindi na lang din ako mag-wo-worry ng sobra. May plano Siya sa akin. His plan is on time. Hindi nahuhuli ang Dyos kung anong nakaplano sa ‘tin. Dahil mangyayari’t mangyayari ‘yon sa kabutihan natin.

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now