Chapter 11

12.8K 240 9
                                    

Chapter 11

Dalawa lang kami

Napapikit ako at dinama ang hangin habang mabilis na pinatatakbo ni Karl ang kotse. Papunta kami sa Guguinto dahil sinabihan kami ng papa niya na baka doon ‘yung lugar na tinutukoy ko na nasa picture. Pinaliwanag ng papa niya iyong daan na pupuntahan namin. Nalaman naman agad ni Karl iyon dahil kay Kez na minsang napuntahan na pala nila dati. May isang lugar daw doon na parang kaparehas nung nasa picture.

Mga ala singko na ng hapon.

Huminto ang kotse at napatingin ako kay Karl. He speaks, “Hihinto na tayo dito. Masikip na kasi ang daan. Talahiban na ‘yung dadaanan natin bago makapunta don sa lugar.” Ani Karl. Inalis niya ang kanyang seatbelt. Inalis ko rin ‘yong akin. Teka, parang mapula ata ang pisngi nitong si Karl. Napapapikit din siya at parang may iniinda.

“Talahiban?” Napataas ako ng boses. Nanlaki pa ang mata ko habang pababa ng kotse si Karl. Nagmamadali naman akong bumaba ng kotse.

“Oo. Bakit?” Ngumisi siya at napairap ako. Pinunasan niya ang pawis sa noo niya. “Natatakot ka ba? Don’t worry nandito naman ‘yung friend mo.”

I scowl. “Friend mo mukha mo!”

“Friend naman o!” Halakhak niya. I roll my eyes. Nag-umpisa na akong maglakad dahil naririndi na naman ako sa unggoy na ‘to. “Huwag ka namang pakipot friend!” Iyong halakhak lang niya ang naririnig sa lugar.

Bumungad ang matataas ng damo sa amin. May isang daanan naman na kasya ang dalawang tao. May naririnig akong tunog na galing sa insekto. Mayroong ding iilang bahay na nakapaligid.

“’Girl’ friend!” Karl shouted.

Napairap na naman ako. Isa pa, Karl. Isa pang kaka-friend mo, masasapak na talaga kita! Pumikit ako para mapakalma ang sarili ko. Sabay naman nito ang paghangin ng malakas at ang tunog ng nagkikiskisang damo. Mas lumakas din ang tunog ng mga insekto. Binilisan ko pang maglakad hanggang sa naabutan na ako ng unggoy.

“Nagmamadali ka naman,” ani Karl. Napatingin ako sa kanya at biglang napalunok. Well, the shades look good at him. Napasuklay naman siya ng buhok gamit ang kamay niya. Kanina hindi ko pansin ang ayos niya pero ngayon sobra ko siyang inoobserbahan. Lalo na sa simple niyang shirt at jeans. Putek! Veronica! Look away!

Hindi mo aakalaing 26 na ‘tong unggoy na ‘to! Nakakairita!

“Nica, I know, I’m good-looking at your eyes.” Ngumuso siya sa akin at napaiwas. Napasuklay muli siya ng buhok dahil bumagsak ang ilan nito sa kanyang noo. Humangin muli at medyo napaangat ang shirt ko. “Huwag kang tumitig baka mahulog ka,” pagpapatuloy niya. Unti-unti akong napaawang ng bibig. Tumingin siya sa akin at ngumiti. At dimples.

My face goes red with anger.

“Someday….or maybe one day, Nica…” Biglang nawala ang ngiti niya. Napabukas muli ang bibig niya ngunit naisara niya agad iyon at umiling. “Damn—Nevermind.” Napapikit siya at nauna ng naglakad.  I heard him swear under his breath.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya ito lang ang unang pumasok sa isipan ko at ninais ng bibig kong sabihin, “Kapal ng mukha mo! Mahulog ka dyan! Mahulog sa bangin!” Sinundan ko siya at patuloy ang malakas na hangin. Well, parang iba ‘yung hangin na parang uulan? I don’t know. I shook my head.

Napapalaki ang hakbang ko sa mabilis na paglakad ni Karl. Malayo-layo pa kami dahil wala pa akong nakikita na kahit ano…na kahit bahay. “Karl!” tinawag ko na siya nang bumilis ang lakad niya. Hindi siya tumingin sa akin. “Karl!” sigaw ko ulit at hinawakan ang braso niya. Wala na siyang shades. Bigla akong napabitaw sa init nito. Hindi ko alam kung sa sinag ng araw o sa katawan niya galing iyon.

A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon