Chapter 36

10.9K 256 12
                                    

Chapter 36

First

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng lumipat ako sa condo ni Karl. Napa-oo na ako dahil baka bumalik pa si Lea dito at mag-iskandalo pa. Aba, hindi ako nagbibiro na pasabugin ang mukha niya at pakagat sa bubuyog ‘yong namamantal niyang nguso sa kapal. Well, over lang ang description ko.

Ngayon, mag-isa lang ako sa condo niya. Umuuwi siya mga eight ng gabi. Minsan kapag tanghali, umuuwi pa siya para may makasama ako kapag tanghalian. Ayoko namang sumama sa kanya sa Autohub dahil bitter pa rin ako sa kompanyang iyon. Naku baka pinasabog ko na ‘yong kompanyang ‘yon! O kaya mag-iskandalo ako! Miss ko na si bes! Miss na miss na miss pa sa pagka-miss.

Nasa kwarto lang ako ni Karl ay dinadama ang lamig na binibigay ng aircon. Aba baka kuminis din ako sa lamig ng kwartong ‘to. Nahiya naman ako kay Karl na mas makinis pa sa akin at mas maarte pa sa akin sa katawan. Sa banyo niya, kung ano-ano nakikita ko na mga gamit panglalaki na minsan ginagamit niya sa mukha o kaya kung saan man. Pero iisang brand lang ng perfume ang gamit niya na minsan ginagamit ko sa akin. Kulang na lang ipaligo ko kahit kapag sobra ang nilagay mo masakit sa ilong. Nag-aamoy lalaki tuloy ako. Pero wala naman akong pakelam. Dahil wala akong magawa dito sa condo niya. Noong unang araw ko rito, hiniram ko ang laptop niya para makapaghanap ng mapapasukan na trabaho. Pero lahat ng nakikita kong kompanya ay kailangan may lisensya. I mean—licensed engineer. Mayroon naman iba na pwede ‘kong pasukan pero hindi naman ‘yong pinag-aralan ko ang maa-apply ko. Parang ang sakit naman non kung ganon. Pinabibili ko rin si Karl ng dyaryo para naman sa classified ads section nito, pero wala pa rin. At the end, tinigilan ko dahil nai-stress lang ako nangyayari kaya hanggang ngayon tambay lang ako sa condominium ni Karl. Pero noong isang araw nagtext si John sa akin about his offer. Nakikipag-communicate naman ako sa kanya kasi ‘yon na lang ang katiting kong pag-asa.

Ngayon, nag-iisip ako ng pwedeng gawin at ang tanging naiisip ko lang ay lumabas. Mag-iiwan na lang siguro ako ng note at magtext sa kanya? Madali akong lumabas ng kwarto at inayos ang aking sarili. Alas tres na ng hapon. Siguro makakauwi ako bago pa makauwi si Karl. Pero bago pa ako makapunta sa lugar ng pinto ay napansin ko ‘yong couch na pinagtutulugan niya. Napakagat ako ng labi ng maisip na doon siya natutulog habang ako sa kwarto niya. Ilang beses ko siyang kinulit na pwede naman ako doon sa couch kasi mas kasya naman ako doon! Pero hindi pa rin umobra sa kanya. Wala na akong nagawa.

Tumingin muna ko saglit sa salamin pagkatapos ay binuksan na ang pinto.

“O, Nica, saan ka pupunta?”

Saktong nasa harap ko si Karl. His brows creased looking at me. Ngumuso ito at nawala ang pagkakunot nang makita niyang hindi ako makasagot.

“Lalabas ka?” he said.

Tumango ako.

“Sakto. Tara na.” Agad niyang kinuha ang kamay ko. Nagawa niyang i-lock ang  pintuan gamit ang isang kamay niya. Nang matapos ito’y agad-agad niya akong hinatak palabas. May dinukot siya sa kanyang bulsa para sa kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto nito. Mabilis namang kumilos si Karl para makapasok.

“Oy, iniwan mo naman ‘yong trabaho mo! Kapag ‘yan nawala sa’yo…Naku!” Mas concerned pa ako sa kalagayan niya na minsan iniiwan o umaalis na lang siya sa trabaho kahit hindi pa oras. Kung ako ‘to, mas uunahin ko ‘to kaysa sa ibang bagay.

“Namimiss na kita…” Tumingin siya sa akin saglit. Napaiwas naman ako at ibinaling ang tingin sa bintana. Napakagat ako ng labi sa pagpipigil ng ngiti. Pero mali pa rin ‘yong ginagawa niya! “Mas gusto kitang akikasuhin. At least kapag sa’yo nag-e-enjoy ako ng husto.”

“Whatever.” Napairap ako at humalakhak naman siya.

Minsan, naiinggit ako kay Karl dahil wala na siyang pinoproblema. Nakamit na niya ‘yong gusto niya. Stable na siya sa buhay. ‘Yong mga kapatid niya maayos na. ‘Yong pangarap niya sa magulang niya natupad na niya kaya ganito na lang siya ka-chill. Sana ganon din ako.

Alam ko ngayon sa sarili ko mas gugustuhin kong matupad ang pangarap ko at iwan kung ano man ang makakasagabal. I will choose my dream over something else. Iyon ang priority ko. Kahit ano man iyon, papakawalan ko.

“Okay, here we are.” Mabilis na bumaba si Karl pagka-park niya ng kotse. Teka…parang napuntahan ko na ‘to? Dito nangyayari kapag may friendly race na nagaganap ang inorganisa ang Autohub. At saka ito ‘yong fave place ni bes! Napababa tuloy ako at hindi ko na naintay si Karl na buksan ang pinto. Pagkalabas ko nilabot ko kaagad ang aking mata sa paligid at natagpuan ko ‘yong fave place ni bes na puno ng mangga. Mataas ang lugar na ‘yon at kitang kita mo talaga ang pangyayari sa race.

“Bakit mo ‘ko dinala rito?” tanong ko na hindi nakatingin sa kanya.

“You told me yesterday, you’d want to learn how to drive.”

Napatingin ako kay Karl. Hindi ko maitago ang saya ko. At kaagad ko siyang nayakap. Kahapon kasi umalis kami tapos tumawag si Belle sa kanya. Kailangan niyang pumunta sa Autohub habang ako gusto kong umuwi. Masyado siyang maabirya kung ihahatid niya ‘ko at makakaaksaya ng oras. Pumasok sa isipan ko na kung pwede niya akong turuan magmaneho.

“Akala ko ayaw mo,” ngumuso ako.

Napakalas ako ng yakap sa kanya.

“Noong una ayoko kasi baka umalis ka na lang ng hindi nagpapaalam kapag natuto ka.”

“Hindi ko naman gagawin ‘yon.”

“Nica, I know you. Ginagawa mo kung anong gusto mo. Walang pwedeng umayaw kapag gusto mo.”

Napanguso muli ako. Karl is right. Kung ano man ang gusto ko, gusto ko laging natutupad.

“Pero tuturuan mo pa rin ako, ‘di ba?” Oh my gosh! Hindi bagay sa akin ang magpa-cute ng ganito sa harap niya. Pero gusto ko talagang matutong mag-drive! Ito na ang oportunidad na binigay sa akin. Grab na lang ang kailangan.

“Unfortunately, yes.” Biglang kumurba ang aking labi sa malawak na ngiti. Umiling si Karl bago magsalita muli, “Because I’d want you to learn all your first because of me. Gusto ko sa lahat ng una mo ako ang maalala mo.” And he leans. Karl kissed me on my neck which is ngayon ko lang na-experience. “I don’t want to sound selfish but i want you to remember me every time.”

**

Sa una mahirap dahil kung ano ano natatapakan ko tapos lumiliko na lang ako basta-basta. Pero dahil magaling na tutor si Karl natutunan ko agad magmaneho. Ngayon, pinabayaan niya lang ako na magmaneho. Pero one way trip lang, ‘yong walang liko-liko o ano pa man. Ilang oras ko ng ginagawa ‘tong pagmamaneho  at papalubog na ang araw. Tinignan ko si Karl na nakaupo sa damuhan habang may hawak. Bigla akong napahinto nang makita ko kung ano ang hawak niya.

PHONE KO!

Mabilis pa sa alas kwatro ako tumakbo papunta sa pwesto niya at agad na inagaw ang phone ko.

“You were texting him, ha?” Igting ang panga niyang tumingin sa akin. “Bakit? Hindi mo naman kailangan ng trabaho nandito naman ako. Quit texting him about it! Hindi mo na kailangan, Nica.“

“Karl naman! Hindi sa—“ Hindi ko alam kung paano itutuloy ang sasabihin ko. Si John na lang ang pag-asa ko para magkatrabaho. Pero ano ‘to?

“Huwag mo na siyang kausapin dahil hindi mo na kailangan ng trabaho. I can do this. Just don’t text him. Hindi mo naman ako binibigyan ng closure niyan e.”

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now