Chapter 42

10.8K 251 35
                                    


Chapter 42

Sinama


Halos kalahating oras na akong naghihintay kay Penpen sa gilid ng Ford Balintawak ngunit wala pa rin siya. Sabi niya sa akin ay may bibilhin lang siyang pagkain ngunit ni anino niya 'di ko matanaw kung saan. Ilang text messages na ang pinapadala ko, hindi naman siya sumasagot. Nakausap ko ang salesperson ng Ford para sa New Focus na bibilhin ko wala pa rin siya. Tinatawagan ko rin, nagri-ring lang ang phone.

Aba!

"Wow naman, Pen, sarap mong sapakin ngayon," ani ko sa aking sarili. Dumadagundong na sa kaba ang aking dibdib. Hindi pa naman maalam sa mga lugar ang ugok na 'yon. Akala ko pa naman 'dyan lang sa labas siya bibili, sinugod yata buong Quezon City.

Putek!

Nag-umpisa na akong maglakad kung saan nakahilera ang mga nagtitinda ng street foods. Napapakagat ako ng labi sa bawat usisang ginagawa ko sa bawat stall. Hindi mahagip ng mata ko ang mukha ng kapatid ko.

Kainis!

Naiinis na talaga ako!

Naku naman, anong karapatan ng negro na 'yon na pag-alalahanin ako ng ganito?

Mabilis na ang aking paglakad hanggang sa may pamilyar na boses na tumawag sa aking pangalan. "Panget!" Nanlaki ang aking mata sa boses na iyon. Lumingon ako sa aking likod nakita ko ang ngiting-ngiti kong kapatid na may hawak na ice cream at isang supot ng kung ano. "Nilibre ako nung ate ni kuya Karl!" Tumakbo ito papunta sa aking pwesto. Hindi ako makapagsalita. Naghalo-halo na aking emosyon. Nanggigil. Naiirita. Naiinis. Relieved. "'Buti pa 'tong kapatid ni kuya Karl—si—" Napapikit ang isang mata nito sa pag-iisip. "Ah! Si Ate Kat! Ganda pa!" Bumungisngis ito sa akin.

Napangiwi lamang ako. Hinahanda ang aking sarili sa pagsabog.

"Talaga? Galing no?" Tumaas ang isang kilay ko. "Pen, gusto mo bang turuan pa kita pa'no gamitin ang cellphone? Aba, sinasagot 'yan. Hindi 'yan binabalewala. " Umiling ako at nagpatuloy, "Paghintayin mo man 'yong tumatawag, sagutin mo man lang. Aba, baka kunin ko 'yan ngayon din?" I was breathless after.

"Oh, ito naman—"

Napatigil si Pen nang mapapikit ako.

"Alam mo ba kahit saan nangyayari ang aksidente? Hindi ka na 5 years old ah! Laki mo ng lalaki ka! Alam mo kung hindi lang mag-aalala sina Tatay at Nanay, iiwan kita rito! Tutal gustong-gusto mo naman!" Umiling muli ako, at tinitigan siya.

Sumeryoso ang mukha ni Pen. "Oo na! Namatay kasi 'yong Samsung ko! Kasama ko naman kasi sina Kuya Karl saka 'yong Ate niya."

Nanatiling seryoso ang aking mukha. Napangiwi si Pen. "Sorry na! Hindi na ako bibili ng pagkain ng hindi ka kasama! Sumbong mo na ko kay Tatay! Sorry na kasi, ate!" Hinila ni Pen ang dulo ng aking shirt. "Ate, sorry na!" I arched a brow. "Ate..." pakiusap nito, at kinain ang ice cream. "Oh, sa'yo na 'to, lahat! Hindi na ako hihingi oh!" He offered a plastic of candies. Kinuha ko ngunit hindi ako nagbitaw ng kahit anong salita.

Nag-umpisa na akong maglakad at sumunod si Pen sa akin. Kunwari tumitingin ako sa likod, ngunit sa kanya talaga ang atensyon ko. Alam kong malaking lalaki na 'tong si Pen, pero Quezon City 'to, ang laki-laking lugar nito. Saka laking probinsya ang kapatid ko na 'to, baka kung na lang mangyari. Hindi rin masasabi ang aksidente.

Huminto kami upang mag-abang ng jeep. Hindi pa nakakatagal ay may tumawag naman sa pangalan ng kapatid ko. "JP!" That's Pen, other nickname. JP stands for Jon Peter. "JP!" Tinawag muli ang ibang pangalan ni Pen.

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now