Chapter 48

9.6K 185 10
                                    


Chapter 48

Girlfriend


"Hello?" I said while checking the materials. Nilagay ko sa pagitan ng aking tainga at balikat ang aking telepono.

"Hey, babe..." I heard exhaustion on his voice. And of course, the smile.

"Hey, you! Hey, hey, ka pa 'dyan!" ani ko, sabay ng pagngiti. Hearing his voice...like this. Gustong-gusto ko 'to.

Matapos kong mabilang ng husto at madouble check ang mga material ay lumabas ako ng office. Dala-dala ko ang bottled water habang hawak sa isa itong telepono ko. We were both giving silent sigh to each other. Parehas kasi kaming naging abala sa mga nagdaang araw—o buwan yata. Si Karl sobrang naging abala pagkatapos ng nangyaring aksidente. Nabaril si Gideon ni Nick noong kinidnap niya ang best friend ko. Walang kaluluwang lalaking 'yon! Wala akong pakelam kung anong mangyari sa kanya!

Sa nangyaring aksidente, ang laki ng ginamapanan ni Karl sa Autohub habang si Gideon nasa hospital at nagpapagaling. Minsan nga sa kompanya na siya natutulog at hindi na nakakauwi sa kanyang unit. He's too busy! And so am I! Naging busy din naman ako ng ilang linggo sa project na ginagawa namin sa Pasay, isang footbridge. Minsan na lamang ang pagsabay namin ni Karl mag-lunch –at ngayon hindi na iyon nangyayari sa schedule namin. Tawag na lamang ang nagagawa namin sa isa't isa.

Karl chuckled. "Miss you..."

Napalunok ako.

"I miss you, too. Uuwi ka ba ngayon?" Napakagat ako ng labi, habang hinihintay ang sagot niya. Nakarinig ako ng ibang boses sa background. I think, it was Andy's voice. "Karl?"

"O." Nagulat si Karl sa bigla kong pagsasalita. "No, babe." Two words. I hate the first word. I heard him sigh. "I'm sorry. Azel's back. Baka mabawasan na 'tong trabaho ko. I miss you so much. Tawagan mo ko kapag nakauwi ka na mamaya...I love you," aniya ng mabilis. "I love you!"

"Okay! Okay! I miss you..." ani ko. "I love you!" Inalis ko sa aking tainga ang aking telepono. Pinagmasdan ko ang screen nito hanggang sa namatay na lamang ang tawag.

Napatitig ako sa mga nagdadaang sasakyan.

Nasilaw ang mata ko sa sinag ng araw kaya kaagad akong umiwas. Napansin ko si sir Jim na contractor namin. Sumaludo siya sa akin. Napawi ang 0.0001 percent ng aking lungkot dahil doon. Nagiging tatay-tatayan ko si sir Jim dito sa kompanya. He knows my story. Alam ko rin iyong sa kanya. Sobrang saludo ako sa kanya kasi may anak siyang nag-aaral ng Civil Engineering.

"Uuwi ka na ba, Engr.?" tanong nito.

Ngumiti ako. "Opo. Sabay na po kayo sa akin? Pero kukunin ko pa po ang gamit ko sa loob."

Agad na napailing si sir Jim. "May tatapusin pa ko. Saka kakausapin pa ko ni boss. Pero salamat a!" anito.

"Ah, ganon po ba. Sige po."

Sumaludo muli si sir Jim sa akin. May sinabi siya sa akin about sa project. Sabay kaming pumasok sa loob na ang pinag-uusapan ay iyong mga materials. Magkaiba ang kwarto na aming pupuntahan. Si sir Jim sa mga secretary, ako naman sa office ng mga engineer dahil nandoon ang gamit ko.

Si Engr. Cruz ang naabutan ko sa kwarto, tinitignan ng masusi ang plano.

"Engineer na kay boss po iyong ibang blueprint," ani ko nang kuhanin ang aking bag.

Umangat ang ulo ni Engr. Cruz sa akin sabay ngiti. "Salamat! Ingat ka!"

Tumango ako. "Kayo rin po," ani ko.

A Trip to Love (ARTL, #2)Where stories live. Discover now