Chapter 8

13.3K 291 13
                                    

Chapter 8

Want me

Kagabi, hindi ako makatulog dahil sa mga iniisip ko at kung paano sasaktan si Karl kapag nakaalis na kami rito sa kanila. Una nakakainis dahil hindi niya sinabi sa akin na hindi lang pala isang araw kami rito. Ang problema ko wala akong damit. Nakakahiya kahapon dahil sa damit pa ng ate niya ako nakahiram para lang may pantulog ako. Sunod, naiinis ako dahil hindi rin pala alam ni Karl kung saan ‘yong lugar. Pinakita ko sa kanya ‘yong picture na nasa facebook ni Aly pero hindi niya rin alam. Panghuli, ang aga kong nagising, alas kwatro palang ng umaga gising na ako. Nakatitig lang ako sa kisame nila hanggang sa nakita ko na lang ala singko na ng umaga.

“CJ dito!” Nakarinig ako ng tawa sa bintana. Napatayo ako at hinawi ang bahagya ang kurtina. Mula dito sa pwesto ko makikita ang half court sa likod ng bahay ng mga de Vera. May apat na lalaki ang naglalaro ng basketball at walang silang t-shirt. Wala silang t-shirt.

“Ison, pasa mo sa akin!” sigaw ni Karl doon sa lalaking nakajersey-shorts na maputi at malapad ang balikat. Mas malapad ang balikat nito kaysa kay Karl. May butil ito ng pawis sa dibdib, o, sa buong katawan.

Ison wiggled his brows at Karl. “Kuya Karl, o!” Napahalakhak iyong Ison nang na-fake niya iyong isang lalaki. CJ. CJ ata iyong pangalan. Iyong CJ ay medyo moreno at kasing katawan ni Karl. At iyong isa naman ay ‘yong kapatid ni Karl na si Kez. Si Kez hindi pa fully define ang upper body pero kitang-kita mo na malapit na siya magkaroon nung katulad kay Karl. Damn. Iyong kay Karl ayos lang, I mean o define-define na pero—basta! Napakagat ako ng labi at napailing. Putek! Ano ba ‘to! Bakit ko ba dine-describe ang upper body nila!

Pinansin ko na lang kung paano sila maglaro pero hindi maiwasan ng mata ko na makita iyong masuswerteng pawis na tumutulo sa katawan nila. Napairap ako hanggang sa nakita ko na lang na may apat na pares ng mata ang tumititig sa akin ngayon. Kay Karl agad ako napatingin. And he winked at me. Bigla kong sinara ang kurtina.

Napaupo ako sa kama at napahawak sa pisngi ko. Putek na Karl ‘yan!

Narinig ko na lang ang malakas na halakhak ng unggoy. Napatakip ako ng tenga at nakakagigil na talaga. May araw talaga ang unggoy na ‘to sa akin. Hintayin niya lang talaga!

**

“Ma, kami na lang ni Nica ang maggo-grocery.” Napatingin ako kay Karl ng masama na hindi pansin ng mama niya habang nasa kusina kami. Nginisian naman niya ako at pumunta sa ref para kumuha ng tubig.

“Nakakahiya naman.” Ani ng mama niya at tumingin sa akin. Napaharap siya sa akin. Ngayon, kasi walang kalaman laman iyong ref nila. Wala siyang mailuto at sana siya na lang ang maggo-grocery pero itong si Karl nagsuggest na siya na lang. At sinama pa ang pangalan ko.

“At least malilibot niya Marilao. Kahit ang paligid o yung papunta sa SM Marilao.” Ani Karl pagkatapos uminom. Binigyan niya ako  ng nakakainis na ngiti. Well, lahat naman na gawin ni Karl naiinis ako.

Pero, good point baka…baka matyempuhan namin iyong lugar. Siguro, titigan ko na lang ‘yong larawan sa fb tapos habang bumabyahe magiging alerto ako dahil baka nakakaparehas na nung larawan iyong lugar dito.

Nalaman na rin ng mama ni Karl kung bakit ako nandito sa Bulacan. Pero ang nakakainis lang na sinabi ni Karl iyong matagal-tagal. Una nakakahiya na makitira ako rito. At hindi alam ng nanay at tatay ko ‘to.

“Tara na!” Hinawakan na ni Karl ang kamay ko.

“Ingat kayo!” sigaw ng mama niya.

Sinubukan kong alisin ang hawak ni Karl pero hindi ko nagawa. Napahinto kami nang nasa sala kami at naabutan namin si Kez sa harap ng tv. Nabali ang atensyon niya sa amin. Una siyang tumingin kay Karl, sa akin, at sa kamay ko na hawak ni Karl.

“May papabili ka?” ani Karl.

Naalis ang tingin ni Kez at napunta kay Karl. I tried to jerk his hold but I failed. “Wala.” Malata niyang sabi at binalingan ako.

“Okay! Text ka na lang kapag may gusto kang ipabili.” Masiglang sabi ni Karl at hinatak na ako. Nakita ko pa ang pagtaas ng kilay ni Kez sa akin. At hindi ko alam kung namalikmata lang ako na nakita ko panandalian ang pagpula ng pisngi niya. Bigla niya akong iniwasan at napatuon na lang ako sa paghatak ni Karl. Paglabas namin ng bahay at agad kong inalis ang hawak ni Karl sa akin.

“Huwag mo naman akong hahatakin na lang basta-basta!” angal ko sa kanya. Tinignan ko siya ng masama.

Ngumuso naman siya sa akin na naging dahilan para madistract ako ng dimples niya. “Gusto kitang hatakin. Mahirap na, baka makawala ka pa.” Humalakhak siya. I scowled. And I felt my cheeks turned red.

Umiwas na agad si Karl at naglakad palabas ng gate. Napairap na lang ako. Sinundan ko siya at pumasok sa loob ng kotse. Pinaandar naman niya agad ito.

“Karl, seryoso ako, huwag mo akong hahatakin basta-basta! Baka akalain ng magulang mo at kapatid mo na...” Napakagat ako ng pang-ibabang labi.

“Na ano?” Ngumisi siya.

Inirapan ko. “Basta! Alam mo naman e! Nagmamaang-maangan ka lang!”

Napahalakhak naman siya. “Ikaw lang naman nag-iisip nun.” Napasuklay siya ng buhok gamit ang kanang kamay niya at iyong isa naman sa pagmamaneho. “Well, siguro iniisip mo may gusto ako sa’yo?” Unti-unting lumaki ang ngiti niya sa akin. My cheeks go pink. And his dimples. Umiwas ako at tumingin sa bintana ng kotse. “O baka, ikaw na ang may gusto sa akin.” Nanlaki ang mata ko at napalunok ako.

“Putek!" I groaned. “Bunganga mo!”

“O di ba obvious.” He laughed, hoarsely.

My lips parted. Ngiting ngiti naman ang unggoy. “Kapal ng mukha! Kahit kailan hindi kita magugustuhan! Ayoko! Ayoko sa mga katulad mo! Kasi ang alam ko ang mga katulad mo nang-iiwan. At kainlanman hindi nagiging seryoso. Ayoko na.” Napatakip ako ng bibig sa sinabi ko. Umiwas agad ako sa kanya. Hindi ko sinasadyang masabi ko sa kanya iyon. Nakakainis lang kasi sinubukan niya ako. Ayoko…ayoko. Ayoko na ulit.

Isang minutong katahimikan ang bumalot sa amin. Napapikit na lang ako at napailing. I opened my eyes at tinuon ang atensyon sa daan.

“Well, baguhin mo na ang paniniwala mo tungkol sa akin, Nica. Because once you get to know me, you will want me more than you will want anyone else.”

A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon