Chapter 36

1K 56 3
                                    


Chapter 36: Mission

Cassandra's POV

Nandito kami ngayon sa parking lot ng academy. Hinihintay namin ang kotse na maghahatid saamin sa aming destinasyon.


"Hi guys! Sorry we're late!" rinig naming sigaw ni Blizz 'di kalayuan.


"Umayos ka nga Blizz! Ang ingay mo. Baka may makarinig saatin n'yan!" saway ni Belle dahilan para matahimik si Blizz.


Mabuti naman at nandito na sila. Akala ko ay hindi na sila dadating, eh.


Napatingin naman ako kay Jake. Seryoso lamang s'yang nakatingin sa mga kaibigan na papalapit.


Inalala ko naman ang usapan namin kahapon.


"Bukas ay aalis na kayo para sa inyong misyon. Ipapahanda ko ang sasakyan na gagamitin n'yo. Leave before anyone else notice. This is a secret mission anyway" si Ms. Clever.


Tumango ako bilang sagot habang si Jake naman ay nagtanong kay Miss ng mga bagay na gusto n'yang malaman. Nanatili nalang akong tahimik at nakinig sa usapan nila.


"Let's go, Ms. Soulford"


Nagulat ako nang tumayo na si Jake kaya mabilis din akong tumayo at sumunod sakaniya. Nagpaalam kami kay Ms. Clever bago nagtungo sa pintuan.


"Shh...'Wag ka nga maingay"


"Hindi kaya ako maingay! Ikaw kaya"


"Guys, stop! God! 'Bat ba ako nandito?"


"Bakit tumahimik?"


Hinawakan ni Jake ang knob at binuksan ito. Nagulat ako nang biglang magtumbahan si Blizz at Belle sa sahig habang si Liro naman ay napa-upo.


Pinag-krus ni Jake ang braso n'ya at binigyan sila ng nagtatanong na tingin. Nanatili akong nakatingin sakanila habang nag-aayos sila ng sarili.


"I said stop following me"


Natahimik sila Blizz at Liro dahil sa lamig ng boses ni Jake.


"Sorry na Master Jake. Huwag ka sana magalit" si Blizz na nag peace sign pa.


Binatukan naman s'ya ni Belle dahilan para mapatingin s'ya doon.


"I told you, Blizz. Sabi ko sa'yo huwag na tayong sumunod eh. Pahamak ka" sabi ni Belle.


Napahawak ng batok si Blizz at binalik ang tingin saamin ni Jake. Bigla s'yang ngumiti na kakaiba dahilan para mapalunok ako.


Napahawak ako sa ulo ko dahil parang alam ko na ang mangyayari.


Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now