Chapter 11

1.4K 85 29
                                    


Chapter 11: First Encounter

Cassandra's POV.

Tumatakbo ako ngayon papunta sa lugar na itinuro ni Jennifer. Hindi ko alam pero sobrang kaba ng dibdib ko. Parang naalala ko ang isang sinaryo na nangyari na din saakin sa normal world. Nag-aalala ako sa kalagayan ni Kate at sa kung ano ang ginawa sakaniya ni Fiona.


Gantong-ganto din ang nararamdaman ko noong may nagbalita saakin na may umaaway kay Meigan dati. Tinawag nila ako at doon ko nadatnan si Meigan na umiiyak at may sugat sa braso dahil sa mga nambully sakaniya.


Bilang mga bagong kaibigan ko sila Belle, Kate, Jenn at Mika ay nararamdaman kong kailangan ko din silang tulungan at ipagtanggol sa lahat. Hindi ko kayang makita na may umapi pa sakanila gaya nalang ni Fiona.


Sapat na naman siguro ang mga narinig ko tungkol kay Fiona para masabi ko kung anong klase s'ya na istudyante diba? Hindi biro ang maging biktima ng bully dahil alam ko at nakita ko kung paano na bully si Meigan noon.


Rinig ko ang mga tawag ni Belle at Jenn saakin sa 'di kalayuan. Alam kong nag-aalala sila sa akin at kay Kate. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil biglaan naman akong tumakbo paalis kanina at alam kong hindi nila iyon inaasahan.


Huminto ako nang marating ang lugar kung saan nagkukumpulan ang mga studyante. Rinig ko ang mga salita nila laban kay Fiona at Kate. Dali-dali ako nakisiksik sa mga estudyante para makapunta sa unahan.


Tumambad saakin si Kate na nakaupo na sa lupa habang namumula ang leeg at animong may kalmot. Nangingilid na ang luha n'ya at hindi n'ya na alam ang gagawin. 


Lalong tumindi ang pag-aalala ko at kagustuhan ko na ipagtanggol s'ya nang makita ko ang sitwasyon n'ya.


Lumapit ako kay Kate at hinawakan s'ya sa balikat upang masuri. Nakita ko kung paano s'ya magulat sa biglaan kong paghawak sakaniya. Nang makita n'ya ako ay lalo lamang nangilid ang luha n'ya.


"Are you okay? Anong ginawa niya sayo?" Nag-aala kong tanong.


Hindi pa nakakasagot si Kate nang bigla namang dumating sila Belle at Jenn na hingal na hingal at dinaluhan kami ni kate.


"Ayos ka lang kate!?" si Belle na ngayon ay dinaluhan na kami.


"I'm F-fine..May nagtanong kasi saakin na lalaki kanina kaya sinagot ko din, sakto naman na dumaan sila Fiona at nakita kami at pinaratangan akong nilalandi yung lalaking 'yun na may gusto daw sakaniya. She said that I'm a slut and attention seeker" Paliwanag ni Kate kasabay ng paghagugol n'ya kay Belle.


Hindi naman ako makapaniwala na sa ganong kaliit na bagay ay mananakit na si Fiona. Really? Para sa lalaki? That's very childish. She didn't even think of asking Kate kung bakit n'ya kausap yun and yet she attacked her?


Kung ang lalaki naman na iyon ay may crush sakaniya, meron parin ang lalaking iyon ng kalayaan para kumausap ng ibang babae! Really! Umiinit ang dugo ko.


Tumayo ako at iniwan si Kate na pinapatahan at inaalo nila Belle. Tinignan ko ng diretso si Fiona na ngayon ay nakatingin at pinagmamasdan sila Kate habang nakangisi. Nnag mapansin n'yang nakatingin ako ay nawala ang ngiti n'ya at tinaasan ako ng kilay.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now