Chapter 17

1.4K 80 0
                                    


Chapter 17: Organization

Cassandra's POV

"When an Artemis incant changed the color of their eyes for the first time, ibig-sabihin ay nasa stage kana ng pag develop ng iba mo pang kapangyarihan. Simbolo ito ng mas malakas na kapangyarihan sa katawan mo." si Miss Clever habang nakatingin saakin.


Hindi pa rin ako kumakalma sa dami ng nalalaman ko at sinisigurado ko na hindi lang ito ang malalaman ko. Ang utak ko ngayon ay nagkabuhol-buhol na sa dami ng mga kailangan kong isipin at tandaan.


 "Your eyes is not just a window to your soul but the door of your emotions." si Mr. Petergreen.


Pagkasabi n'ya no'n ay lumakad na s'ya para maupo sa tabi ni Jake na mukhang bagot na bagot na.


Bumaling ako kay Miss Clever at binigyan s'ya ng nagtatanong na tingin.


Your eyes is not just a window to your soul but the door of your emotions..


Namayani ang katahimikan ng ilang segundo bago magsalita ulit si Miss Clever.


"Ang mata mo ang sumisimbolo sa iyong emosyon. Ibig sabihin ay nag rereflect sa mata mo kung ano ang iyong nararamdaman katulad nalang ngayon, nababasa namin ng malinaw na nalilito ka." sabi n'ya.


Nagulat ako ng dahil sa sinabi ni Miss Clever. Totoo na nalilito ako dahil sa dami ng nalaman ko ngayon lang pero paano n'ya nalaman?


Mukhang nabasa n'ya nga ang aking nasaisip. Naglakad s'ya papunta sa isang shelf at may kinuha doon. Nang makalapit s'ya ay doon ko lamang nakita ang dala n'ya.


Inabot n'ya saakin ang maliit na salamin. Kinuha ko iyon at unti-unting inangat para makita ang sariling repleksyon.


Nagulat ako sa aking nakita.


Ang mga mata ko ay kulay grey! hindi ko alam kung paano nangyari ito pero ang mata ko ay kulay abo na bahagya pang umiilaw dala ng kislap ng ilaw.


Tumingin ako kay Miss Samantha na ngayon ay nakangiti na saakin.


"You have to control your emotions, Cassandra. Maaring maging dahilan iyan ng kung ano saiyo" sabi ni Miss Clever at pinagmasdan ang mata ko.


"Hindi ka dapat kakitaan ng kahit anong emosyon lalo na kapag kaharap mo ang mga kalaban. Lalo na ang takot dahil once na makita nila ito sayo ay tiyak na gagawa sila ng paraan para lalo kag matakot"


Takot....pero paano ko iyon gagawin? gayong ngayon kolang nalaman ang mga ito!


"Ibig n'yo po ba sabihin Miss ay ang nararamdaman ko ay nakikita sa pamamagitan ng kulay ng aking mga mata?" mahinahon kong tanong kay Miss Clever.


"Exactly, Miss Soulford! Your eyes turned red because you feel anger that time"


Naalala ko nanaman tuloy yung nangyari ilang araw na nakakalipas. Yung naging sagupaan namin ni Fiona na humantong kung bakit ko nalaman ang tungkol sa aking mga mata.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now