Chapter 1

3.9K 160 29
                                    

Chapter 1: Cassandra Soulford

"Cassandra!" sigaw ng kaibigan kong si Meigan.


Ito talagang babaeng 'to ang lakas ng boses! Akala mo naman ang layo-layo ko sakan'ya kahit ilang hakbang lang naman layo namin sa isa't isa kung makasigaw.


"Ano ba 'yun Meigan? May ginagawa pa ako, eh! Istorbo ka naman." sabi ko sa naiiritang boses.


Tinarayan lang n'ya ako kaya tumayo na ako at sinimulan ang paglalakad.


Meigan and I are best friends. Siya ang sandalan ko sa lahat ng oras at panahon. Siya ang tumayong magulang ko habang nandito ako sa ampunan at nakakalungkot lang isipin na baka dumating ang panahon na mahihiwalay kami sa isa't-isa.


"Nag bake si ate Kim ng cookies." sabi n'ya kaya agad akong napangiti.


Naglakad kaming dalawa papunta sa kinaroroonan ni ate Kim. Sa pintuan pa lang ay amoy ko na ang bango ng cookies na binake n'ya. Pag upo namin sa hapag ay saktong lapag naman ng cookies na binake ni ate kim.


"Wow! Anong meron ate Kim at may pa cookies ka?" tanong ni Meigan na parang interesado talaga.


"Bakit? Bawal na ba ako magluto? Kailangan lahat may meaning?" pang asar na sabi ni ate Kim, ang tumayong magulang namin dito.


Siya ang unang sumalubong saakin pagdating palang dito. Siya rin ang nag-alaga saakin at nagpalaki nang maayos. Maganda si ate Kim at mabait, parang nasa kanya na ang lahat kung titignan dahil magaling din s'yang mag luto, mag bake at mag pinta.


Tinuturuan kami ni ate Kim na parang kami ni Meigan ang kanyang istudyante. Kaya alam namin ni Meigan ang mga bagay na sa pangkaraniwang eskwelahan lang natuturo.


Ganyan ka bait si ate Kim sa amin. Siya din ang pinaka may gusto na may mag-ampon saamin ni Meigan dahil maganda daw ito para magkaroon kami ni Meigan ng magandang kinabukasan na hindi maibibigay ng ampunan saamin.


Gusto din namin ang ganon pero kapag iniisip namin na iiwan namin si ate Kim dito sa ampunan ay nalulungkot kami ni Meigan.


Kung ang pag ampon lang ang magiging dahilan sa paghihiwalay namin ay mas gugustuhin nalang namin dito manirahan.


"Tapos na ba kayong kumain?" tanong ni ate Kim.


Tinignan ko si Meigan na nagliligpit na ng pinagkainan n'ya kaya tumayo na din ako at nilagay ang pinagkainan ko sa lababo at tsaka tumungo ulit sa harap ni ate Kim.


"Bakit, ate? Anong meron?" tanong ko habang nagpupunas ng kamay habang si Meigan ay umiinom ng tubig.


Tinignan n'ya kami na parang may gustong sabihin pero 'di n'ya natuloy.


"Wala naman. Sige na. Lumabas na kayo ulit at tulungan n'yo si Ma'am Lucy sa pagtatanim n'ya."


Nagkatinginan kami ni Meigan tsaka nagpasya na sumunod nalang sa sinabi ni ate Kim saamin. Nagtungo kami sa hardin ng ampunan kung saan may Mini farm na tinayo sila Ma'am Lucy, Ang head dito sa Ampunan.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now