Chapter 7

1.9K 104 25
                                    


Chapter 7: New friend

Cassandra's POV

Pagkatapos ng usapan namin ni Miss Samantha sakanyang office ay sumunod ako sa tagasilbi para makapunta na sa sinasabi nilang magiging dorm ko daw. Naglalakad kami ngayon sa malawak ng hallway dito sa loob ng Academy at hindi kona alam kung saan ba talaga kami pupunta dahil kanina pa kami nag lalakad.


Ang sabi ay hiwalay ang dorm ng lalaki sa babae kaya sa kaliwang building kami pumasok, kung saan napaka daming pasikot-sikot sa loob. Maganda ang loob ng Academy dahil sa carpet na dadaanan mo sa bawat sulok nito. Maraming malalaking curtain ang nakasabit sa mga gilid ng hallway kung saan may daan papunta sa ibang direksyon. May mga paintings din at mga design ang dingding.


Lumiko kami sa kanan pagkatapos namin mang-galing sa kaliwa nitong sinusundan ko. Pag liko namin sa kanan ay may isa ulit malawak na hallway na tumambad saamin. Mayroong  mag kakatabing pintuan at bawat pintuan ay may nakalagay na Apelyedo sa harap. Siguro ito na ang mga dorm na sinasabi nila.


Pagkatapos noon ay huminto kami sa isang malaking pintuan sa pinaka dulo ng hallway kung saan wala nang ibang katabing pinto kundi iyon lang.


May nabasa akong nakalagay sa pinto na apelyedo.


Lancaster & Soulford

Room 367


Lumingon saakin ang taga silbi sabay yuko. "Ito na po ang iyong tutuluyan, Miss Soulford. Andito na po ang inyong gamit at isusunod ko nalang po ang iba. Mauna na po ako" sabi n'ya sabay bow ulit.


Oh? so paano na ako? andito kaya ang makakasama ko sa dorm? kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit! paano kung masungit yung kasama ko? o di kaya maldita?


Tumalikod na ang taga silbi at aalis na sana ito nang bigla ulit s'yang bumalik sa aking harap.


"Ah...Miss Soulford bago po kayo makapasok sa room n'yo ay sabihin n'yo po muna ang password. Ang password n'yo po ay surname n'yo at room number. Sabihin n'yo lang po ito at bubukas na po ang pinto. Wag po kayong mag-alala dahil may spell pong nilagay sa bawat room para boses n'yo lamang ang maaalala, kaya hindi madali mabuksan ng iba na makakaalam ng password n'yo. Yun lang po mauna na po ulit ako." paliwanag n'ya.


"Sige po." sagot ko at tinignan s'yang maglakad palayo.


Kailangan ko lang yung password. Surname lang Cass! at room No.


Huminga ako ng malalim at humarap sa pintuan.


"Soulford, 367"  sabi ko.


Namangha ulit ako nang may marinig akong click na tunog at unti unti na s'yang bumukas.


Pumasok ako sa loob at tumambad saakin ang malaking kwarto. Mayroong dalawang pinto. Isa sa kaliwa kung nasaan ang kusina at sala habang ang isa ay para ata sa kwarto. Pumasok ako sa pintuan sa kanan at tumambad nga saakin ang kwarto namay dalawang kama at dalawang study table. May pintuan sa kaliwa kung saan ang hula ko ay Bathroom.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora