Chapter 19

1.3K 88 1
                                    


Chapter 19: Hideout

Cassandra's POV

Huminto kami ni Belle sa gitna ng malawak na lupain. Tinignan ko ang pinanggalingan namin at nakita na napakalayo namin sa huling building ng Academy. Napakalawak nga talaga ng Incantation Academy.


Humarap ako kay Belle na tumitingin sa paligid namin. Ilang kilometro din ang nilakad naming dalawa. Sa paglalakad ay inisip ko ang mga desisyon ko sa buhay na sa tingin ko ay kailangan ko ng iwasan.


Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nahuli ako ng Jake na yun na sinasabihan s'ya ng kung ano-ano. Nakakahiya din iyon dahil hindi maganda na gawin iyon sa isang tao.


"Nasaan na tayo, Belle?" tanong ko.


Sumilay ang isang ngiti sa labi ni Belle. Pinagkunutan ko s'ya ng noo ngunit lalo lamang s'yang tumawa.


"Nandito na tayo" sabi n'ya.


"Anong nan-Ahh!!"


Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang biglang mawala ang inaapakan kong lupa dahilan para malaglag kami ni Belle sa butas. Sigaw ako ng sigaw habang rinig ko naman ang mga mahinang tawa ni Belle.


"I'm sorry, Cassandra!" sigaw n'ya.


Nakapikit ako habang hinihintay ang pagbagsak ko. Hindi ko alam kung gaano kataas ang binagsak namin pero isa lang ang alam ko! bumagsak kami sa isang malambot na kutson.


Iniinda ko pa ang sakit ng pwet ko habang si Belle ay nag papagpag at nakatingin saakin. Tumayo ako at nagpagpag din ng aking suot bago pumunta sa pwesto ni Belle.


"Why didn't you tell me that we're gonna fall?" sabi ko sa nagtatampo na boses.


Pinakiramdaman ko ang aking dibdib at naramdaman na sobra parin ang bilis ng tibok non. Huminga ako ng malalim bago pinag krusan ng braso si Belle at natatawang tinignan.


"I'm sorry HAHAHAHA. Pakiiba na ang kulay ng mata, please. Nakakatakot tignan!" sabi n'ya habang natatawa na din.


Bumuntong hininga ako bago bigong tumawa. "I can't"


Mukhang nabasa naman ni Belle at naintindihan ang guso kong sabihin kaya medyo nag panic s'ya. "Yeah, I forgot"


"It's okay!" sabi ko agad ng mahimigan ang magkailang n'ya.


"Let's go"


Sumunod ako sa paglalakad kay Belle. Naglalakad kami ngayon sa isang madilim na tunnel. Nang makaabot na kami sa dulo ay doon ko nakita ang isang pinto na kulay Dark blue na may silver na lines.


"Are you ready?" sabi ni Belle habang hawak ang handle ng pinto.


Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon