Prologue

4.7K 184 32
                                    


Prologue

"You need to protect your child!" sabi ng babae sa lalaking nakatitig sa kanyang anak habang natutulog.


"But I can't let her live alone, not in that World! you know that" matigas nitong turan.


Nagpalakad-lakad ang babae na animong 'di s'ya makapaniwala sa desisyon ng kanyang kausap. Kahit anong pilit n'yang gawin ang gusto niya ay walang nangyayari. Hindi talaga s'ya nakikinig!


Tumayo ang lalaki at lumabas sa kwarto ng bata kaya sumunod sakanya ang babae papunta sa kusina kung saan kumuha ng inumin ang lalaki at matalim s'yang tinignan.


"Its the best way to protect her from this World! Alam mo iyon! Nanganganib ang buhay nya hanggat nandito sya!" sigaw ulit ng babae sa lalaking parang walang naririnig.


Nakatingin lamang s'ya sa kawalan na tila nagiisip ng malalim. Hindi alam kung tama ba ang gagawing desisyon. Iniisip kung susundin ba ang sinasabi ng kasama o susundin ang kanyang kagustuhan.


Alam n'ya na ang desisyon nya ay maaring ikapahamak ng kanyang anak, alam n'ya na tama ang sinasabi ng kausap pero nahihirapan syang sundin ito.


"Hindi ko kaya! I can't let her go! Walang magbabantay sakanya doon!"


"Meron! You have your parents! We can trust them! Just please.... Kailangan n'yo ng umalis" halos nagmamakaawa na ang boses ng babae para lang mamulat ang lalaki sa kanyang desisyon.


"Listen to her." ani ng bagong boses.


Napatingin sila sa dalawang lalaking kakapasok lamang sa kusina. Hindi na sila nagulat sa presensya ng dalawa. Ang isang lalaki ay kumuha din ng baso at nagsalin ng tubig bago uminom habang ang isa ay nakatayo lamang sa gilid.


"May nalaman kami".


Tumingin sakanya ang tatlo at naghihintay sa kung ano ang sasabihin nito.


"Nagbabalak ulit silang sumugod dito. Hindi natin alam kung kailan pero baka bukas o sa makalawa."


"Saan mo nakuha yan?" tanong ng babae.


"Nag espiya kami sa kanila" sagot ng lalaking nainom ng tubig.


Kita ang pagkagulat at pagkalito sa mukha ng lalaki dahil sa narinig. Alam n'yang sa ayaw at gusto ay kailangang malayo ng kanyang anak sa kanya para protektahan sa paparating na laban. Hindi n'ya kayang isugal ang buhay ng kaniyang anak dahil hindi n'ya na kakayaning maulit ang nangyari sa Ina ng kanyang anak.


"You have to go now! Just go" sabi ng lalaki habang nakatingin sa litong litong lalaki.


"What about your son?" tanong nito.


Nilapag ng lalaki ang baso bago ito humarap sa mga kaibigan.


"Don't worry, I know him...He'll understand" sabi nito.


Bumuntong hininga ang lalaki dahil alam n'yang wala na syang magagawa. Tumayo ito at humarap sa mga kaibigan.


"Tomorrow, we'll leave" sagot nito.


Nagsitanguan ang mga kaibigan nya bago sya binigyan ng malungkot na ngiti.


"Use this."


Agad na sinalo ng lalaki ang vial na ibinato ng lalaki sakanya. May laman itong kulay silver na liquid na medyo nausok pa. Tinignan nya ang lalaking nagbigay sakanya nito bago tumango.


"I know its hard but this is the only way" sabi nito sabay tapik sa balikat ng lalaki bago umalis. Naiwan ang tatlo doon na nagiwan lamang ng isang buntong hininga bago umalis.


Tumango tango ang lalaki ngunit bakas na ang lungkot sakanyang mukha.


"This is the only way to protect the child that holds the power that can defeat the darkness"


"She will soon bring back the peace and light to this world"


"She'll return to end the war and to start the New Era"


"Because she's.."


"The Princess of the Moon"

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now