Chapter 20

1.2K 84 0
                                    


Chapter 20: Eastern side

Cassandra's POV.

Lahat ng tao sa Hideout ay naalerto sa isang iglap. Lahat ay nagmamadali sa pagkilos palabas. Nakita ko ang mga takot at gulat sa mga mukha nila pero hindi iyon pinapahalata dahil alam nila na ito ang tungkulin nila bilang member ng Organization.


Si Belle ay biglang naging abala sa pag uutos sa mga member sa kung ano ang gagawin. Nakalabas na din ang kaniyang wand at handa na sa kung ano ang mangyayari. Nakasunod sakaniya ang ibang mga member.


Tumatakbo na kami ngayon papunta sa lugar kung saan nagmula ang signal na nagpa alrm sa Hideout. Kasama namin ang mga naka asign na member ng IAO.  Hinayaan akong sumama ni Belle dahil sa aking pagpupumilit kanina.


Hindi dapat s'ya papayag ngunit nag pumilit ako. Sabi n'ya ay baka delikado ang nandoon kaya hindi dapat muna ako pwedeng sumama pero sinabi ko na ito ang ituturing kong unang ambag as member ng IAO.


"Where are we going?" tanong ko kay Belle na kasama ko sa pag takbo.


"Sa Eastern side ng Academy, Cassandra" sagot n'ya.


Eastern side? 


Naalala ko bigla ang announcement ni Miss Clever saamin noong assembly. Eastern side is prohibited to all students now kasama na ang curfew na bawal lumabas pagsapit ng 6 pm. Nag kataon lang kaya na doon din ang naisipan daanan ng mga pumasok sa Academy?


"Doon ang pinagbabawal ng puntahan ng mga studyante diba?" tanong ko kay Belle habang nag-iisip ng mga rason ng pag pasok ng kalaban doon.


"Yes. Students is not allowed to go there anymore. We, IAO members on the other hand are allowed because it's part of our work. To guard and protect the Academy." seryosong sabi ni Belle.


Pero ngayon ngayon lamang ay may nakapasok na kalaban. Ang ibig sabihin lamang nito ay kailangan namin higpitan ang pagbabantay at maging mas maingat sa mga posibleng mangyari.


Bumagal ang takbo namin ng malapit na kami sa mapunong bahagi ng Academy. Ang Eastern side. Gubat at sobrang dilim kapag gabi.


Napatakip ako sa aking bibig nang makitang nakahandusay ang tatlong member sa lupa. Unti- unti akong lumapit sa isang bangkay na lalaki. Nakadapa ito ngunit ang kamay ay nakatihaya kung saan nakita ko ang simbolo ng IAO.


Member sila ng IAO. Sila ang mga bantay sa araw na ito. Pero wala silang nagawa sa kalaban. Nakaramdam ako ng takot sa naisip.


"Tsk. Sila ang mga taga siyasat ngayon, Cass!" sabi ni Belle na may halong pag-aalala at takot.


Tinignan kolang s'ya nang wala akongmasagot. Agad naman s'yang bumaling sa ibang member.


"Anong ginagawa ng mga killers? bakit 'di nila nakita?" rinig kong tanong n'ya sa isang member na mababakasan ng takot sa paraan ng pagsasalita ni Belle.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now