Chapter 21

1.2K 74 4
                                    


Chapter 21:Quins.

Cassandra's POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nang maganap ang atake na iyon. Labis na nagluksa ang mga members ng IAO dahil sa pagkamatay ng tatlong miyembro nito. Miss Clever did something about that, I guess. Kaya hindi gaano kumalat ang issue sa buong school.


Dahil na din sa letter na nakuha at nabasa namin ay mas lalo lamang naalerto ang buong IAO dahil sa nangyari. Nagkaroon ng meeting at mas lalong hinigpitan ang pagbabantay sa school.


A.....


Naisip ko ang letra na nakasulat sa papel. Galing ang sulat kay A. Paulit-ulit na bumabalik saaking isipan ang mga nakalagay sa papel. Isa iyong babala. Babala para sakin?


'Soon, they will know about her and if that day comes, I know they will do everything to get her. So do everything to protect her and keep her away from them.'

A.


Pagkatapos kong mabasa iyon ay nakakabinging katahimikan ang namayani sa office ni Jake. Kinuha ni Miss Leona ang papel sa kamay ko at sinunog ito gamit ang kaniyang kamay.


"Hoy Cassandra!" Napabalikwas ako nang marinig si Kate sa aking harapan. Hindi ko naramdaman na kanina pa pala ako tulala sa aking upuan. Tapos na pala ang klase namin kay Miss Milestone at nag alisan na ang mga kaklase namin.


"Asaan si Belle?" tanong ko nang mapansin na sila Kate lang ang naghihintay saakin.


"Nauna na. May pupuntahan pa daw s'ya, eh. Tara! sabay na tayo pumunta ng cafeteria" tinapik n'ya ang braso ko at nginuso ang daan papuntang cafeteria.


Tumayo na ako at sumunod kila Kate.


Habang naglalakad ay inalala ko ang mga nangyari these past few days. Madalas umaalis si Belle ng hindi ako kasama. Alam kong may mali pero hinahayaan ko lang s'ya dahil ramdam ko na may iba s'yang ginagawa. Marami na din ang gusto akong maging kaibigan at marami na din akong nakakasalamuha maliban kila Kate.


Naalala ko din ang paglampas saakin ni Jake sa tuwing magkakasalubong kaming dalawa sa daan. Sila Blizz at Liro naman ay humihinto pa para kausapin ako which made me feel a little bit shy and happy.


Kapag hindi kasama ni Jake ang dalawa ay para lang kaming hangin na dinadaanan ang isa't-isa. Ayos na iyon saakin dahil hindi ko matitiis kung gawin n'ya ulit saakin ang ginawa n'ya sa office n'ya.


Sa nagdaan na araw ay nakabisado ko na ang schedules ng klase ko at ang mga pasikot-sikot sa academy. Malaki nga ito kaya hindi ko rin maiwasan na maligaw paminsan-minsan. Buti nalang at lagi kong kasama si Belle kapag naliligaw ako. Hindi ko na kasi s'ya nakakasama lagi dahil sa may inaasikaso s'ya.


Umupo na ako sa nahanap namin na pwesto dito sa cafeteria at nag volunteer si kate na s'ya na ang kukuha ng pagkain para sa amin. Busy si Jen at Mika na mag-usap kaya kinuha ko nalang ang news paper na nasa ilalim ng table at binasa iyon.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now