Chapter 49

954 55 3
                                    


Chapter 49 : Feelings

Cassandra's POV

"I know that"


Nagising ako dahil sa mga boses na nag-uusap.  Hindi ko kilala kung kaninong boses iyon nanggagaling pero parang narinig ko na iyon dati sa kung saan.


Gising na ako pero hindi ko pa rin iminumulat ang aking mga mata. Ewan ko ba pero may nagtutulak saakin para hintayin muna ang sasabihin nila bago ako tuluyang bumangon.


"I think, we should let her rest first. Madaming nangyari at alam ko na ang malalaman n'ya ngayon ay sobra n'yang iisipin." Narinig ko ang boses ni Ms. Clever.


Siguro ay kausap n'ya sila Mr. Petergreen? Or Mr. Malfori?


Pero sino iyong lalaking boses na narinig ko kanina? Sigurado akong hindi si Jake iyon.


"Naiintindihan ko, Samantha. Ayoko din naman na mabigla s'ya sa lahat" rinig kong sabi nang pamilyar na boses.


"Should we celebrate?" narinig kong sabi ni Mr. Malfori.


"Dad!"


"Francisco!"


"HAHAHAHAHA LOKO KA!"


"Siraulo ka ba, Francisco?"


Nakarinig ako ng maraming reaksyon dahil sa sinabi ni Mr. Malfori. Sunod-sunod ko din narinig ang tawanan nila at ang tunog ng pintuan.


"Any report?" si Jake.


Natahimik naman ang lahat dahil doon. Hindi pa rin ako gumagalaw at nagpapahalatang gising na kahit na nahihirapan na ako sa pwesto ko ngayon.


"Master Jake, Ms. Clever! Hindi kayo maniniwala sa nakita namin sa Academy!" rinig kong sabi ng hingal na boses na sa tingin ko ay kasama namin sa hideout.


"What is it?" si Ms. Clever.


"We saw him! We saw him entering the Academy with his army!" Mababakas ang takot sa boses n'ya.


"You saw who!? Just say it!" si Jake.


"It's King Spade Roosevelt of Quin"


"What!?"


"I knew it!"


Kahit ako ay nagulat dahil sa balita na iyon. Kumpirmado na...


Buhay si Spade Roosevelt at s'ya ang may pakana kung bakit kami nandito ngayon. S'ya ang nag plano ng lahat.


"Thank you. Let's talk about it later. We'll have a meeting after fixing everything here" si Ms. Clever.


Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now