Chapter 10

1.6K 103 23
                                    


Chapter 10 : Dream

Cassandra's POV.

We're here at our second subject, History. Ang nagtuturo saamin ay si Mr. Lester Forest. Medyo bata pa siya at sa pagkakasabi ni Belle kanina ay medyo baguhan. Hindi ko maitatanggi na may itsura s'ya kaya naman ang mga kaklase ko ay tutok sa pakikinig sakaniya. Ganon din ako kaya naman naglabas ako ng notebook para mag take down notes.


"So, class. We all know that our Academy has a very tragic and painful past. The war between Quins and Incants because of greed. Kung natatandaan n'yo ang lesson natin tungkol sa digmaan 17 years ago. Spade Roosevelt, King of Quins attacked Incants causing the death of 1,570 Incants and 2,200 Quins."


Nanindig ang balahibo ko pagkatapos marinig ang sinabi ni Mr. Forest. Nagkaroon ng digmaan dati? Hindi ko alam ang tungkol dito kaya mas lalo akong ginanahan na makinig sa sinasabi n'ya. It's interesting..


"Some people said that Spade Roosevelt died in the war but some people said that he's alive. No one saw him after the war so people assumes that he's really dead. Our Academy and Heads are doing their best to know the truth pero kailangan parin natin maghanda at mag ingat." Paliwanag n'ya.


Nakakamangha malaman ang ganito. I feel like unti-unti kong nakikilala ang Academy at Goblin sa mga sinasabi ni Mr. Forest. Siguro ay naging mahirap sa Academy ang bumangon pagkatapos ng digmaan. Nakakatakot din pala na hindi pa kumpirmado na patay na ang Hari nila.


17 years ago..


Nangyari ang digmaan 17 years ago. Taon kung kailan ako pinanganak! I didn't know the month or exact date but it's my year! Hindi ko alam kung mamamangha ba ako o magtatanong sa sarili. Ano kayang nangyari sa magulang ko nung taon na iyon? Alam ko na ang sagot. They run away and chose to leave this world.


"After that war, Quins attacked Incants again for the second time. Incants are aware of what Quins are planning to do so they manage to evacuate many Incants. Only the Big four fought for the sake of Goblin and the Academy"


What? Quins attacked Incants twice?


Mas lalo akong na curious sa past ng Academy kaya magbabasa ako sa library tungkol doon. Gusto kong malaman ang bawat detalye ng mga bagay na naganap sa Academy sa panahon na iyon at bakit kailangang atakihin ng Quins ang Incants o Goblin ng dalawang beses? Para saan?


"Don't let your curiosity drive you to the wrong path and make wrong desicions that you will regret"


Naalala ko ang salitang sinabi saakin ni Miss Clever.


Wala naman sigurong masama kung magbabasa ako diba? Kakailanganin ko din iyon sa lesson ko sa History. Siguro naman ay walang mali sa gagawin ko.


"You may now go" si Mr. Lester.


Nagligpit ako ng gamit ko at tumayo na. Pagtayo ko ay nakasalubong ko ang mata ni Mr. Lester. Nabigla man ay nagawa ko parin ngumiti. Tinignan n'ya lamang ako ng deretso na animong may gusto s'yang sabihin.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now