Chapter 39

926 52 7
                                    


Chapter 39: Protectors

Isabelle's POV

"I told you, Isabelle! Delikado ang lagay n'ya ngayon dahil sa Quins. Tapos nagawa mo pa s'ya ilabas nang gabi pa talaga at wala kami?"


Patuloy ang pag sermon saakin ni Liro dito sa kwarto naming girls. Kaming apat lang nila Trisha at Blizz ang nandito. Hindi ko nga alam kung nasaan ang dalawa pero mabuti nalang at wala si Cassandra dahil maririnig n'ya ang usapan namin.


Napabuntong hininga naman ako dahil sa pagkadismaya sa sarili. Hindi ako nag-aangat ng tingin dahil alam ko na galit sila. Oo, galit talaga sila at sinabi lang nila iyon kanina dahil ayaw nila makahalata si Cassandra.


"I'm sorry, Liro. Mali ang ginawa ko kaya I'm sorry. And I promise! I will never do such thing again without any of you knowing"


Nagpupuyos pa rin sa galit si Liro sa kabila ng sinabi ko. Inaawat s'ya ni Blizz na hindi din alam ang sasabihin habang si Trisha naman ay hindi din makakibo.


Bumaling si Liro kay Trisha. "Ikaw din, Trisha. Hinayaan mo silang dalawa na lumabas! Hindi mo man lang naisip kung anong peligro ang naghihintay sa labas. Alam mo namang may nangyaring laban bago mo kami sunduin, 'diba?"


Sa totoo lang ay naninibago kami sa kinikilos ni Liro ngayon. Hindi s'ya madaling magalit. Ngayon ko lamang s'ya nagalit nang ganito.


Hindi ko tuloy alam kung paano s'ya mapapahinahon dahil ayaw n'ya kami pakinggan.


"I know that I'm at fault too, Liro. Pero hindi ko naman alam na hindi lang s'ya basta normal na Incant. Wala naman nag-sabi saakin na hindi s'ya pwede ilabas at hindi muna s'ya dapat masyadong makita ng iba," Huminahon si Trisha nang madala sa sinasabi.


"Huwag ka naman sana magalit ng sobra, Liro. I'm sorry talaga"


Ngayong inisip ko ang nangyari kagabi ay hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. I'm her protector yet I risked her life that way. Paano kung may nag-aabang pala saamin sa labas?


Nagsisimula na nila kami habulin at nakakahalata na sila. Alam ko na may alam na sila kaya kailangan namin mag doble ingat. Pero ang ginawa ko ay isa talagang maling hakbang na maituturing.


So dumb move, Isabelle!


"We are her protector, Belle. We vow to protect her at all cost," si Liro bago galit na tumingin saakin.


"Pero imbis na maprotektahan s'ya ay lalo n'yo s'ya nilalapit sa panganib."


That's true....


I, Blizz, Liro and Master Jake are Cassandra's protectors. Since the first day she arrived at the Academy.


She is very important to us Incants because she can save us in the future. Sakaniya nakasalalay, sa kapangyarihan na hawak n'ya ang future ng Magic World at ng Academy.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now