Chapter 30

1.1K 70 3
                                    


Chapter 30 : Suspicious

Cassandra's POV.

"Stop"


Nabalik ako saaking sarili matapos marinig ang kaniyang boses. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako naka titig sakaniya habang karga ako. Buti nalang talaga at wala na gaanong students ang nasa labas!


Nag iwas ako nang paningin dahil nakaramdam ako ng hiya. Hindi ko kasi maiwasang isipin na niligtas n'ya ako kay Fiona. Sa training nga namin ay parang ok lang na mamatay ako pero ngayon na medyo nahihilo lang ako at masakit ang katawan ay iniligtas n'ya na ako.


Hindi ko tuloy ulit maiwasan na sulyapan s'ya. Ngayon ko lang s'ya nakita nang ganto kalapit. Parang may naalala ako sa mukha n'ya, hindi ko alam kung sino pero parang may kahawig s'ya?


"I said, we're here."


Naudlot ang pag-iisip ko nang marinig iyon.


Nandito na pala kami sa clinic. Binaba n'ya ako sa may kama at agad naman akong nilapitan ng healer.


"Are you okay?" seryoso ngunit malalim n'yang sabi habang naka pamulsa.


Nagugulat ko s'yang tinignan sa kinatatayuan n'ya. Tinignan ko s'ya at nakatitig lang s'ya saakin at hinihintay ang sagot ko.


Tumango nalang ako bilang sagot dahil hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.


"Good" he said looking at me directly.


Mag t-thank you kaya ako? ih, kasi diba dinala n'ya ako dito? Pero hindi ko naman sinabing dalhin n'ya ako dito! Pero need ko madala dito! Hays.


"Uhm.."


Hindi ko maituloy ang sinasabi ko dahil sa kaba. I couldn't even look at him straight in the eye!


"T-thank you for bringing me here" I stuttered. Damn..


Tinignan n'ya lamang ako bago tumango. Hinihintay ko ang kaniyang sasabihin ngunit na laglag lang ang panga ko matapos s'yang tumango at mag-lakad paalis nang naka kuyom ang kamay.


What the f-

-

Jake's POV

Mabilis ang lakad ko habang nakakuyom ang kaliwang kamay at pinaglalaruan ang apoy sa kanan.


Niluwagan ko ang suot kong necktie at binuksan ang dalawang button ng polo. Patuloy ang lakad ko patungo sa western side ng academy.


Nakita ko s'ya na naka tayo sa may puno. Diretso ang tingin n'ya saakin. Hindi s'ya mapakali pero pinipilit n'yang panailihin ang katarayan.


Tss.


"Anong pag-uusa-"

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now