Chapter 14

1.5K 83 32
                                    


Chapter 14: Assembly.

Cassandra's POV

"Kunin n'yo s'ya!" sigaw ng boses lalaki.


Tumakbo nang tumakbo ang babaeng may dala na sanggol para takasan ang mga humahabol sa kanila.


Tumakbo din ako papunta sa kanila para makita ang mga nangyayari.


Kakatakbo ay napapad s'ya sa isang kwartong sira-sira na at sa dulo nito ay wala ng tatakbuhan dahil malalaglag kana pag tumuloy kapa.


Tumingin sa paligid ang babae kung may pwedeng pagtaguan pero wala s'yang mahanap.


Nagsimulang umiyak ang sanggol na hawak-hawak n'ya, habang s'ya ay natataranta at hindi alam ang gagawin. Gumawa s'ya ng shield para sa kaniyang anak na nilagay n'ya sa isang gilid at tumayo s'ya para harapin ang lalaking nag-utos na kunin ang bata.


Umalis ako sa pinagtataguan ko at lumipat sa isang malaking bato. Sa kinaroroonan ko ay kitang kita ko ang nangyayari.


Kinakabahan ako. Ang bilis ng takbo ng puso ko at ang higpit ng hawak ko sa bato. Ramdam ko ang takot ng mag-ina na pinapanood ko. Natatakot  ako sa kahihinatnan ng mag inang ito.


"Matapang ka talaga Helena!" sabi nung lalaki.


"Kung gusto mong mabuhay ay ibigay mona saakin ang iyong anak!" sigaw nito.


"Hinding hindi mo makukuha saakin ang anak ko! magkakamatayan muna tayo bago mo s'ya makuha!" sabi ng babae sa galit na boses.


"Bravery. Dya'n kayo magaling, eh. Ang mag tapang-tapangan. Look at your surroundings! Many of you are already dead. Gusto mo ba'ng madagdagan pa?" sabi nung lalaki sabay sumugod sa babae.


Naglaban sila at napuruhan ng lalaki ang babae na ang pagkakatanda ko ay Helena ang pangalan. Nasugatan ito sa tagiliran kaya napunit ang kanyang damit at umagos ang dugo mula roon.


Susugurin na nang lalaki ang babae ng pigilan s'ya ng isa pang lalaki na may dalang espada at maraming nakasabit sa baywang n'ya na mga potions and vials.


"Tumakbo na kayo Helena. Ilayo mo ang sanggol dito!" sigaw nito.


Pero dahil sa pagkabigla ay hindi agad nakagalaw si Helena sa kinaroroonan n'ya. nang ma realized n'ya ang nangyari ay dali-dali s'yang pumunta sa kinalalagyan ng kanyang anak at kinuha ito. Pagkatapos n'yang kunin ang anak n'ya ay bumaling s'ya sa lalaking na ngayo'y kinakalaban na ang lalaking dumating.


"Salamat Luis"


Pagkatapos ay nagulat ako ng tumakbo s'ya sa dulo at tumalon.


Sinundan ko sila at tumalon din ako dahil ang akala ko ay mababa lang ito ngunit mali ako dahil kami ngayon ay nasa tuktok ng isang tore. Tinignan ko ang toreng iyon at naalala na ang toreng iyon ay isa sa tore ng Incantation Academy.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now