Chapter 25

1.2K 75 13
                                    


Chapter 25: Awake

Isabelle's POV.

Isang linggo nanaman ang lumipas at hindi pa rin nagigising si Cassandra. Nag-aalala na ako sa kung ano ang nangyayari sakaniya. Halos hindi na din ako umuuwi ng dorm para mas bantayan s'ya.


Sinabi naman ng healer na magigising pa s'ya. Hindi lang namin alam kung kailan. Kahit ano kasing galaw o sign ay walang ipinapakita si Cassandra saamin. Halos bisitahin na din s'ya ni Miss Clever para s'ya na mismo ang tumingin sa kalagayan n'ya.


Hindi na din naman nagpakita si Blizz saakin kaya mas naging payapa ang mga araw ko sa kwarto ni Cassandra.


Ngayon ay nasa History class ako ni Mr. Forest. Ang tinuturo n'ya ngayon ay ang tungkol sa Family, Group at Type. Kahit alam na alam ko na ang tungkol doon ay tutok parin ako sa pakikinig sa tinuturo n'ya saamin.


"Nabubuhay ang mga tao dito sa magic world because of the power Gods gives us. Lalo na ang Incants na kumukuha ng lakas sa Buwan. The triple symbol is a powerful goddess symbol, often used for a goddess who has triple aspects, especially lunar goddesses such as Hecate, Artemis, and Diana. It is to represent the three phases of the goddess as the Maiden, Mother, and Crone. Doon nanggaling ang Tatlong Family and Group."


"Alam n'yo ba ang history ng tatlong magkakaibigan na Sorcerer, Witch at Wizard? Sila ang tumuklas ng lahat ng mayroon tayo. They decided na magkaroon ng iba't-ibang pagkakakilanlan ang bawat isa. Sila ang nag sort ng lahat dahilan para magkaroon ng Family, Group and Type ang lahat."


Tutok ang aming atensyon sa kanya dahil ang lesson na ito ay hindi nakakasawang pakinggan. Ang tatlong mag-kakaibigan na iyon ang nag decide na ilagay sa ang triple moon symbol sa as a Group name for Sorcerer Family.


Umupo si Mr. Forest sa lamesa at tinignan kaming lahat. 


"First is Witch Family kung saan nabibilang ang mga Healers and bihasa sa paggawa ng potions. Sila ang walang Group and type sa tatlong Family."


Tama! Ang Witch Family lang ang walang type sa mga Families. Jennifer is one of them. Magaling s'ya gumawa ng potions pero sinasanay n'ya pa ang sarili n'ya sa pagiging healer.


"Ang Wizard Family naman ay ang family na gumagamit ng wand. They don't have groups. Ang family nila ay may dalawang types. First is Mechanical type. They can summon weapons and things using their wands. Second is the Poisonous type where Wizard can cast unique poisonous spells."


Ang Wizard type kung saan ako nabibilang. Nang mapasaakin ang wand ko ay hindi ko pa alam ang aking type ngunit nang hindi katagalan ay nalaman ko na kaya ko palang makagawa ng mga bagay na makakatulong saakin. Pwede din akong makagawa ng bagay para gamitin sa laban.


"Last is Sorcerer Family. Kinabibilangan ng mga matatas na tao dito sa academy. Ang family kung saan pwedeng hindi lang isa ang type mo. Ang Sorcerer family ay binubuo ng tatlong pangunahing group na hango sa triple moon symbol na nakapangalan sa goddesses." paliwanag ni Mr. Forest habang nakatingin saaming lahat na tila tinitignan n'ya kami upang masabi ang magagandang bagay na gusto n'yang maalala namin.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now