Chapter 40

1K 53 0
                                    

Chapter 40: Wolves.

Isabelle's POV

"Hoy, Blizz! Napakabagal mo naman. Bababa na kami para kumain!"


I knocked on the door a few more time to tell Blizz to hurry up. He's taking too long to get ready! I heard him shout that he's not yet done putting on clothes.


"Let's go"


Sa wakas ay tapos na s'ya mag bihis! Dumiretso na kami para mag-lakad. Nauna na sila Master Jake sa baba dahil kanina pa s'ya naiinip kakahintay kay Blizz.


"Bakit ba ang tagal mo? Really, gaano ka katagal gumalaw?" pang-aaway ko kay Blizz na tinawanan lang ako.


Pumunta na kami sa elevator at pinindo ang ground floor. Habang naghihintay kami sa pagbaba ng elevator ay 'di ko maiwasang mag tanong kay Blizz.


"Blizz, alam mo ba kung saan tayo pupunta?" tanong ko na ikinatango n'ya.


"We are going to Rudolf" sagot n'ya.


Nakatanggap s'ya ng hampas saakin kaya natatawa n'ya akong tinignan.


"Why?" he asked while laughing. I glared at him because of his stupid answer.


"I know we're going to Rudolf, stupid! What I'm asking is where exactly?"


Umiling naman s'ya para sabihing hindi n'ya rin alam ang sagot.


Kagabi kasi ay napaisip ako kung saan kami pupunta. Ang alam ko kasi ay may nabasa na ako dati sa Academy tungkol sa Rudolf (Drolfs). Sa pagkakatanda ko ay ang mga Drolfs ay walang specific na kinukuhanan ng lakas 'di katulad naming mga Incants, Quins, Skats, at Han. Hindi rin basta-basta nababanggit ang Rudolf sa discussion sa Academy.


Mayroon kayang kakaiba doon? Monsters? Ano pa kaya ang kaya nilang gawin? Ang alam ko ay mga mandirigma sila pero never akong nakakita ng mismong itsura ng mga nakatira doon. Hindi din naman kasi madalas pinupuntahan 'yun, eh. Kaya din siguro doon nagawang gawin 'yung illegal portal papunta sa Golden City.


"Isabelle?"


Nabalik ako sa wisyo nang makita ang nakabukas na elevator at si Blizz na nasa labas na at hinihintay ako.


Kanina n'ya pa ako tinatawag pero dahil sa iniisip ko ay hindi ko napansin. Dumiretso kami sa table kung nasaan sila Cassandra na nagsisimula na kumain.


Si Cassandra ay tahimik na kumakain habang sila Trisha at Liro naman ay nag-aasaran. Halata naman na kung sino ang napipikon base sa mukha ni Liro ngayon na namumula na sa inis. Si Master Jake naman ay may binabasa na kung ano sa isang tabi.


"Kumain na kayo" anyaya ni Cassandra at binigyan kami ni Blizz ng mga pagkain.


"We'll leave after eating. Pack your things up. We have a long ride" si Master Jake habang nagbabasa pa rin.


Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now