EPILOGUE III

605 17 2
                                    

Cassandra's POV

Ramdam ko ang tulis ng kutsilyong nakadiin sa aking leeg. Ang dibdib ko ay walang humpay sa pagtaas-baba dahil sa takot at kaba na nararamdaman.


Pumikit ako para kumuha ng lakas ng loob. Nakita ko ang galit na si Jake na humakbang ng isang beses.


"Oh, Mr. Malfori!" sigaw na bati ng nasa aking likudan.


"Which one?" sigaw ni Mr. Francisco na agad na sinuway ni Ms. Clever.


Narinig ko ang mahinang tawa ng nasa aking likudan.


"Francisco! I'm glad, you're still alive! The last time I saw you is when I killed Natasha, right?"


Nagulat ako nang sabihin n'ya iyon sa harao nila Jake. Ngayong natatandaan ko na ang lahat ay tanda ko na din ang iyak ni Jake tuwing gabi dahil sa kaniyang Ina. Ngayong nabanggit iyon ulit ay dadagdag lang iyon sa galit n'ya.


"Don't you dare say my wife's name again!" si Tito Francisco na ngayon ay galit na.


"Oh really? You think I'm scared? Huh!? I killed Natasha with my own hands and you're next, Francisco!"


"I will kill you first!"


Akmang susugod na si Tito Francisco nang pigilan s'ya ni Ms. Clever dahil bigla kaming umatras ni Spade at mas lalo n'yang diniinan ang pgkakatutok ng kutsilyo sa aking leeg.


Ramdam ko ang dugong tumulo saaking leeg at kita ko sa reaksyon ni Jake na 'di na s'ya mapipigilan pa.


Bumuo ako ng isang patalim sa aking kamay gamit ang yelo bago siniko si Spade at tinusok ang yelo na iyon sa kaniyang balikat na agad n'yang nasalo.


Umiling s'ya sa sakit at naluwagan ang pagkakahawak n'ya sa akin kaya mabilis akong tumakbo.


Nakita kong naging alerto sila Kake at saka sila gumalaw para kalabanin ang kani-kanilang kalaban.


Tumakbo ako papunta kay Jake ngunit biglang may humawak sa kaniyang braso dahilan na kumalat ang kulay itim doon. Namilit agad s'ya sa sakit at sinimulang kalabanin ang Quins.


"Saan ka pupunta!?"


Nagulat ako nang may humawak sa aking buhok at ihagis ako sa pader. Napailing ako nang maramdaman ang pagkabali ng ilan kong buto.


Hirap kong binuksan ang aking mata para makita kung sino ang may gawa no'n.


Narinig ko ang pagbagsak ng kung ano sa kabilang dingding at ang putukan ng mga apoy at batong tumatama sa pader.


Minulat ko ang aking mata at nakita kong kinakalaban na ni Dad si Spade na ngayo'y nakasandal na sa pader. Tinignan ko ang babaeng nagsalita saakin kanina at nag hagis saakin ngunit hindi ko na ito makita.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now