Chapter 2

2.4K 125 22
                                    


Chapter 2 : Sino ka?

Cassandra's POV.

Hindi ako nakatulog mag damag sa pag iisip sa sinabi ni ate kim. Tumingin ako sa orasan at napag alamang alasingko na ng madaling araw.


Bumangon ako at nag suot ng tsinelas pagkatapos punta na akong banyo para mag mumog.


Ang sakit ng ulo ko!


Tinignan ko naman ang mahimbing na natutulog na si Meigan.


Nalungkot kami parehas kagabi noong sinabi yun ni ate kim pero kahit malungkot s'ya alam kong masaya din sya kahit paano dahil makakasama nya na ulit ang kanyang mga magulang.


Napag usapan na namin ang tungkol dito kagabi.


Sinabi ko sa kanya na ok lang maiwan ako dito dahil pwede nya naman akong bisitahin kahit anong oras, atleast may kasama parin sila ate kim dito.


Noong una kinukumbinsi n'ya ko na sasabihin nya daw sa mommy at daddy nya na ampunin din ako pero nahihiya naman ako sakanila kaya sabi ko wag na. Patuloy n'ya akong kinulit pero hindi talaga ako pumayag hanggang sa nakatulugan nya na ang pag kumbinsi saakin.


Lumabas ako ng aming kwarto at dumiretso sa kusina para mag timpla ng kape dahil kaka ubos lang ng gatas. Hindi talaga ako nag kakape pwera nalang kapag wala na talagang pampagising.


Naabutan ko doon si ate kim na nag luluto ng magiging almusal namin.


Napalingon s'ya sa gawi ko bago nagpatuloy sa pagluluto. "Cassandra ang aga mo naman nagising" sabi n'ya habang nagtitimpla ako.


"Oo nga ate kim eh" medyo malungkot kong sabi.


Hinarap n'ya ako ng diretso at tinignan n'ya ako sa nakaka awang tingin.


"Alam mo Cass. alam ko na nalulungkot ka sa pag alis ng matalik mong kaibigan dito pero sabi ko naman sainyo diba magiging maganda ang buhay n'yo kapag may umampon sa inyong dalawa. si Meigan magulang 'nya na talaga yun kaya sigurado na ang magandang buhay n'ya." paliwanag ni ate kim na parang isa akong batang paslit na hindi nakakaintindi.


"Alam ko naman po yun ate kim. Hindi lang po talaga maiwasan na malungkot dahil mahihiwalay na si Meigan saakin, pero masaya din po ako sa kanya dahil makukumpleto na sila" sagot ko naman pabalik.


Nagpatuloy si ate Kim sa pagluluto hanggang sa magsalita s'ya bigla.


"Buti pa ang gawin mo Cass? Sulitin mo ang araw na kasama mo s'ya dahil bukas ng umaga ay aalis na s'ya dito." sabi ni ate kim na nakapag pa bigla saakin.


Aalis na sya bukas? Ang bilis naman! siguro hindi kona talaga sya mapipigilan sa kanyang pag alis dito sa ampunan. Nakakalungkot talaga na yung lagi mong kasangga sa loob ng siyam na taon ay mawawala ng isang araw sa iyo at malalayo.


Alam ko naman na pwede pa kaming magkita pero kailan naman?


Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara