Chapter 48

485 21 4
                                    


Chapter 48: Betrayal.

Cassandra's POV

Nilabas ko ang libro at ibibigay na sana sakaniya nang tumayo s'ya at naglakad palapit sa gilid ko at doon umupo. Hindi ko alam pero bigla akong natigilan at hindi alam ang gagawin.


Hindi naman ito ang unang beses na sobrang lapit namin sa isa't-isa. Ano ba ang nangyayari saakin!?


Tinignan n'ya ako nang diretso. Umangat ang kilay n'ya. "Book?" ulit n'ya.


Hindi ko alam pero bigla akong nag panic sa pagbibigay sakaniya ng libro kaya narinig ko ang mahina n'yang tawa.


"Kumain kana?" tanong n'ya habang tinitignan ang librong nasa kamay n'ya.


Inisip ko muna kung kumain na nga ba ako at naisip ko na pinakain nga pala ako ni Mrs. Jackson sa kwarto n'ya.


"Oo. Tapos na" sagot ko.


Sinimulan n'yang basahin ang bawat pahina ng libro. Titig na titig s'ya doon at tila napapa-isip na din dahil sa nalalaman. Habang nag babasa s'ya ay pinagmamasdan ko s'yang gawin iyon.


Hindi ko alam kung bakit ko s'ya tinititigan. Nararamdaman ko lang na parang gusto ko.


Napapikit ako dahil sa naisip at sinubukang alisin iyon. Nang dumilat ako ay nagulat ako nang makita na lumingon s'ya saakin at ngumiti na labas ang ngipin.


Ngumiti...si Jake...Labas ang ngipin...


Damn...


"Ang gwapo ko, noh?" mayabang n'yang sabi.


Natulala naman ako sa kawalan dahil sa kawalan ng sagot. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mayayabangan sakaniya dahil sa sinabi at ginawa n'ya ngayon.


Nawawala ang focus ko sa kung ano talaga ang ipinunta ko dito! Damn, Cassandra!


Kailangan n'yo basahin ang libro at humanap ng sagot! Remember everything Mrs. Jackson told you, Cassandra!


"Hindi naman" sabi ko at umasta na walang pakialam.


Focus...Kailangan mo mag focus, Cassandra.


Inangat ko ang kamay ko upang kuhanin sana ang libro sa kamay n'ya ngunit inilag n'ya ito.


Sinamaan ko s'ya ng tingin kasama ang kulay pula kong mga mata pero tinignan n'ya lamang ako nang naghahamon.


"What did you say?" Hindi pakapaniwala n'yang tanong.


"Ang sabi ko ay hindi ka naman gwapo!" singhal ko sakaniya.


Patuloy kong inagaw ang libro ngunit ayaw n'ya pa rin ibigay.


Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now