Chapter 23

1.2K 71 4
                                    


Chapter 23: Partners

Cassandra's POV.

Hingal na hingal ako pagka hinto sa harap ng pintuan ni Miss Clever, habang si Jake ay nakatingin lang saakin na parang wala s'yang pake.


Nagsisimula na akong mainis ng todo sakaniya. Bakit kasi ang bilis n'ya mag-lakad? Hindi n'ya pa ako hinintay kahit naka ilang tawag na ako sakaniya. Pinag-titinginan na ako ng mga studyante at baka isipin pa nila na hinahabol ko talaga s'ya!


Nakakainis!


Narinig ko ang pagkatok ni Jake kaya umayos na ako ng tayo, kahit hinihingal pa rin. Bumukas ang pinto at tumambad saamin si Miss Clever na may binabasang kung ano sa kanyang table.


Nag-angat s'ya ng tingin nang mapansin na nandito na kami. Umupo ako sa sofa na kaharap ng table ni Miss. Inayos ko ang suot kong uniform nang makita na gusot ito.


Nagulat ako nang bigla akong abutan ng tubig ni Jake bago umupo sa tabi ko. Tinaasan ko s'ya ng kilay dahil sa ginawa n'ya pero sinuklian n'ya lang ako ng isang ngiwi.


"Ang bagal kasi" he said, sapat lang para marinig ko.


Hinarap ko s'ya ng kaunti at palihim na sinamaan ng tingin. "Excuse me? may sinasabi ka?" sabi ko sakaniya.


Saglit n'ya lang ako sinulyapan at tinuon na kay Miss Clever ang atensyon n'ya. Nabaling ko na rin ang atensyon ko kay Miss Clever nang marinig ko ang tikhim n'ya.


Diretsong nakatingin saakin si Miss Clever na parang sinusuri ako. "Any update about the training? Miss Soulford?" seryosong sabi ni Miss.


Napalunok ako nang marinig ang tanong na 'yun...hindi pa naman ako handa.


Tumingin ako kay Jake na pinaniningkitan ako ng mata. Ano!? baka nakakalimutan mo na ikaw may kasalanan kung bakit ako nagsinungaling! hmp.


Anong sasabihin ko?


"Everything's fine, Miss. N-nalibot ko na po ang hideout at natandaan ang mga pasikot-sikot. M-maayos din naman po ang training." sabi ko habang pinipigilan ang aking hininga.


Nagbaba ako ng tingin nang hindi na makayanan ang sinasabi. Alam ko na iba na ang kulay ng mga mata ko ngayon. Iyon ang magiging ebidensya na nagsisinungaling ako. Nahihirapan akong mag focus para baguhin iyon dahil sobra ang kaba ko saaking kinau-upuan.


"It's good to know...Mind telling me about her skills, Jake? Ayos ba ang pagsasanay n'yo?" naramdaman ko ang pagtayo ni Miss Clever.


Pinagpapawisan na ako sa aking kinauupuan dahil sa nangyayari. Mahuhuli  na ba kami? Si Jake naman ang may kasalanan eh! s'ya ang nag sabing "busy" daw s'ya kaya si Isabelle nalang ang kasama ko.


Siniko-siko ko si Jake para mag salita. Nangunot ang noo n'ya na halatang ayaw n'ya sa ginagawa ko ngunit sinamaan ko s'ya ng tingin at alam kong nakita n'ya sa mata ko ang inis.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara