Chapter 26

1.2K 72 18
                                    


Chapter 26: Training

Cassandra's POV

"San!"


Napalingon ako sa batang lalaki na nakatayo saaking harapan. Naka-suot ito ng pambahay na damit at naka tsinelas.


Nilingon ko ang aking tingin sa direksyon kung saan n'ya tinawag ang pangalan na iyon at nakita ang isang batang babae na umiiyak at naka-upo sa hagdanan.


Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil malabo ito ngunit nararamdaman ko ang lungkot nito nang makita ang batang babae na umiiyak.


Dahan-dahan akong lumakad papalapit sa batang babaeng umiiyak. Nakatayo parin yung batang lalaki sa kung nasaan s'ya kanina.


"Hi?"


Sinubukan kong kausapin ang batang babae ngunit hindi s'ya kumibo. Tinignan ko ang batang lalaki nang makita na nag-simula na s'yang mag-lakad papunta sa batang babae.


Nang makita na dadaan s'ya malapit saakin ay na pa-ngiti ako. "Hello! Ak-"


Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla n'ya akong lagpasan. Nababa ko ang aking balikat at napabuntong-hininga na lamang.


Tinabihan n'ya ang batang babaeng umiiyak. Nag-lakad ako para lalong malapit sakanila. Pinanood ko kung paano punasan ng lalaki ang mukha ng batang babae.


"San?" tawag ng batang lalaki.


Nag-angat ng tingin ang umiiyak na batang babae na tinawag na San. Umiyak ito ulit nang makita ang batang lalaki sakaniyang harapan.


"Ton!" sabi ni San habang humahagulgol pa din sa kaiiyak.


Hinigit s'ya ni Ton palapit sakaniya at niyakap ito. "What happened?" tanong ni Ton.


Humihikbi si San habang yakap si Ton. "I-inaway ako ng mga bata, T-ton. A-ayaw nila akong maging kalaro!"  pagsusumbong ni San kay Ton.


Natawa ng bahagya si Ton dahilan para tignan s'ya ng naka-ngusong si San.


"Why are you laughing? you think it's funny? Huh!" inis na sabi ni San kay Ton.


Umiling-iling si Ton bago mag salita. "I'm not laughing! ang cute mo kasi umiyak, San. Hayaan mo na sila mag-laro, okay? Tayo nalang ang mag-laro." nakangiting sabi ni Ton kay San.


Ang cute nila pagmasdan. Hindi ko maiwasang mangiti dahil sakanila. Hindi ko man sila kilala ay ang saya nilang panoorin.


Napaatras ako nang biglang tumayo si Ton at ginulo ang buhok ni San. "Let's go. Kanina ka pa hinahanap ni Tito." sabi ni Ton.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon