Chapter 37

1K 52 3
                                    


Chapter 37: Darkness

Someone's POV

"Ano na ang plano n'yo ngayon, King?" tanong ni Axe, ang kanang kamay ni spade.


Binuksan ni Spade ang bote ng alak at nagsalin sa baso bago nag salita. "Stick to the main plan. Just wait for her" Sabay lagok ng alak sa baso.


Kahit na hindi pa buo ang kan'yang lakas ay sapilitan s'yang gumagawa ng mga hakbang para sa pagpapabagsak sa kalaban. 'Di alintana ang kawalan pa ng pwersa at lakas ay hindi talaga sila uurong dahil alam n'yang kaya n'yang lumaban...


"How is she?" tanong ni Spade sa kan'yang pinakamataas na kawal.


"She's fine, King Roosevelt. Nagpapahinga na s'ya sa kan'yang kuwarto" sagot ni Bob, ang kan'yang pinakamataas na kawal.


"Mabuti kung ganon. Tiyakin mong hindi s'ya tatakas o maghihinala, Bob." si Spade.


"Masusunod"


Biglang pumasok ang isa din sa kan'yang magaling na kawal na si West sa silid kung nasaan sila.


"Handa na ang laboratory, King Roosevelt" sabi n'ya.


Lumapit sila West sa hari at tinulungan nila ang kanilang hari para makatayo dahil hindi pa sapat ang lakas nito. Sa mahabang panahon n'yang nag-ipon ng lakas ay nararamdaman n'yang tuluyan na s'yang lalakas kapag sapit ng tamang araw.


Dahil sa estado n'ya ay nakaramdam nanaman tuloy si Spade ng galit dahil sa kan'yang sinapit sa kamay ng kan'yang mortal na kaaway.


"Hindi ko na maatim na ganto ako kahina! Magbabayad ang Incants sa ginawa nila sa bayan ko. Babangon ulit ang Quin at mamumuno sa limang bayan" sabi n'ya habang nagngangalit sa galit.


"Pag-sapit ng blue moon ay gagawin na natin ang plano."


Tsaka umalingawngaw ang tunog ng isang basong nabasag.


Cassandra's POV

"Putcha! Bakit 'di sila nauubos?" si Blizz habang patuloy pa rin na nakikipaglaban sa mga Quins.


Patuloy pa rin ang takbo ng sasakyan namin at kung may mamamatay o matatalo silang Quins ay bigla namang may dadagdag. Mukhang pinaghandaan nila ang pagsunod saamin. Alam nila na isa kaming Incants. 


Paano nila nalaman na aalis kami sa Academy?


Ang alam ko ay nananahimik ang mga Quins ngayon dahil wala silang lakas. Dahil patay na ang kanilang pinuno at 'di pa sila nakakahanap ng papalit dito. Sila ay humina simula nang mamatay ang kanilang hari kaya simula noon ay napagiiwanan na ang bayan ng Quin.


Dahil sa kasakiman ng kanilang pinuno ay nalugmok sila. Ang dating napakalakas na kaharian at bayan, ngayon ay hindi na mapansin. Naging magkasundo ang mga bayan lalo na ang karatig bayan na Yehan at Lureska pagtapos ng labanan.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon