Chapter 46

902 50 2
                                    


Chapter 46: Traitors

Cassandra's POV

Pinagmasdan ko ang mga natutulog na studyante sa sahig dito sa office ni Jake. Dito sila dinala nila Belle at kami lang ang nakakaalam nito dahil sabi ni Jake, hindi pa sigurado kung sila lang ang traydor sa Academy.


Ilang oras na at 'di pa rin sila nagiging. Dahil din siguro sa mga paraan kung paano sila nahuli kaya sila ganito ka tulog. Lalo na at mga Wizard sila Liro.


"What are we going to do next?" si Trisha.


Tumingin ako sa direksyon ni Jake at nakita ko ang pagka seryoso n'ya. Tila pinag-iisipang mabuti ang gagawin dahil nakasalalay sa desisyon n'ya ang galaw namin.


Ngayon ay naisip ko na kung nakabalik na si Spade at nagbabalak s'ya magkaroon ng digmaan, ibig-sabihin lang no'n ay may nahanap s'ya na makakatulong sakaniya para manalo sa digmaan at matalo kami.


Iniisip ko din na kung ang pagpapabagsak lamang ba sa Incants ang gusto n'ya o kasama ako? Bakit n'ya ako gusto kuhanin? Anong mayroon saakin na kailangan n'ya?


Alam ko naman na ako lang ang kabilang sa Artemis group pero bakit n'ya ako kukuhanin? O ako ba talaga ang pakay n'ya o may iba pa?


That's my biggest question. Ano pa ba ang mga bagay na kailangan kong malaman?


"Cassandra, are you with us?"


Napatango-tango ako nang makabalik sa realidad. Kanina pa pala nila ako kinakausap pero dahil sa pag-iisip ko ay hindi ko iyon napansin.


"As what I've said, we need to gather more information about Quins. We need to wait for them to wake up" si Jake bago tinignan ang mga tulog na traydor.


"Kung sapakin ko nalang kaya, Master? Para mabilis sila magising?" si Blizz na hinahawakan pa ang baba n'ya na parang ang tagal n'yang pinag-isipan ang bagay na iyon.


Nakatanggap s'ya ng masamang tingin mula kay Jake at Liro.


"No, we can't do that Blizz. Baka lalo sila hindi magising kapag ginawa mo 'yun" seryosong sabi ni Liro.


Mukha namang nalungkot kunwari si Blizz kahit na alam ko namang biro lamang iyon. Dahil doon ay nakatanggap s'ya ng matalim na tingin mula kay Belle kaya n'ya tinaas ang dalawang kamay, tanda ng pag suko.


Napabuntong hininga ako saaking kinauupuan. Nahalata ko naman na pinapanood n'ya ako kanina pa kaya nilingon ko s'ya at naabutan kong nakatingin nga s'ya saakin.


Tila gusto n'ya akong tanungin sa kung ano ang nasa isip ko pero inaalam n'ya din kung gusto ko ba itong sabihin.


"Lalabas muna ako" paalam ko sakanila.


Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at lumabas na ako sa office ni Jake. Nagsimula akong maglakad papunta sa library para mag hanap ng clue sa mga libro.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now